CHAPTER 27"I love you po.""I love you more." Sagot ko. Nakangiti na. Nawala na ang aking pagtatampo."Mamimiss kita" yayakapin niya sana ako pero may padaan na nakasakay sa kalabaw kaya natigilan siya. Napangiti ako sa nakita kong panlalaki ng mga mata niya nang makitang may dumadaan. Nang makalagpas ay mabilis niya akong niyakap at mabilisang halik sa labi.Pagkatapos no'n ay naglakad na siya palayo. Pero alam kong muli iyon lilingon at kakaway kaya hindi muna ako umalis. Ngunit ang inaasahan kong lingon at kaway ay naging mabilis na lakad pabalik sa akin saka ang isang mabilis na yakap na naman at halik."Namimiss na agad kita.""Ako din sobrang mamimiss kita." Sagot ko. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Kung tutuusin dalawang buwan lang naman kaming magkakalayo.Hanggang sa minabuti niyang umalis at hindi na muli pang lumingon dahil alam naming mas mabigat ang aming pagkakahiwalay kung lilingon pa siyang muli. Baka hindi ko na siya papayagan pang umalis.Kinabukasan ay wala ak
CHAPTER 28 Sinadya kong maaga siyang ihatid sa bus station sa Cubao pauwing Vizcaya para may oras pa kaming gumala. Dahil sa sobrang traffic ay nag MRT na lang kami. Nakapadaming pasahero. Nang sumakay kami sa Magallanes Station ay naka-akbay pa siya sa akin habang nakatayo na kami dahil punuan na. Yakap niya ako. nasa likod ko siya at ramdam ko ang kanyang katawan na nakalapat sa aking katawan. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking leeg na nagbibigay ng kakaibang sensasyon. Gusto ko yung pagagakayakap niya sa akin ng mahigpit.Pagdating naming sa Shaw Boulevard Station ay may babaeng dumaan.“Pwede, maghiwalay na muna? Lalabas ako e!” maldita niyang sinabi sa amin.Wala kaming nagawa kundi ang maghiwalay kaya lang biglang nagdagsaan ang mga tao. Tuluyan na siyang napalayo sa akin. Naitulak siya ng naitulak ng mga pasahero hanggang halos hindi ko na siya makita kung saan. Dahil siguro nahihiya siyang makipagsiksikan o ibunggo ang sarili para hindi siya maitulak sa gitna ay tuluya
CHAPTER 29Mahalaga si Daddy sa buhay namin. Mahal na mahal ko siya dahil mula paslit ako ay pinaramdam niya sa akin kung paano magmahal ang isang tunay na dakilang ama. Tumunog ang cellphone ni Mommy. Mabilis niyang sinagot."Dad! Oh my God! Napanood ko kasi ang balita. Salamat sa Diyos ligtas ka. Alam mo naman na sa tuwing may operation kayong ganito e kinakabahan ako.""Mommy pakausap nga din ho ako kay Daddy." Lumapit ako sa kaniya."O, heto si ate kakausapin ka daw."Kinuha ko kay Mommy ang cellphone. Namimiss ko na si Daddy kaya naman bakas sa mukha ko ang pagkasabik na marinig ang kanyang boses."Kailan ka uuwi Dad?" tanong ko agad nang hawak ko na ang cellphone."Bukas anak.”“Talaga ho? Sige hihintayin ka namin dito bukas.”“Pasensiya na anak ha? Hindi na kita nasabitan ng medalya.”“Ayos lang ‘yon Dad, naiintindihan ko po. Nandito naman si Mommy e.”“Ang galing talaga ng ate ko ah. Mana lang sa Daddy!""Oo naman, pero Dad, dapat sa graduation ko, andun ka ha.""Oo naman. Pan
CHAPTER 29“I’m sorry. Kailangan na talaga nating palayain ang isa’t isa.”Nasaktan ako sa kanyang pakiusap. Palayain? Hindi ako makapagsalita na para bang nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang mga naririnig kong sinasabi niya ngayon sa akin. Nauna pa nga akong naluha kaysa sa makapagsabi ng kahit na anong kataga. Naramdaman ko ang nanginginig niyang kamay na humawak sa aking mga kamay. Tinignan ko siya. Katulad ko, lumuluha din siya."Bakit? May kasalanan ba akong nagawa sa'yo?" garalgal kong tanong."Wala kang kasalanan, Aya.”“Pero bakit? Akala ko okey natayo. Bakit bumaik na naman tayo dati? Bakit ba lagi mo akong sinasaktan ng ganito. Kung may kasalanan ako, sabihin mo, nang maayos ko.”“Tulad ng sinabi ko, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang kasalanan nila ngunit dito lang din mauuwi ang binubuo nating ugnayan. Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging tama para sa akin ang gagawin kong ito ngunit sa ngayon, ito ang binubulong ng
CHAPTER 30Dahil doon, nagsimula muli ang matinding tunggalian sa pagitan namin. Naboto ako na President sa classroom namin at siya ang President sa buong Campus. Ako ang Editor in Chief ng aming school paper. Siya ang team captain ng basketball team ngunit sa akin ang volleyball team. Ako ang Corpse Commander ng CAT, adjutant lang siya. Kalalaki niyang tao, tinalo ng babae sa posisyong dapat lalaki ang naghahari. Sa klase, tagisan pa rin kami ng talino. Lumalim ng lumalim ang kompetensiya sa pagitan namin. Ngunit madalas nakikita ko siyang nakatitig sa akin. Inaamin ko, mahal ko pa rin siya kahit sabihing nangingibabaw na ang sakit ng loob ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ang panakaw niyang mga titig sa akin ay may ibig sabihin ngunit iniwasan kong umasa. Naniniwala akong hindi ka masasaktan kung hindi ka nag-eexpect.May mga gabing iniiyakan ko pa rin siya lalo na sa tuwing nakikita ko si Teddy Dindo ngunit nakapangako ako kay Daddy. Kailangan kong maging matapang at malakas. Kailan
CHAPTER 31Intrams. Kinausap ako ng coach namin."Puwede bang sa team ka muna namin mamaya sa basketball? Wala na kasi si Dindi. Ikaw lang ang puwede kong mahila pamalit sa kaniya."Isang Linggo na ngang hindi pumasok si Dindi. Alam kong naging sakitin siya nitong mga nakaraang araw. Ngunit hindi iyon ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Alam ng lahat babae ako. Paanong naging parang okey na lang sa lahat na maglaro ako kasama ang mga lalaki. Gusto kong humindi pero alam kong kung pumayag ang lahat noong third year ako, anong pinagkaiba ngayong fourth year na ako? Isa pa, paano kami maglalaro bilang iisang team ng taong iniiwasan ko at patuloy kong kakompetensiya sa kahit anong larangan sa aming school? Ngunit dahil sa pakiusap ng coach naming fourth year ay napapayag niya din ako.Habang naglalaro kami sa first half ay napansin kong hindi niya sa akin ibinibigay ang bola kahit pa open ako. Samantalang kung ako ang may hawak at open siya ay ipinapasa ko naman sa kaniya ngunit ipinapasa
CHAPTER 32."Kung anuman ang pinagdadaanan mo, lagi mong tandaan na bahagi ng buhay kabataan ang masaktan ngunit simula lang 'yan ng buhay adult. Mas marami pang masasakit na pagsubok na darating sa buhay mo. Nagsisimula ka palang na tuklasin ang totoong buhay. Hindi ka na katulad nang bata ka pa lamang na walang gaanong bumabagabag sa'yo. Tibayan mong loob mo. Kaya mo 'yan okey?” hinaplos ni Sir Nestor ang likod ko. Alam kong alam niya na tungkol kay Dindo ang iniiyak ko. Kalat kaya sa school na mag-ex kami.Sinuklian ko siya ng mapait na ngiti. Inilabas ko ang sarili kong panyo.First place ako sa National sa Editorial Writing category. Masayang-masaya si Sir Nestor sa tagumpay ko lalo pa’t ngayon lang nagkaroon ng National qualifier ang school namin at champion pa. Bakit ganu'n? Hindi ko magawang maging masaya sa achievement kong iyon. Parang may kulang. Parang nanatili ang sakit na ginawa ni Dindo sa isip at puso ko.Umaga ng Lunes, pagkatapos ng flag ceremony ay pinalapit kami ng
CHAPTER 33"Sandali nga! Sino ba sa atin ang nang-iwan? Sino ang nakipaghiwalay. Sino ang may nabuntis? Kung makapagsalita ka parang ako ang nagsimula ne'to ah." Hinarap ko siya."Oo, inaamin ko naman na ako ang unang sumuko ngunit hindi ko alam na ganito pala kasakit kapag nakikita kong unti-unti kang kinukuha sa akin ng iba." Tinaas niya ang laylayan ng kaniyang damit. Pinunasan niya ang kaniyang luha."Alam mo rin pala ang pakiramdam kung gaano kasakit ang nakikita mong kinukuha na sa'yo ang dati'y pag-aari mo pero bakit mo ako ipinagpalit kay Steph?""Kay Steph? Anong kay Steph? Yung nakita mong nakayakap ako sa kaniya, Wala lang ‘yon?’‘Wala lang ‘yon? Ako pa talaga ang niloko mo!”“SHeine ano k aba? Ipinagtapat lang noon ni Steph sa akin na baka buntis siya at natatakot siyang mag-isang harapin iyon dahil tinakasan na siya ni Rod. Napayakap siya sa akin dahil pakiramdam niya nag-iisa na lang siya. Wala siyang mailabasan ng kaniyang dinadalang problema. Gusto kong magpaliwanag sa