Share

CHAPTER 10

"Ah... Iyon ba? Hindi ko alam eh. Tara nalang siguro," nahihiya niyang turan at nauna nang naglakad. Hindi niya siguro alam na ang sweet niya kaya. Sabagay, baka iba ang interpretation ko sa salitang sweet at iba rin ang kaniya.

"Tara!" mahina pero may galak kong sambit. Sumunod nalang ako sa kaniya hanggang sa sinabayan niya rin ako sa paglalakad. Ang awkward din pala minsan kapag ganito ang eksena. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awkwardness. Malamang dahil ito sa paghanga ko sa kaniya.

Pakiramdam ko ayaw kong ma-turn off siya sa akin sa tuwing kikilos ako. Normal lang ito. Alam kong normal lang ito.

Hindi rin naman pala malayo ang Lualhati Park mula sa plasa. Malawak ito at may mga upuan din na puwedeng gawing tambayan. Sa pagkakaalam ko, mga puno ng balete ang nasa bandang kanan ng park. Hindi iyong mga balete na creepy ang datingan dahil katamtaman palang ang laki at taas ng mga ito. May mga halaman din na puti ang kulay ng bulaklak sa paligid na puwedeng-puwendeng maging
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status