ELAINE “Here,” napa-angat ako nang tingin, at napansin ko si Milan na nakatitig nang mariin sa akin. “You keep staring at that toy, you want it?” Nasa arcade kami, nagdi-date dahil ngayon pa siya nagka-oras ulit. Umiling ako. “Naisip ko lang na paniguradong magugustuhan iyan ni Sua oras na nakita niya ang laruang iyan,” nakangiting sabi ko. “You can live as her aunt forever. Why did you let her go?” Nagbaba ako nang tingin. “I told you, pagod na akong alagaan siya. Ang daming nawalang taon sa akin dahil nagpakananay ako sa kaniya. Gusto ko namang mamuhay ng dalaga, na walang inaalala.” “Pero hindi iyan ang nakikita ko sa ‘yo. Nakikita ko ang pagsisisi at kalungkutan sa mga mata mo.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan na huwag maiyak. “Gutom ako, kain tayo.” “I just bought this ice cream,” aniya. “Ayoko nito, ubusin mo nalang,” sabi ko at ibinigay sa kaniya ang ice cream na kakabigay lang niya ngayon lang. Masama ang loob ko dahil pinunto niya ang tunay na narar
ANDANIA “Tita,” napatingin ako kay Lucinne matapos niya akong tawagin. “This flower is for you,” aniya. Napangiti ako at kinuha ang bulaklak na hawak niya. “Wow. Thank you Lucinne for giving me this,” ang sabi ko. Napakamot siya sa ulo niya. “It’s not a problem tita,” aniya. “Where’s your mom?” tanong ko. Nasa kwarto kasi ako dahil kasalukuyan kong tinatapos itong pagko-crochet ko. At tamang tama, I'm out of yarn.“Nasa garden po, kasama niya si Sua at Lucille.” “Oh. Wait, I’ll come with you,” ang sabi ko nang makitang lalabas na sana siya para balikan sina ate Chona. Tumigil si Lucinne at hinintay akong makalapit sa kaniya. “Tita, are you happy that you’re with us?” Lucinne asked kaya napaisip naman ako kung bakit niya natanong sa akin ang bagay na iyon. “Of course, I am.” Ang sabi ko sa kaniya. “Ako rin po tita, I am happy that you’re with us.” Mahina akong natawa sa turan niya at bahagyang ginulo ang buhok ni Lucinne. “Aw. Thank you for accepting us here, Lucinne.” "Yo
FATIMA Nagising ako at nakita si kuya na nakatingin sa akin. Agad akong umisog palapit sa kaniya at niyakap siya. “Kuya,” “Yes princess?” “Si mama?” “She’s sleeping,” sabi ni kuya sa akin. Tumango ako at pumikit ulit. Hindi ko alam ilang araw nang nasa kwarto lang ako at walang ginagawa. “Kuya, si Axcl?” Tumingala ako para tignan ang itsura niya. Naabutan ko siyang nakangiti sa akin. “Malapit na siyang bumalik sayo,” ang sabi niya. Bigla akong nabuhayan. Nanubig ang mata ko at umupo muli sa kama katabi niya. “Hindi ka ba nagbibiro kuya? Babalik na ba si Axcl sa akin?” Tumango siya at pinunasan ang luha sa mga mata ko. “Oo naman. Kung anong gusto ng prisnsesa ko, ibibigay ko sayo lahat.” Natuwa ako at niyakap ko siya.Niyakap ko si kuya ngunit natigilan ako sandali nang maamoy ang pabango ng isang babae. Unang imahe na pumasok sa utak ko ay si Wilyn.Kaya pamilyar sa akin ang amoy dahil ganito ang naamoy ko kay Wilyn no'ng lagi niya akong sinusugod at sisihin sa pagkamatay ni
WILYN "Teka lang, mukhang may tao sa loob ng kwarto ni kuya e." I am certain it’s Fatima’s voice. I tried to shout but I can’t dahil sa nakatabon sa bibig ko. Puro iyak ang ginawa ko. I was just buying a necklace when someone kidnap me. Hinang hina na ako at mahapdi na ang lahat ng sugat ko sa katawan. Sugat na mula sa sigarilyo ni Bil at sa mga latigo niya.Ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang takot buong buhay ko. Hindi ko aakalaing aabot ako sa ganito. Dalawang araw na akong walang kain, puro tubig lang ang binibigay sa akin. Bumukas ang pinto, nakita ko ang tauhan ni Bil. Tulong. Iyon ang gusto kong isigaw na hindi ko magawa. Puro iyak lang ang ginagawa ko, inaasam na sana ay marinig niya ang nasa utak ko. Na sana ay pakawalan na nila ako.Nakita kong may nilabas siya sa bulsa niya at pinahiran ang mga sugat ko mula sa sigarilyo ni Bil. Para itong ointment.Kitang kita ko sa mga mata niya ang awa. Naiiyak ako na makita na naaawa sya sa akin. Pwede niya kaya akong tulungan?
AXCLAfter a week, nakikita kong naghihilom na ang sugat ni Wilyn. But dahil hindi siya nadala agad sa hospital, kitang kita na napuruhan ang buto niya sa paa kaya hirap siyang maglakad ng tuwid."Mommy and Avo are looking for me," sabi niya. Wala si Conti, bumalik to check on Fatima."Let them be. Oras na bumalik ka sa kanila at tumigil sila maghanap, mahahalata ni Bil na buhay ka. Baka mapahamak pa si Conti."Tumahimik siya at tumingin sa labas ng bintana."Gusto ko nalang mamuhay ng tahimik kahit hindi mayaman," aniya."Kung hindi ko nakilala si kamatayan, baka mapagmataas pa rin ako ngayon." Dagdag niya.I'm currently texting Ania, at alam niyang kasama ko si Wilyn. Nagpakita pala si Bil sa kaniya. He's provoking Anda to get out of ate Chona's security kaya nanggigigil akong makaganti sa kaniya."Alana." Napatingin ako kay Wilyn nang may banggitin siyang pangalan."She's Anda's older sister. Unang anak ng mommy niya sa dati nitong boyfriend."Hindi ako sumagot. Alam kong hindi sil
"Mama, what can you say?" Sua showed me a piece of paper kung saan may kinulayan siyang ready-made portrait."Wow, it's nice baby."Binitawan niya ang color pen na hawak niya at malakas na bumuntong hininga. Natatawa akong pinapanood siya. She's been doing that since earlier. "Mama, kailan uuwi si papa?"Sabi ko na nga bang miss na niya ang papa niya. It's been 2 months na nandito kami sa bahay ni ate Chona. Hindi pa rin nawawala ang contact namin ni Axcl, we constantly exchanging messages kaya alam ko anong mga ginagawa niya ngayon.Hindi lang siya umuuwi sa amin dahil may mahalaga pa siyang ginagawa."Papa is kinda busy anak but uuwi rin naman siya sa atin matapos niyang gawin ang work niya," ang sabi ko. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa ginagawa niya.Sua is getting prettier each day. Masasabi kong magkamukha kami, but at some point she thinks maturely. Ibang iba sa akin at kay Axcl no'ng medyo bagets pa kami.Wilyn is missing ayon sa report. Hinahanap siya ni mommy at lol
ANDANIAGabi na at mahimbing ng natutulog si Sua sa tabi ko. Napatingin ako sa necklace na suot niya, iyon ang necklace na bigay ni manang sa akin no’ng nasa bahay pa ako. Pinasuot ko muna kay Sua lalo’t gustong gusto niya dahil pair daw kami.Habang tumatagal na nakatitig ako doon sa kwintas, nag-iiba ang pakiramdam ko. Alam ko kasing may-alala ako sa kwintas na iyon na isa sa nakalimutan ko.Sumasakit pa ang ulo ko kapag pinipilit ko ang sarili ko na makaalala kaya humiga nalang ako sa tai ng anak ko na mahimbing na ang tulog ngayon. Napatitig ako kay Sua at napansin ang balat niya malapit sa panga.May balat pala si Sua doon? Hindi ko napansin. Dinampian ko ng kamay ko ang birthmark ng anak ko at napapikit ako ng biglang may imahe sa utak ko ang biglang pumasok.(A memory flashed into Anda’s mind)“Lolo Amir, faster faster faster!”“Haha. Slow down, Anda, baka madapa ka.”Sumimangot ako. “Lolo, you’re so slow.”“Anda, wait. May sasabihin muna si lolo sa’yo.” Lumapit ako kay lolo na
ELAINENasa-kwarto ako at nanonood ng mga video-tape recording ni Alana na kuha ko noon. I missed her so much. Lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay dahil sa kaniya. Binago niya ang pananaw ko sa buhay. Ang dami niyang nagawa para sa akin.Gusto kong makabawi sa kaniya.I grew up na sakit ng ulo sa magulang ang dala. Black sheep sa pamilya kung baga at lagi pang nasasangkot sa away. Mahilig magcutting classes, literal na basagulera kaya madalas ipatawag si mama noon sa guidance. No’ng college, maibabagsak ako ng prof ko kung hindi dahil kay Alana. She helped me a lot. Ginagawan niya ako ng mga school projects ko para lang hindi ako mazero sa mga performance tasks.She even helped me to study para kahit hindi ako pumasok sa skwelahan ay nakakasagot pa rin ako ng exams. She’s my one and only friend who didn’t criticize me.Tinutulungan niya ako na walang hinihinging kapalit.“Elaine, bakit hindi mo e pursue ang photography or videography?” tinawanan ko pa ang sinabi niya.Hawak ko ang c