STELLA “PAANO niyo nalaman kung nasaan ako tiyo, tiya?” Nakangiti kong tanong habang nasa hapagkainin pa ‘rin kami. Kanina pa kami tapos kumain pero nagpasiya kaming dito nalang muna at mag kwentuhan. Hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin ako makapaniwala na andito sila tiyo at tiya. Ang huling kita ko sa mga ito ay ang—sa panaginip ko. “Napanood namin ang live niyo sa birthday ni Princess, noong una ay hindi kami makapaniwala na ikaw ‘yun dahil baka kapangalan mo lang pero nang makita ka namin ay walang duda na ikaw nga.” Nakangiting sabi ng tiya ni Stella. “Maganda naman pala ang naidulot ng announcement mo Alas,” nakangiting sabi ni Ava na ikinatango namin. “Hindi pa ‘rin ako makapaniwala tiyo, tiya. Ang akala ko talaga ay hindi ko na kayo makikita lalo na at nalaman ko na ibinenta niyo ang Hacienda sa mga Del Rosario.” Nagkatinginan ang dalawa dahil sa sinabi ko na aking ikinataka. “May problema ba tiyo? Tiya?” tanong ko na ikinatingin saakin ng mga ito. Napahawak si tiya sa braso
DALAWANG araw ang lumipas magmula nang magsimulang magkaroon ng bantay sa bahay nila Ace at dalawang araw na ‘rin ang nakakalipas magmula nang mag train sila nang palihim. Tandang-tanda pa ni Ace nang unang makita nila ang mag sasanay sa kanilang tatlo—sina Theo at Ellias. Gulat na gulat ang tatlo nang makita ang dalawa nilang kaibigan, Philip has no choice kung di ang dala ang gawing trainer ng mga ito dahil bukod kay Stella ay ang dalawa ang pinakang magaling niyang tauhan at mapapagkatiwalaan. Hindi ‘man makapaniwala ngunit tinaggap nalang ng tatlo. Ang hindi nila maisaayos ay ang dahilan nila para mawala sa paningin nila Stella lalo na si Ace. Hindi madaling mag dahilan para sabihin na aalis sandali. Normal na oras nila para magsanay ay sa gabi, pasado alas onsen ang gabi sila nagsisimulang mag sanay hanggang alas tres ng umaga. Hindi naging madali para sa tatlo lalo na nag pagtatago nila Lucas at Harris sa loob ng Hacienda nila Ace para lang hindi mahuli. Pero lahat iyon ay tin
“PUMUNTA ka dito sa address na i-sesend ko sa’yo nang mag-isa. Kapag natunugan ko na mayroon kang kasama ay hindi ako magdadalawang isip na patayin si Ava.” Hindi mapakali si Stella sa loob ng kanilang kwarto dahil sa natanggap na tawag na iyon. Hindi niya kilala ang lalaki, hindi niya ito na bobosesan kung kaya nagtataka siya kung paano siya nito nakilala. Nagkaroon agad siya nang clue na maaaring ito ang taong nagbabanta sa buhay niya. Tama ang hinala niya na may nangyaring masama kay Ava, ngunit ito mismo ang nagsabi na pupunta siya sa isang mission. Napatigil siya sa pagpapabalik balik at agad na tinawagan si Philip sa kaniyang telepono. Napatingin pa siya kay Ace na tulog na tulog hanggang sa sumagot si Philip. “Stella, napatawag ka may problema ba?” salubong nito sa kaniya. “Wala naman Philip, tatanungin ko lang sana kung kasama mo si Ava. Patay kasi ang cellphone niya.” Idinahilan niya lamang iyon para malaman kung totoo bang nasa mission ito o hindi. “Si Ava? Hindi pa kami
“SHE’S dead Stella, bitawan mo na siya.” Narinig ni Stella ang boses na nagmumula sa lalaking bumaril kay Ava kung kaya napatingin siya dito ng matalim. Hindi pa ‘rin tumitigil ang pag-agos ng luha mula sa mga mat anito dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. “Pinatay mo si Ava! Papatayin ‘din kita!” hindi nagdalawang isip si Stella na paputukan ito ng baril na agad na ikinagulong ng lalaki sa sahig habang si Stella ay sunod-sunod itong pinatamaan ng bala. Naramdaman niyang may babaril sa kaniya kung kaya una niyang pinuntirya ang mga tauhan ng lalaki. “Mamamatay kayong lahat!” parang nabuhay ang demonyo sa kaloob-looban ni Stella dahil sa pagkawala ng kaibigan at napaatras ang mag tauhan ni agent Tiger. “Nagtago si Stella sa isang cabinet na naroroon at pinalitan ang kaniyang baril. Napasandal siya sa cabinet habang patuloy na bumabalik sa ala-ala niya ang huling tagpo nang makitang buhay si Ava. Napatingin siya dito at mas lalong naiyak. “P-patawarin mo ako Ava,” nanginginig an
TULALANG nakaupo si Stella sa labas ng morgue matapos dalhin doon si Ava nang kumpirmahin itong patay na. Ayon sa mga doctor ay halos labing tatlong minuto na itong walang buhay at dahil ‘yon sa balang tumama sa bandang puso. Kumpleto silang lahat ngayon sa labas nang morgue kung saan pare-parehong tahimik at wala sa sarili. Kanina nang magising si Stella mula sa pagkakawalang malay ay si Ava agad ang unang hinanap nito. Nalapatan na ‘rin ng first aid ang mga natamong sugat nila sa pagkakasabog ngunit hindi pa ‘rin naaalis ang sakit sa katotohanang patay na si Ava. Napapikit ng mariin si Stella at napatingala ng maalala niya ang huling tagpo nila ni Ava. Napansin ni Ace ang naging kilos ng asawa kung kaya naupo ito sa tabi niya at niyakap. “Wife, magiging ayos ‘din ang lahat.” Tila napantig ang tenga ni Stella dahil sa narinig at tumingin kay Ace. “H-Hindi magiging ayos ang lahat! Wala na si Ava, Alas! Wala na si Ava!” Natigilan si Ace dahil sa sinabi ng asawa at kitang-kita niya a
“MOMMY?” Sumilip si Princess sa loob ng kwarto ni Stella at Ace at doon ay nakita niya ang kaniyang in ana nakaupo sa isang single sofa na nakaharap sa bintana kung saan nakatingin ito doon na tila napakalayo ng tinatanaw. Pumasok ito sa loob at naglakad papalapit sa ina. “Ang sabi po ni daddy hindi ka pa kumakain.” Mahinang sabi nito kay Stella ngunit wala siyang natanggap na sagot. Napabuntong hininga si Princess, dalawang linggo na ang nakakalipas magmula ng ilibing si Ava at dalawang linggo na ‘rin ang nakalilipas magmula ng mawala ito sa kanila. Dalawang linggo na ‘ring ganoon si Stella, tahimik. Hindi makausap ng maayos, hindi kumakain ng maayos at palaging nakatulala. Lahat ng mga nakapaligid sa kaniya ay nag-aalala na lalo na ang kaniyang mag-ama. Hindi nila alam kung anong kausap ang gagawin nila kay Stella para matauhan ito na hindi niya kasalanan ang lahat. Lahat sila ay nalungkot sa pagkawala ni Ava ngunit mas nalungkot sila nang unti-unti na ‘ring nawawala sa kanila s
“HAHAHA!”Pumalibot sa buong kwarto ang malakas na tawa ni agent Tiger o mas kilala nila sa pangalang Eduardo nang makita sa balita ang bumagsak na eroplanong sinasakyan ni Stella. Ang mga tauhan nito ay nasa isang tabi at nakamasid lamang sa kanilang amo na tuwang-tuwa sa ginawa.“Akala mo ba Stella makakalimutan n akita?! Hahaha!” malademonyo kung tumawa, mala demomonyo kung umasta. Takot sa kaniya ang mga tauhan nito dahil kapag kinalaban nila si Eduardo ay siguradong katapusan na ‘rin ng kanilang buhay. Ang hindi alam ni Don Enrique ay mas masahol pa sa kaniya ang tauhan.Napahinto sa pagtawa si Eduardo at napatingin sa isang tauhan. “Hoy ikaw! Pumunta ka ngayon sa airport at makibalita kung makikita ang katawan ni Stella! Siguraduhin niyong patay na siya dahil kung hindi kayo ang mamamatay!” agad na sumunod ang tauhan kay Eduardo dahil natakot sila sa banta nito.Pagkaalis ng mga ito ay inilipat ni Eduardo ang channel at lumabas doon ang isang live kung saan ay natigilan siya ng
“TAMA nga ang hinala mo Stella,” Napasandal si Stella sa lababo ng restroom na pinasukan niya matapos niyang magpaalam kila Ace kanina. “Alin doon ang tama Theo?” naaaliw na tanong niya dito. Hindi totoo na nawawala si Theo, siya ang nagbigay ng impormasyon kay Philip tungkol sa lead na mayroon sila kay agent Tiger. Alam niya na si Theo ang gagamitin nito upang puntahan ang pekeng lead na ipinabigay niya kung kaya ginawa nila iyong paraan upang magpanggap na nawawala ito. Nagpanggap siya sa harapan nilang lahat upang hindi siya mahalata. “Tama ka na pinapasundan ka ni Philip, kapapasok lang sa loob ng tatlong agent.” Hindi na magugulat pa si Stella, walang binanggit sa kaniya na pababantayan siya gayong alam naman niyang nasa panganib ang buhay niya kaya napaka-impossible na hindi siya pababantayan ng mga ito. “Hindi lang iyon,” napatayo siya ng maayos dahil doon. “Tama kang may ginawang kababalaghan si Eduardo sa eroplano. Nakikita ko na ang malaking damage sa eroplano Stella.” N