CHAPTER 79Nang umalis ang bata ay hinawakan niya ang palad ko. Tumingin ako sa kaniya. Hinalikan niya ang mga iyon. Muli siyang humagulgol. Ibinubuhos niya lahat ang kaniyang sama ng loob."Kasalanan ko ang lahat e, kaya nangyayari ito sa'yo ngayon. Hindi ko alam kung paano ko patatawarin ang aking sarili kung may hindi magandang mangyari sa’yo. Sa tuwing paghampas at pagsuntok sa'yo ni Uncle kanina ay parang dobleng sakit ang nararamdaman ko. Hirap na hirap akong makita kang ganyan, dude. Sana ako na lang. Sana sumama na agad ako sa'yo kanina at ako na lang ang pinahirapan ninyo ng ganito at hindi ikaw."Hinila ko ang kamay kong hawak niya. Tanda ng galit. Hindi rin ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Tigib ng luha ang mga mata kong nakatitig sa kanya.“Naiipit na ako ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung makikinig ba ako sa isinisigaw ng aking puso o sa palahaw ng aking utak. Katulad mo, hirap na hirap na rin ako.”"Hindi na maibabalik ang b
CHAPTER 80Tumulo muli ang aking luha. Doon na nagsimula ang tunay naming pakikibaka ngunit hindi pala ganoon kadali iyon."Sigurado ka na ba sa sinasabi mo ngayon?" tanong ko sa kaniya. “Hindi ko pa rin siya kayang pagkatiwalaan ng buo.Ayaw kong nagdedesisyon siya dahil lang sa awang nararamdaman niya ngayong nakikita niyang pinahihirapan ako ng kanyang mga kasamahan. Gusto kong magdesisyon siya naaayon sa kaniyang kagustuhan. Yung desisyon na hindi dala ng matinding emosyon."Sigurado na ako. Wala nang atrasan pa talaga ito.”Bumunot ako ng malalim na hininga. Pilit kong inaninag ang kanyang mukha sa tuwing malakas ang kidlat. Sinusuri ko ang totoong nilalaman ng kanyang isip at puso. Mukhang desidido na nga talaga siya.“Sana noon pa ako nakinig sa'yo dude. Sana hindi na dumating pa sa puntong nawala si Rave at nasaktan ka ng ganiyan. Sana ako na lang. Hindi kasi ganoon kadaling tumiwalag sa aming grupo. Maaring kapalit nito ay ang buhay namin o ang buhay ng mga taong gustong tumu
"Tang-ina mong mayabang ka! Balak mo pa akong unahan! Papatyin kita tang-ina mo!" nanginginig sa galit nasigaw niya. Nanlilisik ang kaniyang mga mata.Napapikit ako. Isinuko ko na ang buhay ko. Katapusan ko na!Bago niya iyon napaputok ay nakita kong nagmamadali si Dindo na inagaw ang baril sa kamay ng kuya niya."Anong ginagawa ninyo! Kuya! Uncle, ano ‘to? Napag-usapan natin ito, hindi ba? Bakit may ganito ha?" singhal niya sa dalawang demonyo."Gago! Tang-ina mo! Kung hindi nating unahang patayin yang babaeng sundalo na ‘yan. Tayo ang papatayin niyan. Uunahan tayo niyan at tayo ang magiging kawawa tanga!" Singhal ni Brenan. Nakipag agawan si Dindo sa baril.Nagpambuno sila. Hanggang sa nangibabaw ang lakas ni Dindo. Naagaw niya ang baril."Bakit ba lagi mong inililigtas ang buhay ng babaeng iyan?" singhal ni Brenan."Napag-usapan natin ito kuya! May plano na tayo ah. Kaya nga ako bumaba e."Tumingin siya sa uncle niya. Humihingi ng suporta sa pagpapaliwanag."Uncle, di ba malinaw na
CHAPTER 82Tama ang direksiyong tinatakbuhan ko. Ito ang sinabi sa akin ni Cedrick dahil malapit daw ito sa main road. Makakahingi ako ng tulong sa mga dadaan na sasakyan ngunit malabo pa iyon dahil batid kong marami silang humahabol sa akin. Kabisado nila ang gubat. Tanging ang liwanag ng buwan ang tanging dinedependahan ko para makita ang tinatalunton ko. Ngunit dahil sa yabong ng mga dahon sa mga sanga ay hindi kaya ng liwanag ng buwan na ilawan ang tinatakbuhan ko. Maaring ang iba ay umikot na para salubungin ako. Ngunit kailangan kong sundin ang direksiyong ibinigay sa akin. Hinanda ko ang baril na hawak ko. Mabilis ang aking pagtakbo nang biglang may malakas na kamay na humila sa akin. Tinutukan ko siya ngunit mabilis niya iyong naagaw.Ayaw ko ng maging bihag muli pero mukhang nasayang ang pinag-isipan naming plano ng pagtakas.Huli na nang matutukan ko ng baril ang humila sa akin dahil mas maagap siyang agawin ang armas ko. Alam kong dati na siyang naroon at inaabangan lang ni
CHAPTER 83"Saan siya nakaburol. Sasabay na ako sa'yo." Humihikbi kong tanong."Burol? Ma’am, hindi po patay si Rave, Ma’am.”"Buhay si Rave? Buhay pa siya!" Hindi ko alam kung paano ko i-express ang nararamdaman kong saya. "Dindo, narinig mo? Buhay si Rave. Buhay pa si Rave." para akong batang napapatalon sa saya.Niyakap ko si Dame.“Ipagdasal lang natin siya. Kailangan niya ng ating dasal para patuloy siyang lumaban.”“Ibig sabihin nasa panganib pa rin ang buhay niya?”Tumango si Dame. “Ilang araw na kasi siyang walang malay. Comatose siya ngayon, Ma’am. Pero buhay siya at alam kong lumalaban."Ngunit ang marinig itong buhay ay ang tangi kong matagal nang gustong marinig. Nayakap ko si Dindo sa sobrang saya. Tahimik din lang siyang yumakap din sa akin. Lumuluha ang mga mata ko ngunit tumatawa na ako. Para akong nasisiraan ng ulo. Alam kong hindi maganda ang kalagayan ni Rave ngunit ang malamang buhay pa siya ay sapat na para mas magkaroon ako ng pag-asang mabuhay siyang muli. Hangg
Chapter 84Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga ipinakikita ni Rave na kakaiba. Hindi siya ganoon sa akin. Nang tinanong niya kung sino kami ni Dindo ay alam kong malaki ang naging epekto ng pagtama ng ulo niya sa batuhan. Kinabahan ako."Anong sinasabi mong sino ako? Chief ko, ako ‘to. Hindi mo ako nakikilala?" tanong ko."Hindi? Sino ka? Sino kayo? Ano bang nangyari sa akin? Nasaan ako?" tanong muli niya.Bago ako sumagot ay dumating na si Dame kasama ang doctor ni Rave."Dok? Hindi niya ako nakikilala. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya." Naluluha kong balita sa padating na doctor."Mawalang galang na ho muna pero puwedeng sa labas na ho muna tayo maghintay para ma-eksamin ko pa muna ang pasyente?" pakiusap ng doctor sa amin.Hinawakan ni Dindo ang braso ko. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Muli kong tinignan si Rave. Napakarami ko sanang gustong sabihin ngunit nang inakbayan ako ni Dindo palayo doon ay sumunod ang aking paa palabas sa kuwarto. Bago ako
CHAPTER 85Wala akong magawa kundi sundin ang gusto niya. Lumingon ako sa kaniya. Napapikit siya ngunit Sheineuloy pa rin ang pagbagtas ng mga luha sa kaniyang pisngi. Masakit ang loob kong tinungo ang pintuan. Pinunasan ko ang aking mga luha bago lumabas."Dame, kailangan ka ni Rave sa loob." Nagulat man si Dame ngunit mabilis pa rin siyang pumasok sa loob.Tumingin sa akin si Dindo paglabas ko. Nagkatinginan kami ngunit hindi ako huminto. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napakabigat kasi ng dibdib ko. Gusto kong sumigaw. Lumabas ako sa fire exit. Mabilis ang aking mga paa paakyat hanggang sa rooftop ng hospital. Huminga ako ng malalim ng naroon na ako. Sumasabog ang dibdib ko. Damn!"Makakatulong kung isigaw mo 'yan para mailabas mo kung anuman ang nasa dibdib mo." Si Dindo. Sinundan niya ako hanggang sa rooftop.Humingal ako hindi sa pagod kundi parang napakahirap sa akin ang huminga.“Ilabas mo lang ‘yan. Nandito lang ako.” bulong niya nang gusto niya akong kayapin ngunit itinulak ko
CHAPTER 86Tinanggal niya ang kamay kong nakayakap sa kaniya. Kung naalala na niya ang lahat bakit aloof pa rin siya sa akin?"Alam ko ang binabalak mong ipaalala sa akin ang lahat na gustung-gusto ko nang kalimutan. Gusto mong maniwala akong mas mahal mo ako kaysa kay Dindo?”“Dahil iyon naman talaga ang totoo?”“Talaga? Alam mo sa sarili mo, Aya na ginagawa mo lang ito dahil nakapangako ka sa akin na kahit bumalik siya ako pa rin ang pipiliin mo.”“Kailan mo pa naramdaman ang tunay na nararamdaman ko?”“Hindi na ito tungkol sa gusto ng isip mo, Aya. Ito’y tungkol na sa tunay na nararamdaman mo. Gusto mong ipaglaban natin ang pagmamahalan natin kahit alam kong may nasasaktan ng iba? Kahit alam mo sa sarili mo na pati ikaw hindi na magiging masaya? Alam kong narito si Dindo para panindigan ka.”“Inaamin ko, nandito siya para panindigan ako pero sa harap niya mismo, alam niyang ikaw ang pinipili ko.”“Iyon na nga e. Ako ang pinipili at pilit mong ipinapasok iyon sa puso mo kasi alam mo