Share

CHAPTER 9

"Hindi naman ako magaling talaga. Hanggang ngayon inaaral ko pa rin ang mga bagay-bagay sa pagsusulat." Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita bago pilit na ngumiti. "May rason kung bakit ako nagsusulat. May rason kung bakit ako nagsulat."

"Talaga?! Ano? Magkuwento ka naman! Dali. Alam mo bang gusto ko talagang malaman ang rason na iyon. Magkaibigan na rin naman tayo kaya baka puwede mo na ikuwento sa akin! Makikinig ako, promise. Tapos baka makapag-advice pa ako sa iyo!" Ang mga sinambit ko ay puno ng pagkamangha at pag-u-usisa na tila ba hindi ko na naisip na baka hindi kanais-nais ang rason na tinutukoy niya.

Tila nakalimutan ko rin na hindi lang kami ang tao sa loob ng kainan. Lumapat nalang bigla ang palad ko sa aking mga labi na tila ba pinipilit ko itong takpan. May mga tao ring nakatitig sa akin. Ang ingay ko kasi! Nakakahiya ang bibig ko.

"Sorry, nabigla lang," pagbawi ko sa mga salitang binitiwan ko matapos kong tanggalin ang kanang kamay ko na pinangtakip ko sa bibig ko. P
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status