Share

Chapter 24 - I love you, Mama Merideth

Humahangos si Anastasia sa pagmamadali na makarating sa isang kilalang restaurant sa Maravilis, ang CJ Restaurant. Ito ang sinabi ng kanyang ina na lugar kung saan sila magkikita. Hindi siya nagpakita kaagad sa ina, dahil para siyang hindi makahinga ng maayos sa bilis ng pintig ng kanyang puso. Nang makaipon nang lakas inayos niya ang kanyang sarili bago naglakas-loob na humakbang sa pasilyo ng restaurant. Ngumiti siya sa mga staff na bumati sa kanya saka iginala ang kanyang mga mata sa paligid. Namataan naman niya kaagad ang hinahanap. Nasa tabi ito ng glass wall. Napangiti siya dahil pumuwesto talaga ito sa parteng gitna. Nanibago siya sa postura ng ina, dahil nakapa-sosyal na ang dating nito ngayon. May mga alahas na ito sa kamay at leeg maging ang mukha ay may kolorete na. Abala ito sa pag-inom ng orange juice habang naka-de-kuwatro ang mga binti, kaya hindi nito napansin ang pagdating niya.

Mayamaya, umangat ang mukha nito nang huminto s'ya sa tabi nito.

"Oh! Andito kana pala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status