Share

Chapter 32 - Unknown number

Pasado alas-dose nang gabi, ng magdesisyon si Vance na umuwi. Nag-aalala siya dahil hindi na nag-reply si Anastasia sa message niya mula nang sinabi niya rito na nasa Infinite Club siya kasama ang mga kaibigan.

Nauna nang nagpaalam si Rex kasama ang bago nitong jowa na model. Nilingon niya si Samuel na busy sa cellphone nito. Apat nalang sila sa loob ng kwarto. Ang dalawang babae na entertainer at ang kaibigan niya.

"Bro, I'll go ahead." saka lang ito gumalaw at tumingin sa kanya.

"Okay, susunod na rin ako." sagot nito sa kanya.

Kumuha siya ng limang libo sa kanyang wallet at binigay ito sa babae na nakalaan sa kanya, ngunit hindi niya pinayagan na hawakan siya. Nanatili lang itong nakaupo sa tabi niya. Masayang tinanggap iyon ng babae at nagpasalamat sa kanya.

Paglabas niya sa pasilyo naninibago siya dahil unang pagkakataon na pumunta siya rito na wala si Anastasia. Mabilis ang hakbang na tinungo niya ang hagdan pababa. Tumaas ang kanyang kilay nang masulyapan si Marga na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status