Hindi maipaliwanag ang sama ng ekspresyon sa mukha ni Simon, tumitibok ang mga ugat sa kaniyang noo. Bakit palaging nang-iistorbo ang batang ito sa tuwing mayroon siyang seryosong gagawin?Sinira ng bata ang kaniyang mga plano. Gusto niya itong palayasin sa bahay, hindi na baleng anak niya ito!Namula ang mukha ni Sharon nang itulak niya palayo sa kaniya si Simon at yumuko upang suriin ang kaniyang damit. Mabuti na lamang ay hindi ito magulo. Tanging paghinga lang niya ang magulo. Hinaplos niya ang kaniyang buhok habang sinasabi, “Sebastian, bakit hindi ka kumatok bago pumasok?”Sumagot ang bata. “Kung kumatok ako, hindi ko po makikita si Dad na sinasaktan ka!”Natigilan ang ekspresyon sa mukha ni Simon nang umupo siya at tiningnan nang masama ang bata. “Hindi ko siya sinasaktan…”“Nakita ko na po ang lahat, pero nagsisinungaling pa rin kayo!” Hindi siya pinapaniwalaan ng bata.Sumunod din si Sharon at sinabi, “Hindi ako sinasaktan ng dad mo, nag…”Tinititigan siya ni Sebastian
Naramdaman ni Sharon na nakatingin sa kaniya ang lahat ng mata habang naglalakad siya paakyat sa podium.Nakatitig sa kaniya si Howard. Naniningkit ang mga mata nito habang tusong nakangiti.“Paki-project ng disenyo para sa akin, Secretary Quinn.” Nang tingnan ni Sharon ang secretary ni Simon, nakikita niya rin si Simon sa sulok ng kaniyang mga mata. Mayroon itong seryosong ekspresyon sa mukha habang nakaupo sa unahan ng mesa. Mas lalo siyang kinabahan.Handa na si Secretary Quin.. Mabilis nitong ipinakita ang disenyo sa screen.“Magandang umaga sa lahat. Sisimulan ko na ngayong talakayin ang tungkol sa aking disenyo para sa Mountain Linguistic project..”Hindi pa natatapos ni Sharon ang kaniyang pangungusap nang bigla siyang duruin at pagalitan ng kaniyang audience.“Hindi niya iyan disenyo! Kopya yan! Nakakahiya!”Tumalikod si Sharon at nalilitong tiningnan ang screen. Ang disenyong pinapakita sa screen ay hindi niya disenyo kung hindi sa ibang tao.Nanigas ang kaniyang muscl
Nabigla si Sharon sa pagka-istrikto nito. Pinigilan niya ang kaniyang mga emosyon na nawalan siya ng kontrol kanina, at bahagyang nalinawan. Nakipagsagutan siya kay Howard sa harap ng mga executives ng kumpanya. Nakakahiya!Nakayukom ang kaniyang mga kamao habang kinakagat niya ang labi. Kahit na galit at masama pa rin ang loob niya, kailangan niya pa rin tumahimik at lumabas ng silid. Hindi niya na maaaring ipahiya pa ang sarili.Mayroong istriktong ekspresyon si Simon sa kaniyang mukha, at nagkunwari siyang hindi niya ito nakitang umalis. Gayunpaman, tiningnan niya ito sa sulok ng kaniyang mga mata habang paalis, at tila mayroon itong malungkot na ekspresyon habang palabas ng silid.Mayroong hindi halatang ngiti sa mukha si Howard. HIndi siya nagsalita, sinunod ang utos ni Simon at naglakad palabas ng conference room kasunod ni Sharon.Naglalakad sa mga pasilyo si Sharon habang galit na humihinga. Nagbabanta siyang sunugin nang buhay ng galit sa puso niya!Maririnig ang mga yab
“Si Howard ang superior niya at ang in charge sa pagpapasa ng kaniyang disenyo. Natural lamang na mayroon siyang kinalaman dito. At saka… Kailangan ko rin managot dito. Ipinasa ang disenyo niya sa akin, pero hindi ko man lang ito ni-review bago dalhin sa meeting. Kung iimbestigahan ito, mayroon din akong kasalanan.” Habang kalmado siyang nagsasalita, ang mga elegante niyang daliri ay nagtatambol sa mesa.Nanikip ang dibdib ni Penelope, at naging mahirap ang kaniyang paghinga habang nakatitig dito. Mas malamig ang kaniyang boses nang sabihin, “Bakit labis mo siyang pinagtatanggol?”Kaguluhan ang hatid ni Sharon Jeans!“Penelope, hindi ko siya pinagtatanggol. Inaayos ko lang ang mga bagay sa nararapat na paraan. Malinaw na mas malalim ang nangyari kaysa sa nakikita ng mga mata. Hindi tayo maaaring manisi ng inosenteng tao.” Nang hindi naghihintay ng sagot, nagpatuloy siya, “Paano kung ganito? Marahil ay naaalala niya ang disenyo niya kung siya mismo ang nag-draft. Bakit hindi natin s
“President Zachary, ikaw…” Lalabas na sa dibdib ang kaniyang puso sa labis niyang kaba.Nakaramdam siya ng panganib nang bigla itong mas lumapit sa kaniya, lalo na nang mapansin niya ang delikadong kinang sa mga mata nito. Muling bumilis ang tibok ng kaniyang puso.Seryoso siyang tiningnan ni Simon habang kalmadong sinasabi,”Halimbawa…. Halikan mo ako.”‘Halik.. Halikan siya?”Naramdaman ni Sharon ang pagtigil ng daloy ng kaniyang dugo. Sinusubukan ba nitong makakuha ng halik sa kaniya?Pinilit niyang maglagay ng ngiti sa kaniyang labi habang sinasabi, “Hindi.. Hindi iyon naaangkop, hindi ba? Opisina ito.”“Kaya naman halik lang ang hinihingi ko sa iyo at wala ng iba.” Sa hindi malamang dahilan, palagi siyang natutuwa kapag nakikita niyang namumula ang mukha nito dahil sa kaba.Bakit napakamahiyain ng babaeng ito? Sapat na ba ang isang pangungusap para mamula siya?Naramdaman ni Sharon ang pagkati ng kaniyang anit. Ibig sabihin ba ay mayroon itong ibang ipapagawa sa kaniya kun
Sandaling natulala si Howard. Nang makita niyang nagsimulang mamaga ang kamay nito dahil sa pagkapaso, mabilis niyang hinawakan ang pulso nito at hinila papasok sa break room. Binuksan niya ang gripo at itinapat ang kamay nito sa malamig at umaagos na tubig.Tiningnan siya nang masama ni Sharon. “Sinadya mo ba ito?”Nasa paso nito ang atensyon ni Howard at kalmadong sumagot, “Hindi ako ganoon kasama.”“Kung ganoon, bakit hindi ka pa umaalis? Bakit nakatayo ka sa likod na may hawak na kape?” Habang mas lalo itong iniisip ni Sharon, mas lalong nagiging kahina-hinala ito.“Napagdesisyunan kong gawan ka ng kape matapos makita kung gaano ka kasipag magtrabaho ng overtime.”Suminghal si Sharon at nagpumiglas para bawiin ang kaniyang kamay. “Hindi mo kailangan magpakaipokrito. Mayroon kang binabalak sa disenyo ko, hindi ba?!”Tila ba hindi siya narinig ni Howard nang isara nito ang gripo at kumuha ng ointment mula sa first aid kit.Mahusay ang mga galaw nito, pero mas lalo lang umiwas
Sinulyapan ni Sharon ang mayamuting lalaki sa harapan niya. Tapos na nga ang oras ng trabaho at wala ng iba pang naroroon, pero opisina pa rin nila ito. Hindi naaangkop para sa rito na hawakan ang kamay niya nang ganito, tama?Sandaling naging malamig ang tingin ni Howard nang lumabas siya at nakita ang kaniyang tito na hawak-hawak ang kamay ni Sharon. Gayunpaman, nagkunwari siyang maging mabait at nagtanong, “Tito, dadalhin mo ba siya sa ospital?”Hindi ito sigurado kung narinig ba ni Simon ang sinabi niya. Hindi man lang nito sinulyapan si Howard at nilagpasan lamang ito habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sharon.Hindi nagtagal, dinala nito si Sharon papasok sa elevator at naglaho sa paningin ni Howard.Ang peke niyang ngiti sa mukha ay naglaho. Ang kaniyang mga kamay na nasa kaniyang gilid ay yumukom.Nang lumabas sila sa elevator, nasa kamay pa rin ni Sharon ang malaking kamay ng lalaki. Mayroon itong madilim na ekspresyon sa mukha habang naglalakad ito sa unahan niya. Maha
Kapapasok pa lamang ni Sharon sa kwarto nang mayroong kumatok sa pinto. “Mrs. Zachary, ako po si Xavier Fuller. Pinadala ako ni President Zachary.”Alam ni Sharon na si Xavier ang doktor ng pamilya Zachary. Bakit siya pinatawag ni Simon?Binuksan niya ang pinto. “Dr. Fuller?”Masayang ngumiti si Xavier at magalang na sinabi, “Sinabi ni President Zachary na mayroon po kayong sugat sa kamay. Pinapunta niya ako para gamutin ito.”Lumukso ang puso ni Sharon nang marinig niya ito. Istrikto ang ekspresyon sa mukha ng lalaki kanina, pero tinawag ka kaagad nito ang doktor?“Aabalahin kita, kung ganoon.” Sabi niya habang binubuksan ang pinto at pinapasok ang doktor.“Walang problema. Trabaho ko ito.”Nang malaman ni Sebastian na mayroong sugat sa kamay ang kaniyang nanay, kaagad niyang iniwanan ang kaniyang homework at tumakbo para puntahan ito. “Mommy, paano po nagkasugat ang kamay niyo?” Malungkot na tiningnan ng bata ang namamagang kamay niya habang nakayuko at hinihipan ito. “Masakit