Naiyak ako. Actually no'ng unang chapters pa lang, grabe na iyak ko.
SHAWN Hinihingal ako habang nagising mula sa malalim na pagkakatulog. Napatingin ako sa tiyan ko at nakita ang peklat mula bala ng baril sa katawan ko. Napahilamos ako sa mukha ko at umiyak. Umiyak nang umiyak kung kaya lahat ng tao sa bahay ay nagmamadaling pumunta sa kwarto para tignan ako. I remembered everything now. Matapos kong mabaril at madala sa hospital, ang ala-alang iyon ay nagdulot sa akin ng trauma. “Nilooban ang bahay namin. I’m sorry nadamay si Shawn,” mga salitang narinig ko mula sa kampo ni Geneva habang tulala ako at halos hindi makausap. Iyon ang naging palusot nila kung bakit ako may tama ng baril. Lahat ng katulong sa bahay na iyon ay pinatay nila dahil sila ang witness sa nangyari. “Shawn,” tawag ni mommy sa akin. “What happened to you?” tanong niya, nag-aalala. “Ma, I remembered everything. This scar,” itinuro ko ang peklat na natamo ko mula sa pagkakabaril ni tita Geneva. “Natatandaan ko na ang lahat,” sabi ko sa kaniya. Niyakap ako ni mommy habang si
ANDANIA“Axcl, I think mas maganda kung hindi muna ako pupunta doon,” I need to decline dahil kahit pa anong gawin at sabihin niya, asawa pa rin niya si Fatima. Baka mamaya ay sinasabi lang ni Fatima na okay lang siya pero ang totoo ay hindi pa pala siya okay.Nilapit niya ako sa katawan niya. Balot na balot kaming dalawa ng kumot dahil wala kaming suot na kahit na anong saplot.“Okay, baby.. If that’s what you want then I have to respect it.” Sabi niya sa akin at hinaIikan ang noo ko. Gusto niya kasi akong isama kung nasaan sina Wilyn ngayon.Kakauwi lang niya kagabi at mabuti nalang na maayos lang siya. Ayokong mangayayat siya habang magkahiwalay kami.“How was your health? Sumasakit ba ang ulo mo?”Tumango ako. “Madalas ko ng maalala ang mga nakaraan natin dati,” sabi ko sa kaniya. “Kasama na doon iyong batang si Alana. Sa tingin ko, kaya hindi ko siya nabanggit sa’yo ay dahil masiyado pa akong bata no’ng nagkita kami. Hindi ko alam na magkapatid pala talaga kami.”“No wonder,” sa
ANDANIA Kasama ko si Axcl at Sua ngayon. Pumunta kami sa lugar kung nasaan nagtatago sina Fatima. Karga-karga ni Axcl ang anak namin habang binabaybay namin ang daan papunta sa maliit na kubong nakatayo sa gitna ng kagubatan na ito. Nakita kami ni Wilyn. Hindi ko magawang ngumiti sa kaniya kahit na una niya akong nginitian. Paano ako ngingiti sa anak ng pumatay kay ate Alana? Paano ako ngingiti sa kaniya? Pamilya niya ang dahilan kung bakit wala na akong natitirang pamilya ngayon. Muntik pa akong mamatay dahil sa kagagawan nila. Nag-iwas ako nang tingin at binalewala siya para lumapit kay Milan. It's been one month ng maalala ko ang tungkol sa bagay na iyon. It's my first time seeing Milan here. Kaya kami pumunta ni Axcl dito kasama ni Sua ay dahil din sa kaniya at kay Elaine. Nalaman ko rin ang totoong nangyari kay Shawn. Kagaya ko, nagkaroon rin ng trauma si Shawn. Mabuti at pinuntahan niya kami ni Axcl para sabihin ano ang nangyari sa kaniya. Kung bakit wala siyang naa
"I'm happy to meet you, Elaine." Mahinang sabi ko habang nakikipagkamay ako sa matalik na kaibigan ni ate Alana.Alam kong nagkita na kami dati. Pero ngayon ang unang pagkikita namin kung saan ay alam ko na kung sino talaga siya. Imbes na tanggapin niya ang kamay ko, agad niya akong niyakap ay humagolgol ng iyak. Hindi ako agad nakagalaw at nagulat sa biglaang ginawa niya. "Sorry Anda, alam kong hindi ikaw si Alana pero nakikita ko ang ate mo sa'yo. At miss na miss ko na siya ng sobra." Bulong niya sa akin.Dahan-dahang umakyat ang kamay ko para mayakap siya pabalik. Ang init sa pakiramdam na maliban sa akin ay may nagmamahal kay ate.Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng todo."I'm sorry... I'm sorry dahil sa akin napahamak si ate."Nilayo ako ni Elaine sa kaniya at hinawakan niya ang mukha ko. "Why are you saying that?"Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. "Kilala ko ang ate mo. Oras na marinig niya na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa kaniya, malulungkot iyon."Patuloy
ANDANIA Walang emotion habang kaharap ko ngayon si Torya at Geneva. It’s a personal request na ginawa ko kay Shawn at matagumpay niyang nailabas ang dalawang preso sa bilangguan para makausap ko ng sabay. Gusto ko silang makausap ng sabay, buti pinayagan ako. “Anda,” “Huwag mo ‘kong tawagin sa pangalan ko Geneva. Nanggagalaiti ang kamay kong saktan ka.” Natahimik siya at si Torya naman ay masamang nakatingin sa akin. I should have known na ang mga matang iyan na dati ko pang nakikita ay may masama palang intention sa akin. Nagbulag-bulagan ako sa persepsyon na pamilya kami kaya mahal nila ako at dini-disiplina lang kahit wala akong mali na ginagawa. Dapat alam ko noon pa lang na hindi ganiyan ang tingin ng taong totoong nagmamahal sayo. “Nasaan si Wilyn?” tanong nila. Ahh right. Si Wilyn. We let her go, at hindi ko alam saan siya ngayon sumusuot. Delikado pa rin ang buhay niya, hindi nga siya nakulong pero alam niyang oras makita siya ni Bil ay mapapahamak siya. Nakakatuwa na
ANDANIA “Maayos silang nakaalis apo,” saad ni grandpa Bilhem sa akin. Mabuti naman kung ganoon. Mapapanatag na ang kalooban ko na wala na nga si Fatima, ang mama niya at si Conti dito. “Hindi mo ba sila titignan? Mamaya ang alis nila sa barko.” Sabi ni grandpa Bilhem. Umiling ako. Wala na akong plano na tignan o ihatid pa sila. Kung saan man sila makakarating sa buhay na pipiliin nila ngayon ay bahala sila.” Ginawa ko na ang parte ko para matulungan ko sila. “Kung ganoon, sasabihan ko nalang ang tauhan ko na ingatan sila.” “Salamat po grandpa,” tunay na pagpapasalamat ko sa ginawa niya. Niyakap niya ako. “I’m doing my job, Anda. Isa pa, ngayon na maayos na ang lahat at nagawa ko na ang trabaho ko na inatas sa akin ni Amir, pwede na akong mamahinga.” “Hindi magandang joke iyan, grandpa.” Natawa siya. “Hindi ako nagbibiro. Matanda na rin ako at isa pa, matagal ko na ring plinano na ibigay kay Shawn ang trabahong ito.” Tumingala ako sa kaniya. “Pumayag siya?” “Hindi.” Natawa
After 6 years, ANDANIA Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin kay Sua na pinapagalitan ang ate Lucinne niya. Para pa siyang matanda kung kumilos sa kambal. “Sua, stop nagging me. It’s not my fault kung ako ang niligawan ni Sandro.” “Ate, ako ang pini-peste ng girlfriend niya. Account ko ba naman ang gamitin mo para makipagflirt sa jowa niya.” “Sige Sua, pagalitan mo si Lucinne. Ayaw niya makinig sa akin e.” Solsol naman ni Lucille na busy sa kuko niyang nilalagyan niya ng nail polish. “What? You’re leaving me alone, Lucille? E ikaw nagpakilala sa akin kay Sandro.” Napahilot ako sa noo ko habang nakikinig sa mga bata. “Anda, halika. Hayaan mo na ang tatlong iyan.” Sabi ni ate Chona at inakay ako palapit sa kaniya. I’m 4 months old pregnant. Hindi naman ako maselan at nagpapasalamat ako na hindi nga. Kaya ayaw na niya akong makinig dahil nakikita niya yata na naii-stress na ako. “Nagchat ba sayo si Axcl ate?” tanong ko. Umiling siya. Nasaan na kaya
ANDANIA Habang kumakain ako ng salad, lumabas ulit si Axcl na ang bilis nakaligo. Hindi ko alam kung naligo ba siya o binasa lang niya ang buhok niya. “Baby?” hinahanap niya ako agad dahil hindi niya ako makita sa kusina lalo’t natatabunan ako ni kuya Jay na kakarating lang. Si kuya Jay ang asawa ni ate Chona at ama ng kambal.“Kuya? Nakita mo ba ang baby ko?” tanong niya kay kuya. Malakas na natawa si ate Chona na nasa sink at naghuhugas ng pinaglutuan niya. Si kuya Jay naman ay natatawa na rin. Lasing pa kasi at hindi pa rin nawawala ang tama ng alak sa kaniya. “Baby mo? 4 months pa lang na buntis si Anda, Axcl.” Nakita namin na lumabi si Axcl, para bang iiyak. “Kuya Jay, Ania is my baby 1. Si Sua ang baby 2 ko tapos baby 3 namin ang baby sa tummy ni Ania.” Sinasabi niya iyan habang seryosong nagbibilang sa daliri niya. Ako na sumisilip e natatawa na sa pinaggagawa niya. “Big boy, you should drink moderately.” Saad ni ate Chona at nilapitan ang kapatid saka hinawakan ang mag