Tinikom ni Sharon ang kaniyang mga labi, hindi gumagawa ng anumang tunog. Marahil ay isang masamang babae na nagtulak kay Sally sa hagdanan rin ang turing sa kaniya ni Douglas, kaya malinaw na hindi siya nito tatanggapin bilang daughter-in-law.Tiningnan niya si Simon. ‘Tatanggapin niya ba ang babaeng ito na pinadala ni Old Master Zachary?’Kumunot ang noo ni Simon. Tinanggihan niya na ang planong ito ng kaniyang ama noong nakaraan. Hindi niya inaasahan na babalik kaagad si Rebecca.“Ibalik mo ang mga damit na iyan. Hindi mo trabaho ang mga bagay na ito,” Malamig ang pagkakasabi nito ni Simon. Mayroong ibang taong maglalaba ng mga damit niya, at ayaw niya sa mga taong humahawak sa mga gamit niya.“Pero..”“Lumabas ka,” malamig na pinutol ni Simon ang sasabihin nito.Malamig at walang-awa si Simon. Namula ang mga mata ni Rebecca dahil dito na nagmukha siyang kaawa-awa at halos kaibig-ibig sa mata ng iba. Gayunpaman, hindi ito nagpakita ng anumang ekspresyon sa harapan ni SImon.“
”Ah..” Tumili nang mahina si Sharon nang mabanlian siya ng mainit na kape. Dahil sa pagkagulat, tumalon ito nang biglaan.Mabilis na natapon ang mainit na tasa ng kape sa coffee table sa hita ni Sharon. Nabasa rin ng kape ang kaniyang damit. Ang pinakamalala, napakainit ng kape, kaya naman napaso si Sharon at naging sobrang sama ng ekspresyon nito.Bago pa bumalik sa kaniyang sarili si Rebecca, itinulak siya ng isang malakas na pwersa mula sa likuran. Pagkatapos, isang anino ang mabilis na dumaan sa harapan niya.Si Simon na kanina ay nakaupo sa tapat ni Sharon ay mabilis na lumitaw sa harapan nito. Nakakunot ang noo nito nang makita ang malaking mantsa ng kape sa hita nito. Nang hindi nagsasalita, binuhat niya ito at nagtungo sa resting room.Napaupo si Rebecca sa sahig, nakatulala pa rin. Tinitigan niya ang nagmamadaling si Simon na buhat-buhat papalayo si Sharon. Pakiramdam niya ay inilagay niya ang sarili sa isang malaking problema.Binuhat ni Simon si Sharon papasok sa isang
Habang naliligo siya, itinali niya ang kaniyang mahabang buhok, at mayroon pang mga basang hibla ng buhok ang nakadikit sa gilid ng kaniyang mukha. Hindi ito masamang tingnan, bagkus, nagmukha siyang kaakit-akit dahil dito.Ibinalot niya ang kaniyang katawan gamit ang isang tuwalya, at sa sandaling nagsalubong ang tingin nila ni Simon, naging matingkad na kulay rosas ang kulay ng kaniyang mukha, kuminang sa hiya ang kaniyang mga mata.Tinitigan siya nito, nakapokus ang mga mata nang hindi nito napapansin. Sa sandaling iyon, naramdaman nito ang mabilis na tibok ng puso.Wala siyang suot na sapatos at lumabas lamang na nakapaa. Nakabaluktot ang mga daliri niya sa paa dahil hindi siya mapakali.Mayroong mga paru-paro sa kaniyang tiyan dahil patuloy pa rin siyang tinititigan ni Simon. ‘Masiyado bang kita ang balat ko?’Gayunpaman, wala siyang damit na maisusuot, at wala siyang pagpipilian..“Tapos ka na ba maligo?” Unang nagsalita si Simon. Hindi nito napagtantong namamaos ang boses
Tiningnan siya ni Simon. “Masakit ba?”“Medyo.”“Kung ganoon ay dadahan-dahanin ko.” Sa sandaling iyon, kakaiba ang lalim, gaspang at sexy ng boses nito.Hindi magawang kumalma ni Sharon. Tiningnan niya ang gilid ng seryosong mukha ni Simon, at naging magulo ang kaniyang isipan. Naapektuhan nito nang labis kung paano siya mag-isip!“Mrs. Zachary, pakiusap na huwag mo akong tingnan nang ganiyan.” Tinulungan siya ni Simon na ilagay ang gamot. Bigla naman tumaas ang tingin nito at sinalubong ang kaniyang mga mata at bahagyang pabirong nagsalita.Nasa kaniya ang nag-aalab na tingin ni Simon, mayroong ngiti ang mga mata nito. Hindi nagawang maiwasan ni Sharon ang tingin nito sa tamang oras at nahuli siya nito, nahiya siya at awkward ang pakiramdam.“Hindi, hindi naman.” Mabilis niyang binaba ang tingin. Ang boses na gamit niya sa pagsagot ay hindi kapani-paniwala.Naramdaman niyang mas lalong lumalapit ang pwersa sa kaniya, binalot siya ng malakas na aura ni Simon. Tumaas ang kaniyan
Binuksan ni Simon ang pinto nang kaunti at kinuha ang mga damit mula kay Secretary Quinn, hindi nito hinayaan na makasilip ito sa sitwasyon sa loob ng silid.Labis ang pagtataka ni Secretary Quinn ngunit hindi na naglakas loob na sumilip o magtanong. Pinaalalahanan niya na lamang ito. “President Zachary, magsisimula na po ang meeting. Hinihintay na kayo ng lahat sa conference room.”“Sige. Lumabas ka na at hintayin mo ako.” Binigay ni Simon ang utos at isinara ang pinto.Nilagay niya ang package na naglalaman ng mga damit sa tabi ni Sharon. “Isuot mo iyan, at asikasuhin mo ang sugat mo.”Tinikom ni Sharon ang kaniyang mga labi. Kahit na anuman ang nangyari kanina, sinabi niya pa rin. “Salamat.”Handa na itong pumunta sa meeting. Nang buksan nito ang pinto, mayroon itong naisip. Tumalikod ito at sinabi sa kaniya, “Hintayin mo ako sa garahe pagkatapos ng trabaho. Susunduin natin si Sebastian pabalik sa bahay ng mga Zachary.”Bago pa siya makapagsalita, binuksan na nito ang pinto at
Nang makita ni Douglas si Sharon, ang ngiting kanina’y nasa kaniyang mukha ay kaagad pinalitan ng istriktong ekspresyon. “Bakit mo siya sinama pauwi?” Kaagad niyang tinanong nang mabagsik si SImon.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Simon, at kalmado ang tonong sumagot, “Hindi ba’t sinabihan mo akong sunduin siya pabalik dito?”“Inutusan kitang sunduin ang bata pabalik, hindi siya!” Malamig ang ekspresyon ni Douglas.Hindi gumawa ng anumang tunog si Sharon. Totoo nga, hindi siya tatanggapin ni Douglas.Mahigpit na hinawakan ni Sebastian ang kamay ng kaniyang nanay, at seryoso ang mukhang sinabi, “Mommy, tara na po. Hindi tayo tanggap rito.” Nang sabihin niya iyon, hihilain na nito sana palayo si Sharon.“Sebastian, saan ka pupunta? Hindi mo manlang binati si lolo nang dumating ka,” Sinabi ni Douglas gamit ang kabado ngunit malalim na boses habang kumikibot ang kaniyang mga mata.“Pinapaalis mo po si Mommy, kaya hindi rin po ako mananatili rito!” Nagdadabog na sabi ng bata, nakasiman
Sa study room, hawak-hawak ni Douglas ang tungkod na mayroong ulo ng dragon at nakaupo sa pulang-kahoy na upuan. Nakaupo sa harapan niya si Simon. Pinag-uusapan ng mag-ama si Sharon.Hawak-hawak ng mga mabubutong daliri ni Simon ang isang nakasinding sigarilyo. Sa gitna ng usok, makikita ang seryosong ekspresyon nito dahil solidong mga katangian ng kaniyang mukha.Bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata nang maharap sa utos ng ama. “Dad, siya ang babaeng nagsilang sa anak ko. Hindi iyon magiging ganoon kadali.”Istrikto ang ekspresyon sa mukha ni Douglas. Ang malalabo nitong mga mata ay mayroong matalim na kinang. “Magiging madali lang ito kung sasabihin mong pinakasalan mo lang siya dahil sa bata. Sa pamilya Zachary ang batang iyon. Mula ngayong araw, sa pamilya Zachary siya palalakihin. Siya naman, bigyan mo lang siya ng pera at paalisin mo.”Narinig ito ni Sharon na nasa labas lamang ng pinto, nagliyab ang galit sa kaniyang dibdib dahil dito. Mahigpit na nakayukom ang kaniyang
Umubo nang mahina si Douglas at sinadyang magmukhang istrikto. “Sinabi niya na sa akin ang tungkol sa pagtanggal mo sa kaniya sa trabaho. Ang tanging nagawa lang niya ay maitapon ang kape dahil hindi niya maayos na naibigay. Hindi siya dapat matanggal sa ganitong pagkakamali lang, tama?”Ibinaba ni Simon ang tingin at itinago ang nakatatakot niyang mga mata. Hindi niya gustong sumagot pero kaagad siyang nagdesisyon.Diniin niya sa ashtray ang dulo ng sigarilyo na nasa kaniyang mga kamay. Pagkatapos ay tumayo siya. “Ikaw ang bahala, kung doon ka masaya.” Huminto siya sandali, at idinagdag. “Gumagabi na, magpahinga na po kayo.” Tumalikod siya para umalis sa study room pagkatapos na sabihin iyon.Bago pa makapagbigay reaksyon si Douglas, nakaalis na si Simon. Napabuntong-hininga ito. “Ang batang ito..”‘Sige, hanggat kasama niya si Rebecca bilang secretary, naniniwala akong hindi magtatagal ay mapapalitan rin nito si Sharon!”Narinig ni Sharon ang mga sinabi ni Douglas tungkol sa pa