Share

CHAPTER 21

CHAPTER 21

Sa Campus ay nagpatuloy ang tagisan namin sa talino. Ang pagkakaiba lang ngayon ay hindi ko na siya nilalapitan o kaya ay kinakausap. Kung dati ako ang laging nakatingin sa kaniya, ngayon siya ang nahuhuli kong nakatitig sa akin. Madalas akong puntahan ni Bea para sabay kaming magmiryenda tuwing recess kasama ng iba ko pang mga kaibigan. Madalas din kaming nagkakantahan at ako ang laging naggigitara. Nasip ko, puwede din palang maging masaya kahit tuluyan na akong umiwas kay Dindo. Puwede pa rin akong magkaroon ng ibang mga kaibigan at hindi ko kailangang ipilit ang sarili ko sa ayaw naman sa akin. Hindi ko siya kawalan. Dahil sa madalas na bonding naming nina Bea, nagkaroon tuloy kami ng grupo. Si Bea at isa niyang babaeng pinsan ang 4th year lang sa grupo namin.

February. Kailangan kong magbigay ng pera kay Sir Marlo para sa contribution ni Dindo sa parating naming JS Prom at pati na rin ang allowance niya hanggang March. Naisip kong, ako na ang bahala sa isusuot ni Dindo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status