Share

CHAPTER 82

CHAPTER 82

Tama ang direksiyong tinatakbuhan ko. Ito ang sinabi sa akin ni Cedrick dahil malapit daw ito sa main road. Makakahingi ako ng tulong sa mga dadaan na sasakyan ngunit malabo pa iyon dahil batid kong marami silang humahabol sa akin. Kabisado nila ang gubat. Tanging ang liwanag ng buwan ang tanging dinedependahan ko para makita ang tinatalunton ko. Ngunit dahil sa yabong ng mga dahon sa mga sanga ay hindi kaya ng liwanag ng buwan na ilawan ang tinatakbuhan ko. Maaring ang iba ay umikot na para salubungin ako. Ngunit kailangan kong sundin ang direksiyong ibinigay sa akin. Hinanda ko ang baril na hawak ko. Mabilis ang aking pagtakbo nang biglang may malakas na kamay na humila sa akin. Tinutukan ko siya ngunit mabilis niya iyong naagaw.

Ayaw ko ng maging bihag muli pero mukhang nasayang ang pinag-isipan naming plano ng pagtakas.

Huli na nang matutukan ko ng baril ang humila sa akin dahil mas maagap siyang agawin ang armas ko. Alam kong dati na siyang naroon at inaabangan lang ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status