Share

Chapter 39 - The text

5 years later

Nakatayo si Vance sa balcony ng isang hotel sa Singapore. Last day n'ya ngayon dito, naghahanda na s'ya sa pag-uwi. Halos isang linggo rin s'yang namalagi rito dahil sa mga business meetings na dinaluhan. Kasama n'ya rito si Nikko na nasa katabing kwarto niya. Kakatapos lang nilang mag-usap ni Tonton. Halos araw-araw siya nitong pinapahirapan, dahil ayaw nitong pumasok sa eskwelahan. Simula noong nawala ang ina nito, malaki rin ang pinagbago ng kanyang anak. Ang dating malambing at masayahin, ngayon ay laging mainit ang ulo, palagi nitong sinisigawan ang mga katulong na nag-aasikaso rito.

"Anastasia, nasaan ka na!" sigaw ng kanyang isipan habang pinapanood ang mga sasakyan na napakaliit mula sa kanyang kinaroroonan. Hindi sapat ang kanyang pagsisisi araw-araw, sa nagawa n'ya rito.

Nagulat siya sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone na nasa ibabaw ng family size bed. Kinuha n'ya ito at tiningnan kung sino ang tumawag. Pagkakita n'ya sa caller ID agad n'ya itong sinag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alicia Joy
pa unlock naman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status