Totoo ngang maraming kailagang asikasuhin si Simon sa araw na iyon. Nang makitang ayos si Sharon, tumango ito nang kaunti. “Mabuti kung ganoon. Tawagan mo ako kapag mayroong nangyari.” Tumalikod ito at umalis matapos magsalita.Bigla namang sumigaw si Sharon. “Sandali!”Huminto ang lalaki. Lumingon ito, at ang tahimik nitong mga mata ay nakatitig sa kaniya. “Sandali pa lang ay mayroon kaagad nangyayari?” kumurba at ngumisi ang maninipis nitong labi na walang nakapansin.Sumulyap si Sharon sa kaniya at pagkatapos ay binaba ang tingin. Ang kamay niyang nasa gilid ng kaniyang katawan ay nakahawak sa kaniyang manggas. “Ah, gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ko talaga tinulak si Sally.”Alam niyang pagkatapos ng insidenteng ito na nangyari sa bahay ng mga Zachary, kailangan nitong harapin ang matinding pressure na ibibigay ng pamilya Zachary. Pipilitin nila itong makipaghiwalay sa kaniya o palayuin siya. Ayaw niyang mawalan ito ng tiwala sa kaniya habang dala-dala nitong ang bigat n
Matapos makitang umalis si Simon, hindi kaagad umuwi si Sharon bagkus ay bumalik ito sa hospital.Tinanong niya sa nurse ang ward number ni Sally at hinanap niya ito mag-isa.Binuksan ni Sharon ang pinto ng ward. Sakto namang walang ibang tao sa ward bukod kay Sally na nakahiga sa kama.Naging madilim ang eskpresyon ni Sally nang makita nito si Sharon. Kaagad na naging maingat ang tingin nito. Labis itong nanghihina ngunit nagkunwari pa rin sa pamamagitan ng kaniyang matapang na ekspresyon. “Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para makita ang kaawa-awang sitwasyon ko? O iniisip mo na namang itulak ako ulit?”Tumayo si Sharon sa paanan ng kama. Kalmadong nakatingin ang kaniyang mga mata kay Sally. “Nandito lang ako para bisitahin ka.”“Para bisitahin ako? Hmph, hindi ko kailangan ng pag-arte mo rito! Mabuti pang umalis ka na ngayon. Hindi kita gustong makita!” naiirita si Sally. Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib matapos magsalita. Nagsimula niyang maramdaman ang sakit mula sa kani
Handa si Sharon. Hindi dumapo ang sampal ni Fiona sa kaniyang mukha dahil nagawa niyang mahawakan ito.“Ms. Lionel, ang masasabi ko lamang ay hindi ako ang siyang responsable sa buhay ng batang iyon. Nandito lang ako para bisitahin siya.” Nagawa niyang manatiling kalmado habang nakaharap sa galit na galit na si Fiona.Determinado na si Fiona na si Sharon ang nagtulak kay Sally sa hagdan. Nang sabihin ni Sharon na hindi anak ni Howard ang bata, mas lalo lang nitong pinasama ang imahe niya.Gayunpaman, napansin ni Sharon na nagbago ang inaakto ni Sally. Bago mawala kay Sally ang anak, malinaw na inamin nito sa kaniya na hindi anak ni Howard ang bata.Gayunpaman, matapos mawala ng bata, naging wala itong takot dahil wala ng ebidensya na makapagpapatunay sa pagkatao ng bata. Hindi malalaman ni Howard na niloko niya ito kasama ng ibang lalaki.Mas lalong nagalit si Fiona nang mabigong masampal si Sharon. Binawi niya nang malakas ang kaniyang kamay at sinigawan si Sharon habang dinuduro
Sumumpa siyang ipalit si Rebecca kay Sharon!Sa pagkakataong ito, sinaktan ni Sharon si Sally sa bahay ng mga Zachary at kinuha pa ang buhay ng kaniyang apo. Kahit na ipagtanggol ito ni Simon, mahirap para kay Douglas na tanggapin ito bilang kaniyang daughter-in--law.Hangga’t masama ang impresyon ni Douglas kay Sharon, siguradong susuportahan nito si Rebecca sa pagpalit sa pwesto ni Sharon.“Talaga? Sinusuportahan niyo ako?” Hindi siya mapakali nang maisip ang pagtrato sa kaniya nang malamig ni Simon.“Siyempre. Maniwala ka sa akin, basta’t hindi ka sumuko, ang posisyon bilang female head ng pamilya Zachary ay magiging sa iyo.”Nagningning ang mga mata ni Rebecca. Hindi niya inaalala ang pagiging female head ng pamilya. Gusto niya lang maging asawa ni Simon.…Pagdating ng lunes, maagang dumating si Sharon sa kumpanya. Hawak-hawak niya ang design draft at naglakad patungo sa opisina ng presidente. Gusto niyang makuha ang mga puna ni Simon sa nakaraan niyang disensyo bago ang me
Tinikom ni Sharon ang kaniyang mga labi, hindi gumagawa ng anumang tunog. Marahil ay isang masamang babae na nagtulak kay Sally sa hagdanan rin ang turing sa kaniya ni Douglas, kaya malinaw na hindi siya nito tatanggapin bilang daughter-in-law.Tiningnan niya si Simon. ‘Tatanggapin niya ba ang babaeng ito na pinadala ni Old Master Zachary?’Kumunot ang noo ni Simon. Tinanggihan niya na ang planong ito ng kaniyang ama noong nakaraan. Hindi niya inaasahan na babalik kaagad si Rebecca.“Ibalik mo ang mga damit na iyan. Hindi mo trabaho ang mga bagay na ito,” Malamig ang pagkakasabi nito ni Simon. Mayroong ibang taong maglalaba ng mga damit niya, at ayaw niya sa mga taong humahawak sa mga gamit niya.“Pero..”“Lumabas ka,” malamig na pinutol ni Simon ang sasabihin nito.Malamig at walang-awa si Simon. Namula ang mga mata ni Rebecca dahil dito na nagmukha siyang kaawa-awa at halos kaibig-ibig sa mata ng iba. Gayunpaman, hindi ito nagpakita ng anumang ekspresyon sa harapan ni SImon.“
”Ah..” Tumili nang mahina si Sharon nang mabanlian siya ng mainit na kape. Dahil sa pagkagulat, tumalon ito nang biglaan.Mabilis na natapon ang mainit na tasa ng kape sa coffee table sa hita ni Sharon. Nabasa rin ng kape ang kaniyang damit. Ang pinakamalala, napakainit ng kape, kaya naman napaso si Sharon at naging sobrang sama ng ekspresyon nito.Bago pa bumalik sa kaniyang sarili si Rebecca, itinulak siya ng isang malakas na pwersa mula sa likuran. Pagkatapos, isang anino ang mabilis na dumaan sa harapan niya.Si Simon na kanina ay nakaupo sa tapat ni Sharon ay mabilis na lumitaw sa harapan nito. Nakakunot ang noo nito nang makita ang malaking mantsa ng kape sa hita nito. Nang hindi nagsasalita, binuhat niya ito at nagtungo sa resting room.Napaupo si Rebecca sa sahig, nakatulala pa rin. Tinitigan niya ang nagmamadaling si Simon na buhat-buhat papalayo si Sharon. Pakiramdam niya ay inilagay niya ang sarili sa isang malaking problema.Binuhat ni Simon si Sharon papasok sa isang
Habang naliligo siya, itinali niya ang kaniyang mahabang buhok, at mayroon pang mga basang hibla ng buhok ang nakadikit sa gilid ng kaniyang mukha. Hindi ito masamang tingnan, bagkus, nagmukha siyang kaakit-akit dahil dito.Ibinalot niya ang kaniyang katawan gamit ang isang tuwalya, at sa sandaling nagsalubong ang tingin nila ni Simon, naging matingkad na kulay rosas ang kulay ng kaniyang mukha, kuminang sa hiya ang kaniyang mga mata.Tinitigan siya nito, nakapokus ang mga mata nang hindi nito napapansin. Sa sandaling iyon, naramdaman nito ang mabilis na tibok ng puso.Wala siyang suot na sapatos at lumabas lamang na nakapaa. Nakabaluktot ang mga daliri niya sa paa dahil hindi siya mapakali.Mayroong mga paru-paro sa kaniyang tiyan dahil patuloy pa rin siyang tinititigan ni Simon. ‘Masiyado bang kita ang balat ko?’Gayunpaman, wala siyang damit na maisusuot, at wala siyang pagpipilian..“Tapos ka na ba maligo?” Unang nagsalita si Simon. Hindi nito napagtantong namamaos ang boses
Tiningnan siya ni Simon. “Masakit ba?”“Medyo.”“Kung ganoon ay dadahan-dahanin ko.” Sa sandaling iyon, kakaiba ang lalim, gaspang at sexy ng boses nito.Hindi magawang kumalma ni Sharon. Tiningnan niya ang gilid ng seryosong mukha ni Simon, at naging magulo ang kaniyang isipan. Naapektuhan nito nang labis kung paano siya mag-isip!“Mrs. Zachary, pakiusap na huwag mo akong tingnan nang ganiyan.” Tinulungan siya ni Simon na ilagay ang gamot. Bigla naman tumaas ang tingin nito at sinalubong ang kaniyang mga mata at bahagyang pabirong nagsalita.Nasa kaniya ang nag-aalab na tingin ni Simon, mayroong ngiti ang mga mata nito. Hindi nagawang maiwasan ni Sharon ang tingin nito sa tamang oras at nahuli siya nito, nahiya siya at awkward ang pakiramdam.“Hindi, hindi naman.” Mabilis niyang binaba ang tingin. Ang boses na gamit niya sa pagsagot ay hindi kapani-paniwala.Naramdaman niyang mas lalong lumalapit ang pwersa sa kaniya, binalot siya ng malakas na aura ni Simon. Tumaas ang kaniyan