Share

Chapter 42

Hindi maintindihan ni Aricella ang sinasabi ng kanyang tiyahin, dahan-dahan siyang bumaling kay Igneel na ngayon ay seryosong kumakain habang nakatingin sa kanya na nagtataka rin.

"A-anong ibig sabihin mo, Ante?" Mahinang tanong ni Aricella kay Jannah.

Kinakabahan siya sa sinasabi at kung ano ang nangyayari. Bakit naman sasabihin ng kanyang tiyahin na si Igneel ay isang masamang tao.

"Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, layuan mo na ang asawa mo dahil unang-una hindi mo siya kilala, hindi natin alam kung sino talaga siya but please, bilang kapatid ng Mama mo at tiyahin mo, para sa pamilya natin. Hiwalayan mo siya, ngayon din. Nasaan ka ba at kailan ka babalik dito sa Manila, ha?!" sunod-sunod na sabi ni Jannah.

Wala pa ring naiintindihan si Aricella kaya naman binaba niya na lang ito at pinakiramdaman ang kanyang dibdib na para bang hinahabol ng maraming kabayo dahil sa kaba.

"May nangyari ba?"

Napatalon sa gulat si Aricella nang biglang nagsalita si Igneel sa kanyang gilid, na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status