Share

Chapter 11

"Ang ganda naman ng kuwintas mo. Sino nagbigay sa'yo n'yan?" hahawakan sana ni Father Mer ang kuwintas para kilatisin pang maigi pero naunahan siya ni Minggay. Dagli niyang dinaklot ang pendant at saka itinago sa loob ng kanyang kuwelyo.

"Bi-bigay po siya ng Mama ko," pagsisinungaling ni Minggay.

Ipinag-kibit balikat na lang ni Father Mer ang ginawang iyon ni Minggay. Baka kasi nahihiya lang ang bata. "Nasa'n na nga pala mga magulang mo? Bakit si Nana Conrada na ang nag-aalaga sa'yo?"

"W-wala na po sila. Pa-patay na po," lumungkot ang mga mata at labi ni Minggay para mas magmukha siyang kapani-paniwala.

Tumalab naman ito sa pari. "Ah, gano'n ba? Pasensya na kung matanong ko. Gusto lang kasi kitang makilala at maging kaibigan."

Umiwas ng tingin si Minggay sa nakangiting mukha ng pari. Siguradong mapapalitan ng galit ang mga ngiting iyon kung malaman nito ang lihim ng Casa Del Los Benditos. Nakokonsensya tuloy siya sa ginagawa.

"Sige na't maligo ka na doon at galing ka pa sa pakikipagh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status