Share

Chapter 43

Bumuntong hininga si Axis nang makita niyang nakasubsob sa kaniyang palad si Abigail. Hinayaan niya itong uminom ng rice wine sa sala habang nanonood ng palabas. Siya naman ay nagpaalam na may gagawin siya sa kuwarto. Pero sa totoo lang ay may trabaho siyang tatapusin. Dalawang oras lamang na iniwan niya ito at pagkalabas niya ng kuwarto ay ito at lasing na ito. Katulad noong nakaraan ay knockdown ito.

Pinatay niya ang nakabukas pa rin na tv bago nilapitan ang dalaga. Tumunghay muna siya sa nakapikit na dalaga at napailing. Namumula ang pisngi nito at bahagya pang nakaawang ang labi nito. At kung hindi siya nagkakamali ay laway ang kumikislap sa may mesa. Kumilos siya at hinawakan iyon at hindi nga siya nagkamali dahil basa ang mesa.

'Messy!' anang maliit na tinig sa ulo niya.

Akmang bubuhatin niya ito para dalhin sa kuwarto nang biglang nagmulat ito at namumungay ang mata na tinignan siya nito. Nakangiti pa ito ng matamis sa kaniya. Wala itong pakialam kahit na basa ang pisngi nito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status