CHAPTER 33"Sandali nga! Sino ba sa atin ang nang-iwan? Sino ang nakipaghiwalay. Sino ang may nabuntis? Kung makapagsalita ka parang ako ang nagsimula ne'to ah." Hinarap ko siya."Oo, inaamin ko naman na ako ang unang sumuko ngunit hindi ko alam na ganito pala kasakit kapag nakikita kong unti-unti kang kinukuha sa akin ng iba." Tinaas niya ang laylayan ng kaniyang damit. Pinunasan niya ang kaniyang luha."Alam mo rin pala ang pakiramdam kung gaano kasakit ang nakikita mong kinukuha na sa'yo ang dati'y pag-aari mo pero bakit mo ako ipinagpalit kay Steph?""Kay Steph? Anong kay Steph? Yung nakita mong nakayakap ako sa kaniya, Wala lang ‘yon?’‘Wala lang ‘yon? Ako pa talaga ang niloko mo!”“SHeine ano k aba? Ipinagtapat lang noon ni Steph sa akin na baka buntis siya at natatakot siyang mag-isang harapin iyon dahil tinakasan na siya ni Rod. Napayakap siya sa akin dahil pakiramdam niya nag-iisa na lang siya. Wala siyang mailabasan ng kaniyang dinadalang problema. Gusto kong magpaliwanag sa
Chapter 34Nanlamig ang buo kong katawan. Para akong unti-unting nalulubog sa buhanginan. Nakaramdam ako ng hirap sa paghinga. Wala akong maapuhap na isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol si Daddy."Aya, anak ako ng rebeldeng kalaban ng Daddy mo. Ibig sabihin nu'n, rebelde din ako. Pinatay ng Daddy mo ang tatay ko sa mismong harap naming magkakaSheineid. Memoryadong-memoryado ko ang mukha ng Daddy mo kahit pitong taong gulang lang ako noon. Akala ko kaya kong tanggapin iyon dahil nga sobrang mahal kita. Pinilit kong kinalimutan ang galit ko sa Daddy mo dahil sa pagmamahal ko sa'yo ngunit nitong bakasyon lang, pagkagaling ko sa inyo, kaSheineid kong babae ang binawian ng buhay. Mga tauhan ng Daddy mo ang pumatay sa kanila. Ngayon Aya, sabihin mo sa akin kung ano ang mararamdaman mo kung sana ikaw ang nasa katayuan ko. Sabihin mo sa akin kung gaano ko haharapin ang lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon ng hindi ka maapektuhan?""Pinatay ng Daddy ko ang tatay mo?" h
CHAPTER 35Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lalo pa't nakikita ko siyang humahagulgol. Alam ko yung sakit na pinagdadaanan niya kahit sabihing hindi ko pa napagdadaanan ang lahat ng iyon. Nagiging malinaw sa akin ang lahat kung bakit gusto niyang layuan ako kahit pa hindi naman iyon talaga ang tinitibok ng kaniyang puso."Shhhhh! Tama na. Tama na..." napapaluha ako. Nadadala ako sa kaniyang emosyon."Bakit sa inyo, ang daling mabuhay? Bakit ako sa murang edad, andami ko nang kailangang ipaglaban. Ang prinsipyo ng hukbong tumutulong sa akin at naniniwala silang lahat na ako ang magpapalakas muli sa aming ipinaglalaban, ang maningil at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay, ang aking kalayaan, ang pagmamahal ko sa'yo? Ngunit bakit sa lahat ng ipinaglalaban ko ay yung pagmamahal ko sa'yo ang napakahirap kong pagtagumpayan? Bakit napakahirap kitang kalimutan? Ngayon Aya, sabihin mo sa akin ngayon kung paano tayo pagkatapos nating grumaduate ng high school? Paano natin
CHAPTER 36Maaga kaming ginising ng coach namin kinabukasan, may nagluluto ng agahan, may nag-aayos sa aming hinigaan at naglilinis sa paligid ang aming tent. Nakita ko siya agad dahil sa magkatapat lang naman ang aming mga tent. Nilapitan ko siyang abalang nagpapaapoy para sa sinaing.“Psst!”Nilingon niya ako at tinignan niya ako ng masakit."Sorry na kagabi uy!" bulong ko."Hindi talaga tayo magkasundo. Alam kong ipaglalaban mo ang paniniwala mo pero may sarili akong paniniwalang kailangan ipaglaban.!"Iyon lang at muli ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.“Hindi ba may ginagawa rin kayong mga girl scount kapag ganitong umaga? Anong ginagawa mo rito sa amin? Doon ka na lang sa loob ng tent ninyo, mag-ayos sa hinigaan ninyo.""Okey." Sagot ko.Nagsisisi tuloy ako sa mga nasabi ko kagabi. Tuloy, parang ayaw na muna niya akong kausapin. Okey na sana kami eh. Me and my big mouth kasi!Pagkatapos ng parade at registration ay kinausap kami ng aminng mga coach. Dahil iisang school lang na
CHAPTER 37Oh, why you look so sad?Tears are in your eyesCome on and come to me nowDon't be ashamed to cryLet me see you through'cause I've seen the dark side tooI’ll stand by you na version ng Glee ang aking kinanta. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Hinalikan niya ang labi ko."Sandali ah! Di pa ako tapos e. Atat ka naman e. Ngayon lang kita kinantahan di mo pa maibigay ang buong moment sa akin.""Ehhh! Naiiyak ako sa kanta mo. Alam ko 'yan e." nakita ko nga ang pamamasa ng mga mata niya."Ituloy ko muna dude, puwede?" seryoso akong tumingin sa kaniya.Hinalikan niya ako sa labi. "Sige, tuloy mo.When the night falls on youYou don't know what to doNothing you confessCould make me love you lessHinawakan niya ang kamay kong naggigitara. Ibig sabihin pinapatigil niya akong kumanta."Alam ko 'yun kaya nga kagabi akala ko magbabago ang tingin mo sa akin nang nalaman mong rebelde ako. Ngunit imbes na layuan mo ako. Heto ka ngayon. Mas pinaparamdam mo kung gaano mo ako kam
Chapter 38Pagkatapos naming kinanta iyon ay tumitig siya sa akin. Tumingin sa paligid. Saka siya kumindat sa akin at ngumiti."Walang tao.""Alam kong iniisip mo." Sinabayan ko iyon ng pilyang ngiti. Nagsimulang lumakbay ang kamay ko doon sa kanina pa galit niyang pagkalalaki."Mas nauna kang nakaisip sa iniisip ko ano? Kababae mong tao pero anlibog mo ha!""I love you." Nakapikit na ako. Nakahanda sa kanyang matatamit at maiinit na halik."I love you more" sagot niya.Dahil pa pagkasabik namin sa isa't isa ay hindi ko mapigilan ang manginig habang tinatanggal ko ang belt ng kaniyang short. Ramdam ko ang kagustuhan niyang mahubaran ako ng mabilisan dahil sa bilis ng kaniyang mga kamay. Halos hindi ako makahinga sa alab ng kaniyang halik. Kapwa kaming sabik na pagsaluhan ang halik na iyon. Ang lamig ng hangin ay tuluyang ginapi ng init ng kaniyang katawan. Ang kaniyang labi sa aking labi ay bumaba hanggang sa aking dibdib. Tinititigan niya ako na parang bang sinusukat niya sa aking re
CHAPTER 39 HInawakan niya ang kamay ko. Hindi ko ipinagkait. Ako nga noon sa Cubao, marami ding nakakakita nang hawakan ko siya sa kamay e, hindi naman siya tumanggi, ngayon pa kayang napaka romantic ang dagat ay aartehan ko siya. Isa pa, nakuha na niya ako. Magkawahak-kamay kaming naglalakad sa dalampasigan.Nang makarating kami sa may malaking bato ay naghubad siya. Wala siyang itinira."Kailangan naked?" tanong ko."Minsan lang 'to. Saka nakita mo na nga lahat ito noon. Sige na, maghubad ka na din at doon tayo sa likod ng batong iyon sa gitna. Siguro naman walang susunod sa atin doon. Marunong ka naman nang lumangoy hindi ba?""Parang nabitin ka kagabi ha?" pilyo kong ngiti."Sige na! Dami pang satsat ng dude ko e!"Nagtanggal lang ako ng jogging pants at hoody ko. nakashort at t-shirt akong lumusong sa tubig.Nang marating namin ang batong iyon ay nagulat kami dahil mababaw lang din pala. Umupo siya sa buhangin at sumandig sa may bato. Sumunod ako sa kaniya. Pumuwesto ako sa gitn
Chapter 40Pagkatapos ng aming Christmas Party at bakasyon na naman ay naisipan naming magpalipas ng gabi doon sa gubat malapit sa bahay nina lola. Hindi ko sinabi kina lola na mag-overnight ako sa gubat. Ang alam nila ay sa bahay ng kamag-aral ako magpapalipas ng gabi para sa Christmas Party namin. Sadyang inabuso ko na ang pagtitiwala nila sa akin.Nagtayo na naman kami ng tent ni Dindo. Doon na kami nag-lechon ng manok para may ginagawa kami lalo pa't mahusay naman siyang magluto. Sagana kami sa pagkain at tanging gitara, chessboard at de-bateryang radyo lang ang libangan namin. Ngunit masaya kami. Madalas kaming magkayakap. Laging magkahinang ang mga labi. Pakiramdam ko naa-adik na kami sa isa't isa. Pagkatapos naming kumain ay inilabas ko ang christmas gift ko sa kaniya."Wow! Sapatos. Mukhang mahahalin ito dude." Niyakap niya ako. "Salamat ha. Pangalawang bagong sapatos ko palang ito bukod don sa una na binili mo noon sa akin sa Manila. Kasi naman kung hindi nalumaan ang binibi