Nanatili magdamag si Simon sa ospital. Kahit na wala siya masiyadong maitulong, mas mabuti ito kaysa iwanan si Sharon na alagaan mag-isa ang bata.Ipinadala niya kay Frankly ang mga dokumento na kailangan niyang asikasuhin para makapagtrabaho siya sa ward habang inaalagaan ni Sharon ang bata.Katulad ng kwento ni Sebastian, magdamag itong binantayan ni Sharon. Pinupunasan niya ang pawis nito, pinapalitan ang tuwalya, at inaalam ang temperatura ng katawan nang paulit-ulit sa takot na lagnatin ito ulit.Uminom si Sebastian ng gamot kinagabihan at mahimbing na nakatulog. Tumalikod si Sharon para tingnan ang lalaking nasa hindi kalayuan na abala sa pagtingin ng mga dokumento.Tumayo siya at nilapitan ito. “Magpahinga ka muna. Magiging abala ka sa trabaho bukas sa kumpanya,” Mahina niyang saad. Isa itong premium ward. Mayroong ekstrang kama at sofa, kaya’t pwede itong magpahinga kapag pagod na.Tumingala si Simon para tingnan si Sharon. Magulo ng kaunti ang buhok nito dahil naging abal
Wala sa kwarto si Simon. Nang iniisip niya na kung saan ito nagpunta, isang nurse ang pumasok para ibigay ang kanilang masustansyang agahan.“Gising na ho kayo? Inihanda ni President Zachary ang almusal na ito para sa inyong dalawa. Sinabi niya sa akin na sabihin sa inyo na pumunta na siya sa kumpanya,” Mayroong paghanga sa mukha ng batang nurse habang sinasabi ito sa kaniya.Nabigla si Sharon. Sobrang aga niya bang pumunta sa trabaho?Binalot ng init ang kaniyang puso nang makita ang masustansyang almusal.Patuloy na inalagaan ni Sharon ang kaniyang anak sa ospital hanggang sa makalabas ito. Nang bumalik siya sa bahay ng mga Zachary, halos pagaling na ang sugat sa kamay nito. Mas lalong lumuwag ang kaniyang pakiramdam.Dahil mayroong mga taong nagbabantay kay Sebastian sa bahay ng mga Zachary, pwede siyang pumasok sa trabaho nang walang pag-aalala.Nang bumalik si Sharon sa opisina, nabanggit ng kaniyang mga katrabaho na mayroong bagong design director sa designing department. T
Mapanudyong ngumisi si Howard. “Hindi mo ba naiintindihan? Sinabi ko sa iyo na wala siyang kontrol tungkol sa sarili niyang kasal. Kailangan mo rin makipag-divorce sa kaniya kaagad. Baka mapalayas ka pa sa bahay ng mga Zachary,” Sabi nito.Huminto ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa nang may awa. “Kaya mas mabuting hindi ka mahulog sa tito ko. Kung hindi, katapusan mo na, “Sabi nito.Inisip niya ito. Ibig sabihin niya ba ay haharangan ni Douglas ang kasal nila?“Hindi mo kailangang mag-alala sa amin. Sa ngayon, hindi pa kinokontra ni Director Zachary ang relasyon namin,” Walang emosyong sabi ni Sharon.“Sinong nagsabi sa iyong si lolo iyon? Hindi mo pa nakikita ang taong tinutukoy ko. Mas makapangyarihan siya kaysa kay lolo. Hindi maglalakas-looob ang tito ko na suwayin ito,” Sabi nito.Kumunot ang noo ni Sharon. Sinong katatakutan ni Simon?“Oh? Sino itong taong tinutukoy mo?”“Hindi ka na makapaghintay na makita siya? Huwag kang mag-alala, sa tingin ko ay malapit mo na
Hindi iyon magandang desisyon, tama? Paano kung malaman ito ng ibang empleyado?Gayunpaman, hindi kinonsidera ni Simon ang mga bagay na ito. Nang mapansin ang pagkakunot ng noo nito, sinabi niya, “Narinig mo ba ang sinabi ko?” Isa ba itong utos?Patago siyang sinulyapan ni Sharon. Masiyado naman ata siyang dominante?Kahit na ganito ang naiisip, tumango na lang din siya. “Oh, sige,” Pagsang-ayon niya.“Sige…” Sinabi niya. Naisip niya ang tungkol sa pagtatrabaho ni Howard sa Central Corporation. Isa rin ba ito sa mga plinano niya?Naramdaman ni Simon ang tingin nito sa kaniya. “Sabihin mo sa akin nang diretso kung mayroon kang gustong sabihin. Huwag mo ako sikretong tingnan,” Sabi nito.Bahagyang nahiya si Sharon. Hindi niya ito sikretong tinitingnan!“Gusto ko lang magtanong sa iyo. Ikaw ba ang nag-ayos para sa posisyon ni Howard bilang director ng designing department?” Tanong niya.Nagsalubong ang mga kilay ni Simon. “Howard? Nagtatrabaho siya sa Central Corporation?” Tanong
“Tito, ang chef sa bahay ang naghanda ng tanghalin na ito? Ang bango. Hindi pa ako kumakain. Ayos lang bang humingi ng kaunting risotto?” Tanong nito bago umupo.“Umuwi ka kung gusto mo niyan,” Malamig na sagot ni Simon. Kaagad itong tinanggihan.Tumigil si Howard sa kalagitnaan ng pag-upo. “Sige, hindi ko na kayo aabalahin pang dalawa. Dahil mag-isa lang naman ako, mag-oorder na lang ako,” Pagmamaktol nito.Tiningnan niya nang masama si Sharon bago umalis. Kahit ganoon, hindi siya nito tinapunan ng tingin. Masaya pa rin itong kumakain ng tanghalian kasama ang kaniyang tito.Pinigilan niya ang nag-aalab na galit sa kaniyang puso at tumalikod para maglakad nang mabilis. Sa sandaling isinara niya ang pinto, naglaho ang ngiti sa kaniyang mukha.Noong una ay mayroong gana si Sharon. Pero matapos dumating ni Howard, hindi niya na gustong kumain pa. Ibinaba niya ang kaniyang kutsara’t tinidor matapos kumain nang kaunti. “Busog na ako. Pwede mo ng ituloy ang pagkain mo nang dahan-dahan,”
Nakakunot ang noo ni Sally dahil sa inis. “Sinabi ko na ang kailangan kong sabihin. Bitawan mo ako, huwag mo akong hawakan!”Mahigpit ang kapit sa kaniya ni Sharon at pinipilit itong linawin ang sinabi. Gayunpaman, biglang dumating ang katrabaho niyang si Lewis. “Sharon, nariyan ka pa! Buong araw na kitang hinahanap.”Nawala sa atensyon si Sharon, inalis ni Sally ang kaniyang kapit at tiningnan siya nang masama at sinabi, “Ang maipapayo ko na lang sa iyo ay manahimik, kung hindi, sasabihin ko kay Howard na bigyan ka ng mas maraming trabaho.” Pagkatapos ay mabilis itong naglakad palayo.Hindi pinigilan ni Sharon si Sally. Alam niyang sinadyang pasamain ni Sally ang kaniyang loob sa hindi nito pagsasabi ng lahat tungkol sa kaniyang ama!Sinabihan ni Lewis si Sharon na gusto ng director na dalhin niya ang design sa construction site at ipakita ito sa taong in charge.Kaya naman pinigilan ni Sharon ang kaniyang mga tanong at bumalik sa trabaho.Nang makaalis siya sa opisina at nagma
Nang lumingon si Helen at nakitang nakalabas na ang kaniyang boss mula sa kotse, mabilis siyang lumapit at sinabi, “Vice President, bakit po kayo lumabas? Ayos lang ba kayo? Nasaktan po ba kayo?”Blangko ang mukha ni Penelope. Wala pang nakakita ng ngiti sa mukha niya kahit kailan.Si Sharon na nabibigla pa rin ay lumingon sa direksyon ng boss na iyon. Ang babaeng nasa katamtamang edad na lumabas sa kotse ay nakasuot ng isang simpleng business suit, at ang buhok nito ay naka-pulled back. Walang ngiti sa mga mata nito, sopistikada ang dating sa gitna ng makapangyarihan nitong aura. Mukha talaga siyang literal na babaeng boss.Bakit parang pamilyar ang babaeng ito? Bakit ang dominanteng aura nito ay katulad ng kay Simon?Masasabi ni Sharon na siya ang may-ari ng kotse. Lumakad siya palapit, humingi siya ng tawad, “I’m so sorry, nawala ang atensyon ko sa kalsada... Pero huwag kayo mag-alala, babayaran ko kung magkano man ang dapat bayaran.”Matapos bumalik sa sarili, napagtanto niyan
Si Sharon na marahil ang pinaka nabibigla ngayon. Nang makita niyang nagkita muli ang dalawa, nagulat siya. Nakatatandang kapatid ni Simon ang makapangyarihang babae na iyon!?“President Zachary, nandito po ba kayo para sunduin si Vice President Zachary? Sinasabi ko po sa inyo,ang babaeng iyan ang wala sa atensyon habang nagmamaneho at nabangga si Vice President Zachary!”Bumagsak ang ekspresyon ni Simon. “Penelope, ayos ka lang ba?”“Hindi nasaktan ang Vice President, pero sobra siyang nabigla. Huwag kang mag-alala, President Zachary. Napag-usapan na namin ito ni Attorney Greene. Pagbabayarin namin hanggang sa huling sentimo ang may sala!” Nagsalita muli si Helen.Nararamdaman ni Sharon ang pangangati ng kaniyang anit nang marinig niya ang sinabi nito. Napakamakapangyarihan ng kapatid nito, kaya’t imposibleng pakawalan lang siya nito nang madali, tama?Nakaw niyang tiningnan si Simon. Binigyan na naman niya ito ng problema.Pinigilan ni Simon ang kaniyang pagkabigla. Hindi niya