Share

Chapter 44.1-Ointment

WILYN

"Teka lang, mukhang may tao sa loob ng kwarto ni kuya e." I am certain it’s Fatima’s voice. I tried to shout but I can’t dahil sa nakatabon sa bibig ko.

Puro iyak ang ginawa ko. I was just buying a necklace when someone kidnap me. Hinang hina na ako at mahapdi na ang lahat ng sugat ko sa katawan. Sugat na mula sa sigarilyo ni Bil at sa mga latigo niya.

Ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang takot buong buhay ko. Hindi ko aakalaing aabot ako sa ganito. Dalawang araw na akong walang kain, puro tubig lang ang binibigay sa akin.

Bumukas ang pinto, nakita ko ang tauhan ni Bil.

Tulong. Iyon ang gusto kong isigaw na hindi ko magawa. Puro iyak lang ang ginagawa ko, inaasam na sana ay marinig niya ang nasa utak ko. Na sana ay pakawalan na nila ako.

Nakita kong may nilabas siya sa bulsa niya at pinahiran ang mga sugat ko mula sa sigarilyo ni Bil. Para itong ointment.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang awa. Naiiyak ako na makita na naaawa sya sa akin. Pwede niya kaya akong tulungan?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status