Share

Chapter 31

Tumigil si Igneel sa paglalakad, pinoproseso ang tinanong ni Aricella sa kanya.

“Igneel, sagutin mo ako. Sino ka?” Ulit na tanong ni Aricella, siya na rin mismo ang lubusan na lumapit kay Igneel sa harap nito. “Answer me, Igneel.”

Seryoso lang ang tingin ni Igneel sa kanyang asawa, alam niya ng mangyayari ito na tila ba handa siya sa kanyang isasagot. “I am just a commoner, Aricella. Kung saan mo ako nakilala ay doon talaga ako nanggaling. Why would you ask that? Are you doubting me?”

Napaisip si Aricella sa sinagot ni Igneel, halata niya naman na nagsisinungaling si Igneel pero gusto niya pa rin malaman ang totoo dahil may mga bagay na hindi siya maintindihan, may mga bagay na bigla na lang din nagagawa ni Igneel na nagugulat at nagtataka siya kung paano nagawa iyon ni Igneel.

“Hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko. How come that you want to help Carlyn’s father for the operation and for their hospital bills? Sa sahod mo mula sa kumpanya? Tell me? Sapat ba iyon? Anong gusto mo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status