Share

Chapter 47- Sedate

FATIMA

“What happened to me?” mga bagay na tanong ko sa sarili ko nang makita ko ang mukha ko sa salamin. Ang putla ko na at halos hindi ko na naalagaan ng maayos ang sarili ko. Bigla nalang akong naiyak at napaupo ako sa sahig.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Conti. Nang makita niya ako sa sahig ng kwarto ko na umiiyak, agad niya akong dinaluhan at tinulungan na makatayo.

“Anong nangyari sayo?” tanong niya at umiling ako kasi wala namang umaway sa akin. Pakiramdam ko lang ay gusto kong umiyak kaya umiyak ako.

Niyakap niya ako at hinayaan ko lang siya. Napapagod ako sa mga bagay sa paligid ko lalo’t wala na akong maintindihan.

“Conti, hindi pa ba umuuwi si mama?”

Malungkot na tumingin si Conti sa akin at umiling. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa binalita niya. Gusto ko na kasing makita si mama. Ang tagal ko na siyang hindi nakita. Kapag gumigising ako ay sabi ni kuya may binibili lang pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakauwi.

Gusto ko ring lumabas pero hindi ako pinapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status