Natural, ang mga komento ay puno ng mga netizen na pinagsasalitaan siya nang masama. Pagkatapos ay nakita ni Naya ang buong video ng live broadcast ni Ava sa trending search. Pinindot niya ito at nakita kung gaano siya kaarogante. Atsaka, malinaw niyang naririnig ang usapan nila ng nanay niya. Blag!Galit na ibinato ni Naya ang tablet sa sahig. “Ava, kailangan mo pa talagang palalain ang lahat sa sitwasyong ito ano? Kung hindi ako makakabawi sa sitwasyong ito, gagawin kong impyerno ang buhay mo! Isasama kita sa pagbagsak ko!” Walang-awang sinabi ni Naya. Hindi niya maisip kung ano ang kakaharapin niya ngayong tuluyan nang nasira ang imahe niya. Kinaumagahan, nagmadali si Naya papunta sa estasyon ng pulis. Pagdating niya, paalis na si Ava. Sa sandaling nakita niya si Ava, lumapit si Naya at nagbintang, “Officer, siya ‘yun. Naglagay siya ng camera sa ward ko at nilabag niya ang privacy ko! Labag ito sa batas!” Nang makitang masyadong madamdamin si Naya, marahan siyang pina
Nagulumihanan si Naya. Ngayon ay isa na siya sa mga suspek? Kahit na may binayaran nga siya para gawin ang mga bagay na ito, ang gusto lang niya ay takutin si Ava. Subalit, mukhang hindi natakot si Ava. kung hindi, paano nito magagawa na makapagsumbong ng mahinahon? “Miss Mendez, pakiusap at sumama ka sa amin. Meron kaming gustong itanong sa inyo.” Inimbitahan ng mga pulis si Naya. Tinago ni Naya ang kanyang pagkaaligaga sa kanyang puso at ngumiti. “Kung gusto niyong mag-imbestiga, mag-imbestiga na lang kayo. Hindi ako gagawa ng kahit na anong lalabag sa batas. Subalit, kung nalaman niyo na ang bagay na ito ay walang kinalaman sa akin pagkatapos ng inyong imbestigasyon, gusto kong humingi kayo ng tawad sa akin.” “Miss Mendez, ang mga mamamayan ay obligadong makipagtulungan sa pulisya sa ganitong klase ng imbestigasyon. Nagbabase kami sa ebidensya kapag may hinahawakan kaming kaso. Kaya, makakasiguro kayo na walang magiging hindi makatarungan nakaso.” “...” Kahit na hindi n
Wala naman siyang reklamo laban sa kanya. Sa kabaliktaran pa nga, labis na natuwa si Ava dahil hindi siya pinagdudahan ni Daniel mula sa simula hanggang sa huli. “Halika na, Danny. Nakaparada lang ang kotse ko sa may tabi ng kalsada. Dadalhin na kita sa doktor na kilala ko para sa isang check-up.” Pagkatapos magsalita ni Ava, dinala niya si Daniel sa kotse na hiniram niya kay Madeline nang lumabas siya nitong umaga. Sumunod kaagad si Daniel, ngunit sa sandaling binuksan niya ang pinto ng passenger seat, isang hukbo ng mga reporter ang bigla na lang lumitaw sa kung saan. Pinalibutan nila sila Ava at Daniel. “Miss Long, pwede niyo bang ipaliwanag sa amin kung ano ang nangyari sa inyong live broadcast kagabi?” “Narinig ko na kayo ang nagplano na palihim na kunan ng video si Naya. Totoo ba ito?” “Paano niyo balak labanan si Naya pagkatapos niya kayong siraan ng ganito?” “Dahil ba ito kay Mr. Daniel Graham kaya may sama kayo ng loob laban kay Naya?” Nang tinanong ito ng ep
Natural lang na hindi maintindihan ni Ava ang CT scan ng utak, ngunit nakita niya si Neil na nakatingin dito ng maigi. Tinignan niya ang lalake. Ito ang kanyang tunay na ama na iniwan siya noon. Ngayon ay isa na siyang tanyag na propesor na may magandang reputasyon sa mundo ng medisina. Alam din niya kung paano kagusto ng lalakeng ito na kilalanin siya uli bilang ama ng kanyang anak na babae, ngunit ng maisip niya ang tungkol sa nangyari, naghalo ang kanyang emosyon. “Ava, Ava.”Ng bigla, ang malalim at malambing na boses na Daniel ang kanyang narinig sa kanyang tenga. Bumalik sa katinuan si Ava at napagtanto niya na lumilipad nanaman ang kanyang isipan. Ngumiti lang siya kay Daniel at lumingon at nakita niya si Neil na kinuha ang CT scan ni Daniel. Tinignan niya sila ng may kalmadong ekspresyon. “Nakita ko na ang mga resulta. Marami na akong karanasan sa mga kaso na tulad nito.” Ang sagot ni Neil ang nagpakalma kay Ava ng husto. Hindi na siya nakapaghintay at nagtanong
“Ava? Ava?”“Huh?” Bumalik ang ulirat ni Ava at nahanap niya ang kanyang sarili na nakatulala nanaman.“Mukhang may malalim kang iniisip. Ako na lang kaya ang magmaneho?” “Bakit naman kita hahayaan na magmaneho? Pasyente ka.” Ngumiti si Ava para baguhin ang tensyon sa paligid ng kotse. “Maupo ka na lang jan. pagkatapos mong bumalik, kailangan mong sundin ang mga sinabi sayo ni Dr. Long at magpahinga ng maayos. Hindi dapat sumama ng lubos ang loob mo.”“Hindi masama ang loob ko, ngunit pakiramdam ko ang mga nangyayari ngayon ang nagpasama ng loob mo.” Bakas ang pag-aalala sa tono ni Daniel nang sinabi niya iyon. Tinignan ni Ava ang bungkos ng mag tulips na nakalagay sa backseat sa pamamagitan ng rearview mirror at kaagad na naramdaman na nawala na ang kanyang mga problema. Binuksan niya ang radyo at gusto sanang palitan ang istasyon para makinig ng musika, ngunit hindi inaasahan, nailipat niya ito sa isang live broadcast channel. Sa may broadcast, parehong narinig nila Ava a
Mukhang nababaliw na si Naya. pagkatapos niyang sabihin ito, binilisan niya ang takbo ng kanyang kotse habang nakatitig sa kotseng nasa harapan niya. Determinado siya na patayin si Ava, ngunit syempre, ayaw ni Naya na mamatay kasma niya. Ang drayber ng kotse na maingat na nagmamaneho sa may unahan ay nagtaka ng marinig niya na ang makina ng isang sports car na mabilis na parating. Tumingala ang drayber at nagulat ng makita niya ang pulang sports car na mabilis na papunta sa kanya. Para bang nawalan ng kontrol ang kotse. Nang gustong iwasan ng drayber ang sports car, nakita niya na biglang gumewang ang pulang kotse at bumangga sa harapan na pintuan ng kotse. “Ah!” sigaw ng babae sa sobrang takot. Ang sumunod ay isang malakas na banggaan. Bang!Nabangga ni Naya ang kotse at lubos siyang nasiyahan sa kanyang nagawa, ngunit ng tumalsik siya paharap dahil sa pwersa, tumama ang kanyang ulo sa manibela at mabilis na nawalan ng malay. Nasa bahay ang ina ni Daniel. Nang marinig n
Napahinto sa gulat ang nanay ni Daniel. "Dan, anong pinagsasabi mo? Pinagsususpetsahan mo ba na sinadya ni Naya na banggain ang kotseng yun patayin ang sarili niya at kunin ang simpatiya mo?" "Hindi niya gustong kunin ang simpatiya ko. Gusto niyang patayin ang tao sa kabilang kotse." Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ni Daniel. "Ang taong naghatid sa'kin ngayon lang ay si Ava." "...Ano? Si Ava?" Nagulat ang nanay ni Daniel, pero unti-unti niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Daniel. Ang kotse na minaneho ni Ava ngayon ay kaparehong model at kulay ng kotse na nabangga ni Naya. Inisip siguro ni Naya na si Ava ang nagmamaneho ng kotse, kaya… "Dan, n-nagkakamali ka lang siguro? Paanong susugal nang ganun yun si Naya gamit ang sarili niyang buhay?" "Kung ganun, iniisip mo rin ba na hindi siya magtatangkang magpakamatay para sa'kin? Alam mo na baka umarte lang siya noong sinabi niyang nagtangka siyang magpakamatay, tama?" Tanong ni Daniel nang may matalim na tono, lumapag
Gulat na tinignan ng nanay niya si Naya at nagmamadaling sinuportahan si Naya. "Naya, dahan-dahan lang. Kakagising mo lang. Bakit mo tinatanong yan?" Naguguluhan ang nanay ni Naya at nagtanong nang pabulong, "Hindi kaya may inutusan ka na gumawa ng masama kay Ava?" Maingat si Naya sa pagkakataong ito, pagkatapos niyang makumpirma na walang ibang kakaibang tao at bagay sa paligid, sumagot siya nang pabulong. "Bakit ako mahihiga rito kung hindi siya sinubukang banggain?" "Ano? Anong ibig mong sabihin?" Mas lalong naguluhan ang nanay ni Naya. "I-Ikaw ba ang…" "Oo, sinadya ko siyang banggain!" Naningkit ang mga mata ni anya, at puno ng bangis ang kanyang mga mata. Pagkatapos marinig ang sagot na ito, nagbago ang ekspresyon ni Mrs. Mendez. Mabilis siyang naglakad para isara ang pinto ng ward, pagkatapos ay hindi makapaniwalang nagtanong. "Naya, sinasabi mo na binangga mo ang kotse mo sa kotseng iyon?" "Tama ka." Handa itong inamin ni Naya, pagkatapos ay naiinip siyang nagt