“Magkano ba budget mo?” tanong k okay Sandro habang tumitingin sa phone na nakadisplay.“Baby, you don’t need to think about the money. May pera naman ako ah. Mukha ba akong walang pera?” nakangusong sabi niya.Natawa ang mga nakarinig sa sinabi niya habang ako naman ay nanlalaki ang mata.“Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Ano ka ba!”Natawa siya sa sinabi ko.“Just pick the one you like without minding the price. I can afford.” Sabi pa niya. Ngumuso ako at tumango sa sinabi niya. Tumingin ako sa nag-aassist sa amin.“Please give him the latest one you have here,”Tumango yung babae at tumango. Tumingin ako kay Sandro at nakita ko siyang tinaasan ako ng kilay.I know how costly that Iphone is. It’s the latest one, pero may pera naman akong dala dito. If he can’t afford, ako nalang ang bibili para sa kaniya.Matapos ma-check at pasado sa kaniya, agad niyang nilabas ang wallet niya at kumuha ng card. Oh, may pera nga siya.I wonder bakit may pera siya. May trabaho na ba siya?“Why ar
Naging maayos ang relationship namin ni Sandro. Hindi pa kami but we are constantly keeping each other’s company extra special.Lagi kaming sabay umuuwi kung pareho kami ng dismissal. Sabay ring papasok kung convenient ang availability. Though may times na hindi kami nagkakasabay pero that’s okay, basta kapwa kami may tiwala sa isa’t-isa.Umuwi na rin ang kambal and they promised me na hindi nila sasabihin kay papa ang nakita nila dito. I thanked them for that. Ayokong naglilihim pero alam ko na anong reaction ni papa oras malaman niya.I need to buy time. I need to secure him na hindi naman masamang tao si Sandro. And for me to do that, dapat may mapatunayan muna kaming dalawa.“Sua!” Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Mica. Lagi kaming nagkikita pero hindi kami nagkakasama but at least, kinakausap niya ako na hindi pina-plastik.“Ang aga mo,” aniya. 5 pa lang ng umaga kaya siguro nalito siya na makita niya ako dito.“Gusto ko lang ng mas maaga,” sabi ko sa kaniya.Lum
Nasa isang karenderya kami. Ako na namili ng kakainin naming dalawa at hinayaan ko na muna siya na umupo doon.Matapos kong makapili, bumalik na ako sa table namin at tinignan si Sandro.Kinuha ko ang panyo ko at ako ang nagpunas ng pawis niya.“Bakit humantong sa ganoon ang dalawa?” tanong ko sa kaniya.“Reina confessed,” aniya. Iyon pa lang, natigilan na ako. Alam sa school na boyfriend ko si Sandro nag-confess pa rin siya?Wow. May babae pa lang ganoon. Naiinis ako.“But I told her about you. Na mas mabuti pang ibaling niya sa iba ang nararamdaman niya.”As if she’ll do that.“Nalaman ni Mylene kaya nag-away sila.”Hindi ako nagkomento, nagpatuloy lang ako sa pagpunas ng pawis sa mukha niya. But I know by now na alam niyang hindi ko gusto ang nangyari.Sandro can read me now like an open book. But that's okay. I want him to know me better kahit wala akong sasabihin."I'm sorry," mahinang sabi niya."I'm not mad at you.""I know but still sorry," tumingin ako sa mga mata niya. He l
"What happened?" kunot noong tanong ni Sandro nang makita niya ako. Umiling ako at sinabing hintayin niya nalang ako dahil papasok ako ng faculty.Agad ko lang kinausap ang prof ko na nagbigay ng pointers para sa amin. I-send ko nalang sa gc pag uwi para makita ng classmates ko. Hindi na ako nagtagal pa kaya lumabas na ako para balikan si Sandro.Naikrus ko ang kamay ko sa dibdib dahil sinundan pala ako ni Mylene at ngayon ay pinipilit niya si Sandro na kausapin siya."Mylene, ano ba!" umiiwas si Sandro, umiiyak naman si Mylene. Naiinis ako na pinipilit niya si Sandro na kausapin siya kahit ayaw na ni Sandro sa kaniya. Naiinis ako sa ugali niya."Sandro, please... Pansinin mo na ako," pakiusap niya.Nanginginig na ang kamay ko sa galit. Hindi ako kailanman nakikipag away. Noon pa man, hindi ako mahilig ilagay ang sarili ko sa kahihiyan pero nanginginig talaga ang kamay ko na idapo ito sa pisngi ni Mylene."Mylene, tama na.." Sabi ng mga kaibigan niya na pinipilit siyang hilahin palay
The guilt is killing me. Parang gusto ko nalang bawiin kay papa ang lahat ng sinabi ko. Gusto ko nalang sabihin na ang kasama ko ngayon ay si Sandro. Ang pinakamatalinong tao na nakilala ko maliban kay papa. Ayoko siyang nakikita na malungkot. Alam kong napag usapan na namin ito but what would it feels like kung ako ang nasa position niya? I'm sure masasaktan rin ako."Ganoon ba, anak? Where is she? I wanna see her." Ang sabi ni papa."Umalis po saglit pa. Ako lang po mag-isa sa cottage."Tumango siya. Kinausap nalang niya ako tungkol sa acads. Matapos naming mag-usap ni papa, tumingin ako kay Sandro."Kunin ko lang lang yung pagkaing pinaluto natin. Baka luto na." Saad niya.Akma siyang aalis ng hawakan ko ang kamay niya. "Sasama ako," mahinang sabi ko. Ipinagsiklop ko ang daliri namin. I want him to feel that I'm really sorry. But I can't say sorry dahil alam kong itatanggi ko siya kina papa ng paulit-ulit hanggang sa maging okay na ang lahat.I just wish, hindi pa rin siya titigil
“T-Tita,” tawag ni Mylene kay Fatima na ngayon ay gulat na gulat nang makitang yakap yakap ko si ma’am Flor.“Mylene,” tawag niya kay Mylene.Kita sa mukha niya ang pangamba at takot. “Tita, magpapaliwanag po ako.” Kabadong aniya.“No need Mylene, nakita ko lahat kanina. Mabuti pa umuwi ka na rin dahil gabi na.”Para siyang napahiya sa sinabi ni ma’am Flor. Agad siyang nagbaba ng tingin kasabay ng pagtulo ng luha niya.“Tara na Sua,” sabi ni teacher Flor sa akin at agad akong dinala pasunod kina Sandro at tito Conti. Tumingin ako kay Mica at nakita ko siyang ngumiti at tumango.I thanked her na sinamahan niya ako dito.“May bahay kami dito pero medyo kalayuan sa Gaiman. Ayos lang ba sayo na doon tayo pupunta?”Tumango ako. Sumakay na kami ng sasakyan. Katabi ko si Sandro at agad kong pinupunasan ang pawis niya sa noo. Nakasakay kami sa taxi at si tito Conti ang nagmamaneho.Alam kong pinagmamasdan kami ni teacher Flor pero hindi ko kayang baliwalain si Sandro. Nakita kong binuksan ni
"Sua, magtapat ka nga sa'kin, no'ng pinuntahan ka ni Sandro noon 6 years ago, nag-usap ba kayo na sa Gaiman kayo mag ko-kolehiyo?" Seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin si teacher Flor sa tanong niya. Pero sa itsura niya, parang alam na niya ang sagot, at gusto lang niya marinig mismo sa bibig ko ang katotohanan.Kaya wala ng saysay para para magsinungaling. Tumango ako at sinabing, "opo."Nakita ko siyang napabuntong hininga at napahigop sa kape niya.Hindi ko siya mabasa. Alam kong hindi siya galit, pero alam ko ring hindi siya natutuwa. "Sua," tawag niya sa akin. "Alam kong mabait kang bata." Aniya.Hindi ko alam bakit kabado ako. Dahil pakiramdam ko ay hahantong kami sa isang usapan na ayokong puntahan."Pero hindi mo naman nakakalimutan hindi ba kung anong nangyari sa'yo noon?" nagbaba ako ng tingin.Ang tinutukoy ba niya ay ang pag kidnap sa akin ni Bil noong bata ako? "Opo," mahinang sagot ko."Kung ganoon, hindi ko maintindihan." AniyaNapatin
SANDRO“Anong sinabi mo sa kaniya, tita?” tanong ko nang makauwi si Sua. Hinatid siya ni tito Conti.“Anong sinabi niya sayo?”“Wala siyang sinabi kagabi. Tumabi lang siya sa akin at umiyak. Tinakot mo ba siya?”I won’t forgive anyone kung pipilitin nila kami ni Sua na maghiwalay. I would rather let myself to fall in abyss than let go of her.“I just told her the truth. That her parents will despise you, na pipilitin nilang maghiwalay kayo.”“TITA!” Hindi ko napigilan na magtaas ng boses.“SANDRO! ALAM MO KUNG BAKIT KO ITO GINAGAWA!”“Do you think I give a damn, tita? Wala akong pakialam kung ayaw sa akin ng magulang niya. Hindi ako natatakot as long as Sua will hold onto me.”Nanlaki ang mata niya. Nabigla sa sinabi ko.“Naririnig mo ba ang sarili mo Sandro? Wala kang pakialam? Siguro ikaw, oo. Pero Sua, naisip mo ba siya?”Doon ako natigilan sa sinabi ni tita. Gusto kong magmura.“Do you think hindi siya mahihirapan? Do you think madali sa kaniya ito? Do you think kaya niyang talikur