Share

SUA 12

"Siya na naman," bulong ni Sandro sa tabi ko. Halos hindi na nga siya makangiti.

"Dito ka pala nakatira, Sua." Saad ni Charles.

Ngumiti lang ako at bahagyang tumango.

Tumingin siya kay Sandro at sa kamay nitong nasa bewang ko. I gulp nang makita kung paano siya tignan ni Sandro ng masama.

"Ano, napadaan lang ako. Sige." Sabi ni Charles at nilagpasan kami. Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi na nagsalita pa.

"Tara na," bulong ko kay Sandro at pumasok ng kami ng condo.

Agad ko siyang pinagtimpla ng kape pero pansin ko na ang pananahimik niya.

Iniisip ko kung tungkol ba ito sa nangyari kanina. Hindi ko rin kasi alam na dito si Charles nakatira.

"How is it?" tanong ko para kunin ang attention niya.

"Masarap," aniya. Ngumiti ako at uminon rin ng caramel coffee na ginawa ko.

Ano kayang mangyayari sa amin sa pasukan?

Biglang tumunog ang phone ko at nakita si Blue na tumatawag. Napatingin si Sandro sa akin.

Ngumiti ako bago sagutin ang kapatid ko.

"Ate, what are you doing?"

"Nagkakape,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status