Si Sharon na marahil ang pinaka nabibigla ngayon. Nang makita niyang nagkita muli ang dalawa, nagulat siya. Nakatatandang kapatid ni Simon ang makapangyarihang babae na iyon!?“President Zachary, nandito po ba kayo para sunduin si Vice President Zachary? Sinasabi ko po sa inyo,ang babaeng iyan ang wala sa atensyon habang nagmamaneho at nabangga si Vice President Zachary!”Bumagsak ang ekspresyon ni Simon. “Penelope, ayos ka lang ba?”“Hindi nasaktan ang Vice President, pero sobra siyang nabigla. Huwag kang mag-alala, President Zachary. Napag-usapan na namin ito ni Attorney Greene. Pagbabayarin namin hanggang sa huling sentimo ang may sala!” Nagsalita muli si Helen.Nararamdaman ni Sharon ang pangangati ng kaniyang anit nang marinig niya ang sinabi nito. Napakamakapangyarihan ng kapatid nito, kaya’t imposibleng pakawalan lang siya nito nang madali, tama?Nakaw niyang tiningnan si Simon. Binigyan na naman niya ito ng problema.Pinigilan ni Simon ang kaniyang pagkabigla. Hindi niya
Walang anumang ekspresyong ang lalaki sa mukha nito nang ibalik nito ang tanong sa kaniya. “Ano sa tingin mo?”Binaba ni Sharon ang tingin. “Pi... pinagsisisihan ko ang lahat. Hindi ko inakalang babangga ako sa kaniya.”“Nagsisisi? Ano sa tingin mo ang mga maaaring mangyari kapag nagmamaneho ka? Paano kung mayroong bumangga sa iyo, o kung makabangga ka? Sa tingin mo ay madadala mo ang responsibilidad?” Pinagsabihan niya ito habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Nasurpresa si Sharon sa seryosong ekspresyon nito sa mukha. A.. alam kong kasalanan ko ito, pero.. Mag-asawa na tayo ngayon. Patatawarin ako ng kapatid mo dahil sa iyo, tama?”Mayroon pa rin seryosong ekspresyon sa mukha ang lalaki. “Nag-aalala lang ako na hindi ka niya tingnan bilang sister-in-law.”Natigilan si Sharon. Tama ito, tinawag niya bilang sister-in-law si Penelope, pero lumakad lamang ito palayo nang seryoso ang ekspresyon sa mukha.“Anong kailangan kong gawin? Pwede akong humingi ng tawad sa kaniya, tama?”
“Penelope, wala kang ideya kung gaano katuso si Sharon. Ginamit niya ang anak niya para lapitan si Simon…”“Fiona, hindi mo ba naiisip na masamang ideya ang pagtsismisan ang asawa ko sa likod ko?” Mayroong malamig na ekspresyon si Simon sa kaniyang mukha habang naglalakad papasok sa sala. Nasa tabi niya si Simon.Sasabihin pa lang sana ni Fiona kay Penelope ang tungkol sa mga nagawa ni Sharon. Hindi niya inaasahan na darating si Simon sa sandaling ito at marinig siya, at katabi pa nito si Sharon!Nanghina siya sandali bago nagawang itago ito nang mabilis at naging matapang ang akto, “Simon, hindi ako nagsasabi ng tsismis. Sinasabi ko ang totoo.” Nang matapos siyang magsalita, tiningnan pa nito nang masama si Sharon.Matalim ang tingin ni Simon, “Fiona, mabait ang asawa ko, pero sinasabi mong tuso siya. Iyon ba sa tingin mo ang totoo?”Halos dumura ng dugo si Fiona, si Sharon, mabait na tao? Paano niya nagawang sabihin ang ganoong kakatwang bagay?Tahimik na nakatayo si Sharon sa
“Lahat ng iyon ay nakaraan na..”“Dahil lang nakaraan na ito ay hindi ibig sabihin na hindi na iyon nangyari! Paano mo nagawang magpakasal sa ganoong babae?! Malinaw na mayroon siyang motibo!”“Penelope, hindi mo pa siya nakakasama. Ang tanging nagawa mo lang ay makinig sa mga sabi-sabi. Paano mo nasasabing mayroon siyang motibo dahil lang doon?” Hindi tinaas ni Simon ang kaniyang boses. Gusto niya lang ay malinawan ito, hindi makipag-away.Gayunpaman, para kay Penelope, ito ang unang beses na nakipagsagutan ito sa kaniya dahil lang sa isang babae!Humigpit ang hawak nito sa armrest habang naninikip ang dibdib. “Kahit na ano pa man, hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal mo sa babaeng ito. Binangga niya pa ang kotse ko ngayong araw at pwede akong mamatay roon kung hindi ako sinwerte! Makipaghiwalay ka na kaagad sa kaniya para sa ikabubuti mo!”Kumunot ang noo ni Simon. “Penelope, hindi pagkakaintindihan ang nangyari ngayong araw. Hindi ba’t masiyado mo siyang hinuhusgahan?”“Hindi
“At... Pumayag ka?” Nag-aalinlangan niyang tanong.Nagsalubong ang kanilang mga mata. Hindi kaagad sumagot ang lalaki, at mas lalo lang siyang kinabahan. Bakit siya kinakabahan?Hindi niya ba gustong makipaghiwalay dito? Palabas lang din naman ang kanilang kasal.Gayunpaman… kung maghihiwalay nga sila, sino ang makakakuha ng custody ng bata?“Gusto mo bang makipaghiwalay sa akin?” Lumapit ito sa kaniya at mababa ang boses na nagtanong.Sa sobrang lapit nito ay naghahalo na ang kanilang hininga. Panandalian siyang nawala sa sarili habang umiiling at sinabi, “Hindi, ayaw ko ng divorce.”Bigla niya itong naisip. Kung maghihiwalay sila, baka mawala sa kaniya ang custody ng kaniyang anak. Kaya naman hindi siya kailanman sasang-ayon sa divorce.Kumislap ang mga mata ni Simon habang nakangiti ang maninipis na labi. “Tama iyan. Mukhang hindi mo pa nakakalimutan ang kasunduan natin.”“Pero ang kapatid mo..”“Naayos ko na iyon. Bibigyan ka niya ng pagkakataon para makilala. Dapat ay gal
Hindi maipaliwanag ang sama ng ekspresyon sa mukha ni Simon, tumitibok ang mga ugat sa kaniyang noo. Bakit palaging nang-iistorbo ang batang ito sa tuwing mayroon siyang seryosong gagawin?Sinira ng bata ang kaniyang mga plano. Gusto niya itong palayasin sa bahay, hindi na baleng anak niya ito!Namula ang mukha ni Sharon nang itulak niya palayo sa kaniya si Simon at yumuko upang suriin ang kaniyang damit. Mabuti na lamang ay hindi ito magulo. Tanging paghinga lang niya ang magulo. Hinaplos niya ang kaniyang buhok habang sinasabi, “Sebastian, bakit hindi ka kumatok bago pumasok?”Sumagot ang bata. “Kung kumatok ako, hindi ko po makikita si Dad na sinasaktan ka!”Natigilan ang ekspresyon sa mukha ni Simon nang umupo siya at tiningnan nang masama ang bata. “Hindi ko siya sinasaktan…”“Nakita ko na po ang lahat, pero nagsisinungaling pa rin kayo!” Hindi siya pinapaniwalaan ng bata.Sumunod din si Sharon at sinabi, “Hindi ako sinasaktan ng dad mo, nag…”Tinititigan siya ni Sebastian
Naramdaman ni Sharon na nakatingin sa kaniya ang lahat ng mata habang naglalakad siya paakyat sa podium.Nakatitig sa kaniya si Howard. Naniningkit ang mga mata nito habang tusong nakangiti.“Paki-project ng disenyo para sa akin, Secretary Quinn.” Nang tingnan ni Sharon ang secretary ni Simon, nakikita niya rin si Simon sa sulok ng kaniyang mga mata. Mayroon itong seryosong ekspresyon sa mukha habang nakaupo sa unahan ng mesa. Mas lalo siyang kinabahan.Handa na si Secretary Quin.. Mabilis nitong ipinakita ang disenyo sa screen.“Magandang umaga sa lahat. Sisimulan ko na ngayong talakayin ang tungkol sa aking disenyo para sa Mountain Linguistic project..”Hindi pa natatapos ni Sharon ang kaniyang pangungusap nang bigla siyang duruin at pagalitan ng kaniyang audience.“Hindi niya iyan disenyo! Kopya yan! Nakakahiya!”Tumalikod si Sharon at nalilitong tiningnan ang screen. Ang disenyong pinapakita sa screen ay hindi niya disenyo kung hindi sa ibang tao.Nanigas ang kaniyang muscl
Nabigla si Sharon sa pagka-istrikto nito. Pinigilan niya ang kaniyang mga emosyon na nawalan siya ng kontrol kanina, at bahagyang nalinawan. Nakipagsagutan siya kay Howard sa harap ng mga executives ng kumpanya. Nakakahiya!Nakayukom ang kaniyang mga kamao habang kinakagat niya ang labi. Kahit na galit at masama pa rin ang loob niya, kailangan niya pa rin tumahimik at lumabas ng silid. Hindi niya na maaaring ipahiya pa ang sarili.Mayroong istriktong ekspresyon si Simon sa kaniyang mukha, at nagkunwari siyang hindi niya ito nakitang umalis. Gayunpaman, tiningnan niya ito sa sulok ng kaniyang mga mata habang paalis, at tila mayroon itong malungkot na ekspresyon habang palabas ng silid.Mayroong hindi halatang ngiti sa mukha si Howard. HIndi siya nagsalita, sinunod ang utos ni Simon at naglakad palabas ng conference room kasunod ni Sharon.Naglalakad sa mga pasilyo si Sharon habang galit na humihinga. Nagbabanta siyang sunugin nang buhay ng galit sa puso niya!Maririnig ang mga yab