Sa sandaling ito, isang pangungusap mula sa kaniyang anak ang nakapagpagaan ng kaniyang pakiramdam.Hindi na mahalaga kung paano siya tratuhin ng iba. Mayroon pa rin siyang anak na kakampi sa kaniya.Kontento na siyang malaman ito.Si Sally na labis na ang sakit na nararamdaman habang nakahiga sa sahig ay tumingin nang masama kay Sharon dahil sa pagkainis. Sinugal niya na ang buhay ng kanyang anak upang kaladkarin sa putikan si Sharon. Bakit niya ito hahayaang makawala nang madali?Miserable nitong tiningan si Sharon. Habang puno ng luha ang mukha, kaawa-awa nitong sinabi, “Sharon, alam kong galit ka sa akin sa pagsira ko ng kasal mo noon. Pero inosente ang anak ko. Pwede mo akong saktan… pero bakit kailangan mong idamay ang anak ko?”Nagliyab muli ang galit ni Fiona sa mga sinabi ni Sally. Puno ng galit ang kaniyang mukha, nais niyang pagpira-pirasuhin si Sharon. “Walang-hiya ka, kailangan mong magbayad sa buhay ng apo ko!” lalapit sana siyang muli.Hinarangan ni Simon ang kaniy
Sa sumunod na araw, inilabas ni Riley si Sebastian para maglibang. Wala sa mood si Sharon. Dagdag pa rito, kailangan niya rin magmadali sa pagdidisenyo ng draft niya, kaya naman hindi na siya sumama sa kanila.Hindi natulog ng buong gabi si Sharon. Nang araw na iyon, wala pa rin siyang natanggap na anumang balita mula kay Simon. Hindi niya matuon ang buong atensyon niya sa habang gumuguhit sa art paper.Sa sandaling iyon, narinig niya ang pagbukas ng pinto. Isinantabi niya ang kaniyang mga iniisip, inisip niya ngayon kung maaga bang umuwi sina Riley at Sebastian?Lumabas siya sa kaniyang kwarto at binuksan ang pinto. “Bakit kayo bumalik...” Bago pa siya matapos magsalita, hindi siya makapaniwala sa taong nakatayo sa harapan. “Howard? Anong ginagawa mo rito?”Nakatayo si Howard sa may pintuan at magulo ang suot na damit. Magulo rin ang buhok nito at ang mga mata ay kitang-kita ang mga maliliit na ugat. Makikita ang mga itim sa ilalim ng mga mata nito, at mayroong dumi sa paligid ng
Puno ng lasa ng dugo ang bibig ni Howard. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kaniyang labi. Tumingala siya at mabangis na tiningnan si Simon. Sa sandaling ito, wala na siya sa katinuan at wala ng pakialam na ang nakatayo sa harapan niya ay kaniyang tiyuhin.“Gusto ko siyang patayin! Siya ang pumatay sa anak ko!” Namamaos ang kaniyang boses, at ang kaniyang mga mata ay kumikinang sa pagnanais na pumatay.“Hindi ko..” Mayroong masakit na sensasyon sa lalamunan ni Sharon matapos masakal nang ganoon. Nang magsalita siya, namamaos ang kanyang boses.“Mamamatay tao, malakas pa rin ang loob mong tumanggi?!” Bawat salitang sinasabi nito ay parang malamig na espadang humihiwa sa kaniya nang piraso-piraso.Tuwing magsasalita si Sharon, nararamdaman niya ang matinding sakit sa paligid ng kaniyang lalamunan, ngunit pinilit niyang magsalita, “Hindi ko siya tinulak. SInadya niyang ihulog ang sarili. Siya ang walang-awang pumatay sa sarili niyang anak!”“Hmph.. hanggang sa puntong ito ay plano
Tinitigan ni Sharon ang resulta ng report, hindi makapaniwala. ‘Anak ni Howard ang batang iyon?’‘Paano ito nangyari?’ Narinig niya nang malinaw ang usapan nina Sally at ng lalaking doktor. ‘Kay Wayne ang batang iyon!’‘Mali ba ako?’‘Hindi. Kung mali ako, hindi sasabihin ni Sally sa akin ang mga bagay na iyon sa bahay ng mga Zachary. Hindi niya ihuhulog ang sarili sa hagdan para lang makunan siya. Hindi ba’t ginawa niya lahat iyon dahil natatakot siyang maging banta ang banta sa kanita?!‘Sigurado akong hindi kay Howard ang bata. Hindi kaya ang report na ito ay..”Tumingala siya upang tingnan si Simon nang may pag-aalinlangan. ‘Nagkamali ba siya?’Gayunpaman, si Simon Zachary ang lalaking ito. Walang maglalakas loob na lokohin ito. ‘Hindi ba’t naghuhukay ng sariling libingan ang taong magbibigay sa kaniya ng pekeng report?’‘Paano mangyayaring…’ Nakatitig lamang siya sa resulta, at matagal bago siya bumalik sa sarili.‘Hindi na nakapagtataka na handa itong sampalin si Howard p
’Si Sharon, si Sharon ang dahilan ng lahat kung bakit ako nagkaganito!’Bigla namang mayroong malakas na tumulak sa pinto ng ward. Bang! Natakot si Sally sa tunog. Lumingon siya, nakita si Howard na papalapit at mayroong malamig na ekspresyon.“Howard?” Tiningnan niya ang lalaking nakatatakot ang aura, nabibigla siya at nalilito. Marahan siyang nagtanong, “Anong nangyari sa iyo?”Bang! Nagulat siya sa nang bumagsak ang suntok ni Howard sa dingding ng hospital sa tabi ng kama.“Napakawalang-hiya ni Sharon! Hindi ko alam na kaya niyang hibangin ng ganoon si tito!”Walang habas na sigaw ni Howard, ngunit hindi niya pa rin mailabas ang inis na nararamdaman niya.Kuminang ang mga mata ni Sally. Dahil pala kay Sharon. Sa loob-loob ni Sally ay nakangiti siya nang malamig nang makita niya kung gaano ito kagalit. ‘Kahit na anuman ang mangyari sa susunod, kalimutan na ni Sharon na maaagaw niya sa akin si Howard!”“Howard, ikaw…” Nang mayroon na siyang sasabihin, bigla itong lumapit sa kani
Totoo ngang maraming kailagang asikasuhin si Simon sa araw na iyon. Nang makitang ayos si Sharon, tumango ito nang kaunti. “Mabuti kung ganoon. Tawagan mo ako kapag mayroong nangyari.” Tumalikod ito at umalis matapos magsalita.Bigla namang sumigaw si Sharon. “Sandali!”Huminto ang lalaki. Lumingon ito, at ang tahimik nitong mga mata ay nakatitig sa kaniya. “Sandali pa lang ay mayroon kaagad nangyayari?” kumurba at ngumisi ang maninipis nitong labi na walang nakapansin.Sumulyap si Sharon sa kaniya at pagkatapos ay binaba ang tingin. Ang kamay niyang nasa gilid ng kaniyang katawan ay nakahawak sa kaniyang manggas. “Ah, gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ko talaga tinulak si Sally.”Alam niyang pagkatapos ng insidenteng ito na nangyari sa bahay ng mga Zachary, kailangan nitong harapin ang matinding pressure na ibibigay ng pamilya Zachary. Pipilitin nila itong makipaghiwalay sa kaniya o palayuin siya. Ayaw niyang mawalan ito ng tiwala sa kaniya habang dala-dala nitong ang bigat n
Matapos makitang umalis si Simon, hindi kaagad umuwi si Sharon bagkus ay bumalik ito sa hospital.Tinanong niya sa nurse ang ward number ni Sally at hinanap niya ito mag-isa.Binuksan ni Sharon ang pinto ng ward. Sakto namang walang ibang tao sa ward bukod kay Sally na nakahiga sa kama.Naging madilim ang eskpresyon ni Sally nang makita nito si Sharon. Kaagad na naging maingat ang tingin nito. Labis itong nanghihina ngunit nagkunwari pa rin sa pamamagitan ng kaniyang matapang na ekspresyon. “Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para makita ang kaawa-awang sitwasyon ko? O iniisip mo na namang itulak ako ulit?”Tumayo si Sharon sa paanan ng kama. Kalmadong nakatingin ang kaniyang mga mata kay Sally. “Nandito lang ako para bisitahin ka.”“Para bisitahin ako? Hmph, hindi ko kailangan ng pag-arte mo rito! Mabuti pang umalis ka na ngayon. Hindi kita gustong makita!” naiirita si Sally. Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib matapos magsalita. Nagsimula niyang maramdaman ang sakit mula sa kani
Handa si Sharon. Hindi dumapo ang sampal ni Fiona sa kaniyang mukha dahil nagawa niyang mahawakan ito.“Ms. Lionel, ang masasabi ko lamang ay hindi ako ang siyang responsable sa buhay ng batang iyon. Nandito lang ako para bisitahin siya.” Nagawa niyang manatiling kalmado habang nakaharap sa galit na galit na si Fiona.Determinado na si Fiona na si Sharon ang nagtulak kay Sally sa hagdan. Nang sabihin ni Sharon na hindi anak ni Howard ang bata, mas lalo lang nitong pinasama ang imahe niya.Gayunpaman, napansin ni Sharon na nagbago ang inaakto ni Sally. Bago mawala kay Sally ang anak, malinaw na inamin nito sa kaniya na hindi anak ni Howard ang bata.Gayunpaman, matapos mawala ng bata, naging wala itong takot dahil wala ng ebidensya na makapagpapatunay sa pagkatao ng bata. Hindi malalaman ni Howard na niloko niya ito kasama ng ibang lalaki.Mas lalong nagalit si Fiona nang mabigong masampal si Sharon. Binawi niya nang malakas ang kaniyang kamay at sinigawan si Sharon habang dinuduro