“Si Howard ang superior niya at ang in charge sa pagpapasa ng kaniyang disenyo. Natural lamang na mayroon siyang kinalaman dito. At saka… Kailangan ko rin managot dito. Ipinasa ang disenyo niya sa akin, pero hindi ko man lang ito ni-review bago dalhin sa meeting. Kung iimbestigahan ito, mayroon din akong kasalanan.” Habang kalmado siyang nagsasalita, ang mga elegante niyang daliri ay nagtatambol sa mesa.Nanikip ang dibdib ni Penelope, at naging mahirap ang kaniyang paghinga habang nakatitig dito. Mas malamig ang kaniyang boses nang sabihin, “Bakit labis mo siyang pinagtatanggol?”Kaguluhan ang hatid ni Sharon Jeans!“Penelope, hindi ko siya pinagtatanggol. Inaayos ko lang ang mga bagay sa nararapat na paraan. Malinaw na mas malalim ang nangyari kaysa sa nakikita ng mga mata. Hindi tayo maaaring manisi ng inosenteng tao.” Nang hindi naghihintay ng sagot, nagpatuloy siya, “Paano kung ganito? Marahil ay naaalala niya ang disenyo niya kung siya mismo ang nag-draft. Bakit hindi natin s
“President Zachary, ikaw…” Lalabas na sa dibdib ang kaniyang puso sa labis niyang kaba.Nakaramdam siya ng panganib nang bigla itong mas lumapit sa kaniya, lalo na nang mapansin niya ang delikadong kinang sa mga mata nito. Muling bumilis ang tibok ng kaniyang puso.Seryoso siyang tiningnan ni Simon habang kalmadong sinasabi,”Halimbawa…. Halikan mo ako.”‘Halik.. Halikan siya?”Naramdaman ni Sharon ang pagtigil ng daloy ng kaniyang dugo. Sinusubukan ba nitong makakuha ng halik sa kaniya?Pinilit niyang maglagay ng ngiti sa kaniyang labi habang sinasabi, “Hindi.. Hindi iyon naaangkop, hindi ba? Opisina ito.”“Kaya naman halik lang ang hinihingi ko sa iyo at wala ng iba.” Sa hindi malamang dahilan, palagi siyang natutuwa kapag nakikita niyang namumula ang mukha nito dahil sa kaba.Bakit napakamahiyain ng babaeng ito? Sapat na ba ang isang pangungusap para mamula siya?Naramdaman ni Sharon ang pagkati ng kaniyang anit. Ibig sabihin ba ay mayroon itong ibang ipapagawa sa kaniya kun
Sandaling natulala si Howard. Nang makita niyang nagsimulang mamaga ang kamay nito dahil sa pagkapaso, mabilis niyang hinawakan ang pulso nito at hinila papasok sa break room. Binuksan niya ang gripo at itinapat ang kamay nito sa malamig at umaagos na tubig.Tiningnan siya nang masama ni Sharon. “Sinadya mo ba ito?”Nasa paso nito ang atensyon ni Howard at kalmadong sumagot, “Hindi ako ganoon kasama.”“Kung ganoon, bakit hindi ka pa umaalis? Bakit nakatayo ka sa likod na may hawak na kape?” Habang mas lalo itong iniisip ni Sharon, mas lalong nagiging kahina-hinala ito.“Napagdesisyunan kong gawan ka ng kape matapos makita kung gaano ka kasipag magtrabaho ng overtime.”Suminghal si Sharon at nagpumiglas para bawiin ang kaniyang kamay. “Hindi mo kailangan magpakaipokrito. Mayroon kang binabalak sa disenyo ko, hindi ba?!”Tila ba hindi siya narinig ni Howard nang isara nito ang gripo at kumuha ng ointment mula sa first aid kit.Mahusay ang mga galaw nito, pero mas lalo lang umiwas
Sinulyapan ni Sharon ang mayamuting lalaki sa harapan niya. Tapos na nga ang oras ng trabaho at wala ng iba pang naroroon, pero opisina pa rin nila ito. Hindi naaangkop para sa rito na hawakan ang kamay niya nang ganito, tama?Sandaling naging malamig ang tingin ni Howard nang lumabas siya at nakita ang kaniyang tito na hawak-hawak ang kamay ni Sharon. Gayunpaman, nagkunwari siyang maging mabait at nagtanong, “Tito, dadalhin mo ba siya sa ospital?”Hindi ito sigurado kung narinig ba ni Simon ang sinabi niya. Hindi man lang nito sinulyapan si Howard at nilagpasan lamang ito habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sharon.Hindi nagtagal, dinala nito si Sharon papasok sa elevator at naglaho sa paningin ni Howard.Ang peke niyang ngiti sa mukha ay naglaho. Ang kaniyang mga kamay na nasa kaniyang gilid ay yumukom.Nang lumabas sila sa elevator, nasa kamay pa rin ni Sharon ang malaking kamay ng lalaki. Mayroon itong madilim na ekspresyon sa mukha habang naglalakad ito sa unahan niya. Maha
Kapapasok pa lamang ni Sharon sa kwarto nang mayroong kumatok sa pinto. “Mrs. Zachary, ako po si Xavier Fuller. Pinadala ako ni President Zachary.”Alam ni Sharon na si Xavier ang doktor ng pamilya Zachary. Bakit siya pinatawag ni Simon?Binuksan niya ang pinto. “Dr. Fuller?”Masayang ngumiti si Xavier at magalang na sinabi, “Sinabi ni President Zachary na mayroon po kayong sugat sa kamay. Pinapunta niya ako para gamutin ito.”Lumukso ang puso ni Sharon nang marinig niya ito. Istrikto ang ekspresyon sa mukha ng lalaki kanina, pero tinawag ka kaagad nito ang doktor?“Aabalahin kita, kung ganoon.” Sabi niya habang binubuksan ang pinto at pinapasok ang doktor.“Walang problema. Trabaho ko ito.”Nang malaman ni Sebastian na mayroong sugat sa kamay ang kaniyang nanay, kaagad niyang iniwanan ang kaniyang homework at tumakbo para puntahan ito. “Mommy, paano po nagkasugat ang kamay niyo?” Malungkot na tiningnan ng bata ang namamagang kamay niya habang nakayuko at hinihipan ito. “Masakit
Naging magulo ang tibok ng puso ni Sharon. Kahit ang kaniyang paghinga ay bumilis. “Eh ano? Anong kinalaman noon sa iyo? Wala kaming ginawang mali five years ago, hindi ko ba siya pwedeng mahalin pagkatapos ng limang taon?”“Anong minahal mo sa kaniya?” Sigaw nito nang pagalit at nakatitig sa kaniya nang masama. “Hindi mo nga ako hinahayaang hawakan ka noong tayo pa. At ngayon?”“Manahimik ka!” Hindi na matiis pa ni Sharon ang kabastusan nito, kaya’t galit niyang tinaas ang kamay at sinampal ito. Nanginginig pa siya sa galit.Tumahimik si Howard dahil sa sampal, ngunit kaagad na naipon sa kaniyang mga mata ang labis na kabaliwan. Mas idiniin niya ito sa kotse. “Anong problema? Mali ba ako? o ... hindi ka kailanman hinawakan ng tito ko? Wala siyang pakialam sa iyo, kunwarian lang ang kasal niyo!”Mayroong pagkataranta sa mga mata ni Sharon, at bigla siyang nagpumiglas. “Bitawan mo ako, walang hiya ka! Hindi ka patatawarin ng tito mo kapag mayroon kang gawin sa akin!”Hindi alam kun
Bumaba si Simon, hinawakan ang kwelyo nito, at itinayo. Muli nanamang babagsak ang kaniyang nakakuyom na kamao!Isang maawtoridad na boses ng isang babae ang biglang umalingawngaw. “Tumigil kayo!”Natakot si Sharon sa sigaw at mabilis na lumapit kay Simon at kunin ang kamay nito dahil bubugbugin na na nito hanggang kamatayan si Howard.Tumalikod siya para tumingin, at lumapit si Penelope na seryoso ang mukha.“Nababaliw na ba kayo? Nag-aaway kayo sa bahay ng mga Zachary. Sa tingin niyo ba ay patay na ako?” Galit na galit si Penelope, nagtataas-baba ang kaniyang dibdib sa galit.Dahan-dahang bumaba ang kamao ni Simon, pero malamig pa rin nitong tiningnan si Howard at binalaan ito, “Asawa ko na siya ngayon. Huwag ka ng maglakas loob na hawakan siya ulit!”Puro pasa ang mukha ni Howard. Masama ang pagkakabugbog dito, ngunit mayroon pa rin katigasan ng ulo ang makikita sa mga mata nito.Malamig na tiningnan ni Penelope si Sharon. ‘Lahat na naman ng ito ay para sa babaeng ito! Tama
Hindi niya mapigilang sumagot, “Walang kwenta! Iniinsulto mo ako at pinipilit ang sarili mo sa akin! Tiningnan niya si Penelope at sinabi, “Kung hindi kayo naniniwala sa akin, pwede niyong tingnan ang surveillance cameras para makitang pinipilit niya ang sarili niya sa akin!”Mayroong surveillance cameras sa buong kabahayan ng mga Zachary, kasama na ang garahe. Mapapatunayan ang kasinungalingan nii Howard sa oras na makita ang surveillance footage.“Walang hiya ka! Sinaktan mo ulit ang mommy ko!” Nakawala si Sebastian mula sa bisig ng ina at tumakbo palapit kay Howard para suntukin ito nang marinig niya ang sinabi ng ina.“Sebastian, halika dito kay lolo.” Natatakot si Douglas na maimpluwensyahan nila ng masama ang bata.“Lolo, kailangan niyo siyang parusahan. Sinaktan niya ang mommy ko,” saad ni Sebastian habang galit na nakatura kay Howard.“Paparusahan ko siya kung siya ang may kasalanan. Halika.”“Gusto ko kay Mommy.” Tumakbo pabalik si Sebastian sa kaniyang ina.Muling tin