Share

Chapter 53.1- Finally

"I'm happy to meet you, Elaine." Mahinang sabi ko habang nakikipagkamay ako sa matalik na kaibigan ni ate Alana.

Alam kong nagkita na kami dati. Pero ngayon ang unang pagkikita namin kung saan ay alam ko na kung sino talaga siya.

Imbes na tanggapin niya ang kamay ko, agad niya akong niyakap ay humagolgol ng iyak. Hindi ako agad nakagalaw at nagulat sa biglaang ginawa niya.

"Sorry Anda, alam kong hindi ikaw si Alana pero nakikita ko ang ate mo sa'yo. At miss na miss ko na siya ng sobra." Bulong niya sa akin.

Dahan-dahang umakyat ang kamay ko para mayakap siya pabalik. Ang init sa pakiramdam na maliban sa akin ay may nagmamahal kay ate.

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng todo.

"I'm sorry... I'm sorry dahil sa akin napahamak si ate."

Nilayo ako ni Elaine sa kaniya at hinawakan niya ang mukha ko. "Why are you saying that?"

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. "Kilala ko ang ate mo. Oras na marinig niya na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa kaniya, malulungkot iyon."

Patuloy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status