Merry Christmas po
“Bakit ka pumasok sa bahay namin?” galit na sabi ni lola kay Axcl. “Halika dito, Anda. Niloloko ka lang ng lalaking iyan!” Hinawakan ni Axcl ang kamay ko at pinagsiklop niya ito. “Anda?!” ulit niya nang makita na hindi ko ginagalaw ang paa ko para lumapit sa kanila. “Natatandaan mo ba ang lalaking iyan? Bakit ayaw mong umalis sa tabi niya?” lola “Hindi niya ako kailangang maalala dahil bumalik man ang ala-ala niya o hindi, sasama siya sa akin!” Axcl “Nahihibang ka na! May asawa ka na! Ikaw Andania, may asawa ka rin.” Tumingin ako kay Sua na nakahiga sa dibdib ni Axcl habang buhat buhat siya nito. “Pero may anak kami ni Axcl,” mahinang tugon ko. Lumingon ako sa kanila. “Sapat na sa akin ang katotohanan na niloko niyo kaming dalawa. Hindi niyo sinabi kay Axcl na nacoma ako, at pinakasal niyo ‘ko kay Bil kahit alam niyong may boyfriend ako,” Nanlaki ang mata ni lola Torya. “So anong gusto mong gawin Anda?” mommy “Sasama ako kay Axcl,” ang sabi ko. “Babalikan ko rin kayo oras b
“She’s my daughter,” ang sabi ko at agad na naglanding ang kamay ni Fatima sa pisngi ko. “Niloko mo si kuya,” paratang niya. Tinignan ko siya. “Obviously, Sua came bago pa kami nagpakasal ni Bil,” Palalagpasin ko ang pagsampal niya sa akin huwag lang nila gagalawin ang anak ko. “Sinong ama? Sinong nakadisgrasya sa ‘yo?” ngayon ko lang narinig ang mga masasakit na salita gaya niyan kay Fatima. Sa tingin ko ay matagal na niya akong murahin, ngayon lang siya nakahanap ng dahilan. “Kung nag-aalala kayo na madungisan ko ang pangalan ni Bil, huwag kayong mag-alala, makikipaghiwalay ako sa kaniya,” sabi ko at tumingin kay Shawn. Pero marahas na hinawakan ni Fatima ang kamay ko at hinarap sa kaniya. “Sinong ama ng batang ‘yan?” aniya na nanlalaki na ang mata. “Stop hurting my mama,” agad siyang tinulak ni Sua bagay na ikinabigla naming lahat. Hinawakan ni Fatima ang kamay ng anak ko. Agad na napasigaw si Sua sa sakit kaya malakas kong itinulak si Fatima at binawi si Sua sa kaniya. “S
Happy new year, dear readers! Thank you po sa inyong lahat. Sana happy kayo kung nasaan kayo ngayon. :3 Please know na I am happy and grateful for what you've done to me. Sobrang salamat talaga sa inyong lahat kasi naging part kayo ng 2023 ko. Alam kong I'm not here to where I am now kung wala kayo. Kaya your Ms. A is very happy na nameet kayo. This is a sudden message. Haha. Pero gusto ko lang e type ito at sabihin sa inyo na heto, thankful ako. Sana po, hayaan niyo ako maging part ng 2024 niyo at maging part kayo ng 2024 ko. Hoping for a prosperous and bless year this coming 2024 and sana lahat tayo masaya. ------ Love, bulalakaw.
FATIMA “Ma’am!” napatalon ako sa gulat nang tawagin ako ng studyante ko. “ANO BA?!” Hindi ko napigilan magtaas ng boses. Bahagya siyang natakot at ako naman ay natauhan sa ginawa ko. “Ano… B-Bakit? Sorry, nabigla lang si ma’am,” “Sorry ma’am kung nagulat ko po kayo. Ano po, pinapunta po kayo ni sir Conti sa office.” “Ganoon ba? Sige pupunta ako doon ngayon,” tumango siya at umalis. Napahilamos ako sa mukha ko. Ang dami kong iniisip, si Axcl hindi ko matawagan. Tapos… idagdag pa iyong annulment. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa sakit ko. Jusko! “Hoy!” Napatingin ako sa pintuan at nakita si Conti. “Nasaan na raw ang narrative report sa kahapon na event? Iyong DLL mo? Kailangan na iyon,” Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Hindi ko pa nagagawa lang ng iyon. Kumunot ang noo niya. “Ayos ka lang?” tanong ni Conti “Conti, nalaman ni Axcl ang sakit ko. G-Gusto niyang makipag-break sa akin.” Nakita kong napatitig siya sa mukha ko. “Hindi ko alam paano niya na
FATIMA“Hindi pa rin ako papayag Axcl. Niloloko ka lang ulit ng babaeng iyon. Alam kong niloloko ka lang niya.”“Hindi mo kilala si Anda,” mariing sabi niya.Anong hindi? Hindi ba iyon nga ang naging dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay noon sa lungkot?Ako ang nagligtas sa kaniya.Mas lalo lang akong nagagalit na kinakampihan niya ang babae niya laban sa akin.Inis na kinuha ko ang annulment paper at pinunit iyon.“Hindi ko pipirmahan ang annulment na ito,”Tumayo ako at tinalikuran siya para umalis. Sunod sunod na tumulo ang luha sa mata ko. I guess nirentahan lang niya ang buong resto na ito para kung sakaling mag iskandalo ako, hindi siya mapapahiya.Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si mama.“Saan ka ba galing? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” umiiyak na sabi niya.“Sorry ma. Nakipagkita po kasi ako kay Axcl,” ang sabi ko.Natigilan siya at napatitig sa akin.“Ma, itutuloy niya ang annulment namin,” napasinghap si mama at kinabig ang ulo ko para mayakap niya ako.Hin
ANDANIA“Anong nangyari sa pagkikita niyo ni Fatima?” tanong ko kay Axcl nang makauwi siya. Imbes na sagutin, ipinatong niya ang noo niya sa balikat ko.“Nagi-guilty ako,” bulong niya. Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.“I hurt her,” ang sabi niya.Nag-iwas tingin ako. May nararamdaman ba siya kay Fatima? Sa kaisapang may puwang si Fatima sa puso niya, nasasaktan ako.“May gusto ka ba sa kaniya?”Natawa ako sa sarili ko. Kailangan pa ba niyang sagutin iyon? Oo naman ang sagot dahil pinakasalan nga niya ito.Tumingin siya sa akin. Ako ang umiwas nang tingin dahil ayaw kong makita niya ang emotion sa mukha ko.“I’m feeling guilty cause Fatima was nice to me. But I love you, baby.”Nanayo ang balahibo ko sa boses niya. Nag-angat ako nang tingin muli at tinignan siya sa mga mata niya.“Have you talk to Bil?” umiling ako sa tanong ni Axcl sa akin.I turned off my phone.“I guess like me nagi-guilty ka rin saktan siya,” ang sabi niya.And he’s right. I doubted Bil, yes, but he’s nice to
ANDANIAHindi ako umalis gaya ng sabi niya. Sumunod ako sa kaniya at huli na nang namalayan niya na narito pa ako sa likuran niya nakasunod dahil nakita na rin ako ni Fatima na kakalabas lang ng comfort room.Nakita kong nagulat siya nang makita ako. Halata iyon sa mukha niya."Mag-usap tayo," inunahan ko na siya. Alam ko ring gigil na gigil siya sa akin na para bang gusto na niya akong sabunutan kahit pa nasa public place kami.Pumasok ako sa food court, dito, maraming tao. Kung sakali mang dakmain niya ako, alam niyang malaking kahihiyan ang gagawin niya.Hindi lang ako ang mapapahiya, pati rin siya."Ang kapal naman ng mukha mo at nagpakita ka pa talaga sa akin." Ang sabi niya nang makaupo kami. Iyong tao sa tabi namin ay napalingon sa gawi namin."Fatima, gusto kitang makausap tungkol kay Axcl,""Na ano? Na gusto mo siyang agawin sa akin?"Napapikit ako. "Fatima, hindi ko siya inagaw,""Anong hindi? Ako ang pinakasalan niya kaya akin siya. Dala ko ang apelyido niya."I know Fatima
FATIMA “Stop crying,” ang sabi ni Conti sa gilid ko. “Sana pala talaga pinigilan kita kanina,” dagdag niya. “Can you please shut up Conts?” “And what? Iiyak ka lang diyan? Hayaan kitang pagtitinginan nang maraming tao?” Sinamaan ko siya nang tingin. “If you hate me seeing like this then umalis ka na,” Tinitigan niya mua ako bago siya umalis na naiinis. Isa iyon sa kinaiinisan ko kay Conti, ever since, sobrang insensitive. Ayaw niya akong umiyak, e anong namang gagawin ko kung naiiyak talaga ako? And that Anda, ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon. Hindi ko alam anong nakain niya at may lakas pa siya ng loob na magpakita sa akin. Inis na pumunta ako ng comfort ulit to wash my face and when I’m done, lumabas ako para hanapin si Conti ngunit ang nakita ko ay ang mukha ng lalaking ayaw ko nang makita pa. “What are you doing here?” “Don’t you miss me, Fatima?” Tinalikuran ko siya ngunit hinablot niya ang kamay ko. “Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!” Galit na sabi ko. Nginisihan