Share

Chapter 5 - Who is Soleen Marasigan

Hindi maiwasan ni Ashton ang kabahan sa unang beses niyang makipagkita sa babaeng pumatay sa kanyang pinakamamahal na nobya. Habang naglalakad papasok ng police station kung saan nakakulong ang babae, nakaramdam s'ya ng kunting habag. Hindi n'ya maintindihan kung bakit parang natatakot siya at nalulungkot. Kasama n'ya si Luis ang kanyang assistant.

"Good afternoon, Mr. Enriquez." bati sa kanya ng hepe. Si Mr. Melchor Reyes.

Tumango lang s'ya.

"Nais po namin siyang makita, Hepe." sabi ni Luis.

"Okay, sumunod kayo sa akin." tugon naman ng hepe at iginiya sila papasok. Hindi mabasa ang expression sa mukha ni Ashton habang naglalakad sa pasilyo. Mayamaya at nakarating na sila sa isang kwarto. Pinaupo sila sa dalawang bakanteng upuan sa harap ng mesa. Ilang sandali lang ay pumasok ang nakaposas na babae. Matamlay ang mukha nito at namumutla. Halos dalawang linggo na ito sa loob ng kulungan.

Ngayong muli niya itong nakaharap walang salitang lumabas sa bibig ni Ashton. Nanatili siy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sandy Kim
Next please... Sana mura lng..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status