Lumalabas na ito ay ang asawa ni Eloise, si Sean Montgomery. Nang tignan ang matangkad at matikas nitong likod, nakaramdam si Madeline ng lungkot at pighati sa kanyang puso. Ginusto niya ring magkaroong ng ama, ngunit sa kasamaang palad, hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal ng isang ama at ina sa kanyang buhay. "Kumusta ang kalagayan ng nanay mo?" Labis na nag-aalala si Sean sa sitwasyong ito. Umiyak si Meredith, "Hindi ko alam kung anong mayroon. Mukhang may aksidente sa operasyon. Malubhang dumudugo si ina at kasalukuyan siyang inooperahan…" "Ano?" Biglang nagbago ang ekspresyon ni Sean at tumakbo siya patungo sa operating room. Huminto saglit ang tibok ng puso ni Madeline. Paanong nagkaroon ng aksidente? Pinisil niya ang kanyang daliri sa pag-aalala ngunit narinig niya ang galit na boses ni Meredith na nagsasabing, "Saan biglang nanggaling ang mga taong may RH blood? Isang beses noon tapos ngayon na naman." Walang utang na loob sa tono ni Meredith, ngunit m
Napamura si Sean. "Hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi ka gusto ng mga magulang mo. Hindi dapat mabuhay sa mundong ito ang isang mabagsik na taong kagaya mo!" Hiss. Huminto ang paghinga ni Madeline. Iniinsulto at kinekwestyon ng mga taong napadaan at ng walang muwang na masa sa mga nagdaang ilang taon, pero matagal na siyang namanhid. Subakit nang marinig niya ang bawat salita at murang sinabi sa kanya ni Sean sa sandaling ito, pakiramdam niya ay para bang ilang libong hiwa ang lumatay sa laman at dugo niya sa kanyang katawan. Nahirapan siyang huminga dahil sa sobrang sakit. “Dad, kalimuttan niyo na ‘yun. Kasalanan ko itong lahat. Ako ang dapat na hindi nahulog para kay Jeremy…” Inako ni Meredith ang lahat ng sisi. Mas lalong nalungkot si Sean para sa kanyang pinakamamahal na anak nang marinig niya ito. “Paanong naging kasalanan mo? Ang babaeng ito ang may kasalanan!” Malungkot na tinignan ni Sean si Madeline. “Kung hindi niya inagaw si Jeremy, sana ay naging isang ma
"Wala lang 'yon." Ngumiti lang si Madeline. "Oo nga pala, kumain ka na ba, Mr. Whitman?" Umiling si Felipe. "Anong meron?" "Gusto mo bang subukan ang gawa ko? Nagkataon na nagluluto ako, patapos na 'to." Bahagyang inamoy ni Felipe ang hangin at naamoy niya ang mabangong amoy ng kanin. "Kung ganoon, tatanggapin ko ang alok mo." Sobrang natuwa rin si Madeline nang marinig niya ang kanyang sagot. Sa una ay balak niyang matulog na pagkatapos kumain, pero ngayon, nagprito pa siya ng dalawa pang putahe. Noon ay umaasa pa siya na darating ang isang araw na uuwi ang kanyang pinakamamahal pagkatapos ng trabaho. Pagkatapos, kakainin nito ang kanyang nilutong pagkain na sarili niyang ginawa habang nag-uusap silang dalawa. Inakala niya na si Jeremy ang unang makakatikim ng kanyang lutuin, pero walang permanente sa mundo. Sa kabila ng mga magagandang pangarap na mayroon siya noon, lahat ng iyon ay naging kulay abong kastilyong buhangin na malinis na tinaboy ng hangin. Matagal nang
Pumasok si Jeremy nang may kalmadong ekspresyon at nakakapangilabot na ereng nakabalot sa kanyang katawan. "Jeremy." Tinawag siya ni Felipe. Hindi sumagot si Jeremy. Tumingin ang kanyang malalamig na mga mata sa hapag bago huminto sa maputlang mukha ni Madeline. "Madeline, anong klaseng tanong ba yan? Asawa mo ako. Ganun ba kapambihira na magkaroon ako ng susi?" "...""Lantaran ka bang nagdadala ng lalaki rito para kumain at uminom habang wala ako?" Nakangiting nagsalita si Jeremy pero mariin niyang tinignan si Felipe. "So, Tito Felipe, gusto mo ng ganitong klaseng babae?" Nautal ang tibok ng puso ni Madeline. 'Ganitong klaseng babae.' Ginamit niya ang mga salitang ito para ilarawan siya. Mas lalong namutla ang mukha ni Madeline, pero hindi siya nagtangka na kaharapin siyang muli. Sa harapan niya, para siyang isang natatakot na ibon, natataranta at kinakabahan. "Jeremy, 'wag mo kong masamain," Kalmadong paliwanag ni Felipe, "Nag-aalala lang ako na baka may nangyari
Nang matapos siyang magsalita, kinuha niya ang kanya coat at tumalikod. Tinignan ni Madeline ang likod ni Felipe habang papaalis ito at unti-unting nawawala ang ilaw sa kanyang mga mata. Tanging kawalan ng pag-asa ang natira sa kanyang mga mata sa huli. Hindi niya alam kung anong gagawin sa kanya ni Jeremy, ang tanging alam niya lang ay tiyak na napakasama ng kanyang mga pamamaraan. Hindi niya makakalimutan na para siyang isang demonyong nagmula sa impyerno. Hinukay niya ang libingan at hinayaan ang abo ng kanyang anak na tangayin ng hangin at ng niyebe, at nakangiti pa nga siya habang ginagawa ito. Nang makita niya ang mga namumulang mga mata ni Madeline na nakatingin sa direksyon kung saan dumaan si Felipe ay nagalit si Jeremy. "Ganito ka ba kalungkot na umalis siya? Madeline Crawford, tinuturing mo ba akong patay na? Ako ang asawa mo." Galit niyang tinulak si Madeline gamit ng kanyang mga braso. Nawindang si Madeline at tumumba sa gilid ng sofa, gumasgas ang kanyang su
Biglang nanlamig ang buong katawan ni Madeline, para bang nagyelo ang dugo sa kanyang katawan. Nakatulala siyang tumingin sa nakangising lalaki. Para siyang si Satanas sa isang madilim na gabi, ang kanyang buong katawan ay itim. Sa huli ay gusto pala niyang makita siyang mamatay. 'Jeremy, 'di magtatagal ay matutupad din ang hiling mo.' 'Sana kalmado ka pa rin kagaya sa sandaling ito kapag dumating ang araw na iyon.' Subalit, nang magsisimula pa lang siyang mag-isip na tuluyan nang iwanan ang mundong ito at kalimutan ang lalaking ito habangbuhay, nakaramdam siya ng panghihinayang sa kanyang puso. Hanggang ngayon, mayroon pa rin siyang nararamdaman para sa kanya. Nagsimulang bumagsak ang mga luha sa mga ni Madeline nang biglaan, pero kahit na gaano pa kainit ang kanyang luha, hindi nito mapapainit ang kanyang puso. "Bakit ka umiiyak? Umaarte ka na naman bang kawawa?" Ngumisi si Jeremy, pinisil ng kanyang maiinit at balingkinitang daliri ang baba ni Madeline para pilitin
Nararamdaman pa niya ang kanyang malakas na tibok ng puso. Pero, anong nangyayari? Sinubukan niyang alalahanin kung anong nangyari kagabi, pero ang naaalala niya lang ay tumakbo siya palabas dahil ayaw niyang makita ni Jeremy ang kanyang kasalukuyang nakakadiring itsura. At iyon na nga, hinimatay siya habang tumatakbo. Nang sinisimulan pa lang niyang alalahanin kung anong nangyari ay mukhang nagising si Jeremy. Sa kanyang gulat, kaagad na pinikit ni Madeline ang kanyang mga mata, napakabilis ng tibok ng kanyang puso na halos tumalon ito sa kanyang lalamunan. Binuksan ni Jeremy ang kanyang mga mata at iniangat ang braso na nakapalibot sa beywang ni Madeline, sabay umalis sa kama. Akala ni Madeline ay nakaalis na si Jeremy pero bigla siyang nakaramdam ng hininga na papalapit sa kanya. Sa susunod na sandali, nagkadikit ang kanilang mga noo na para bang pinapakiramdaman niya ang temperatura ng kanyang katawan. Hindi pinaniwalaan ni Madeline ang kasalukuyang kinikilos ni Jerem
Sigurado si Madeline na alam ni Jeremy na siya ang Mr. Whitman na tinutukoy niya. Inakala niya ay magpapakita siya ng pagsisisi sa insidenteng iyon, pero ang tanging narinig niya lang ay ang tunog ng kanyang singhal. "Madeline, pinagpipilitan mo pa ring ikabit ang bastardong iyon sa pangalan ko hanggang ngayon. Sasabihin ko ulit sa'yo na ako, si Jeremy Whitman, ay mayroon lamang iisang anak, at iyon ay si Jackson Whitman," sabi niya. Pagkatapos niyang magsalita nang may malamig na ngiti sa kanyang mukha, binitawan niya si Madeline. "Nagugutom ako, ikuha mo ako ng isang mangkok ng lugaw," sabi niya. Mahigpit na tinikom ni Madeline ang kanyang mga kamao. Habang tinitignan ang malamig at walang awang lalaki sa kanyang harapan ay nagsalita siya, "Hindi sapat ang nailuto ko para sa'yo, Mr. Whitman. Kakaunti lang ito, umalis ka na." "Madeline Crawford, ganito ba ang ugaling ipapakita mo habang kinakausap ako?" Tanong ni Jeremy habang bahagyang nakakunot ang kanyang noo. Malinaw