Share

Chapter 127

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa katawan ko. Minulat ko ng dahan-dahan ang mata ko at tumingin sa gilid, nakita ko si Lola Rheya na naglalakad palibot sakin na may dala-dalang tabo.

Pansin ko naman ang suot ko ngayon, tanging panty at bra lang. Nakahiga ako at nakatali ang dalawang kamay ko pati paa kaya hindi ako makagalaw pero wala namang kahit na anong tinakip sa bibig ko. Ano pa nga bang silbi ng bibig ko eh, hindi naman ako makahingi ng tulong. Kahit anong sigaw ko walang tutulong sakin, walang ibang makakarinig sa boses ko kundi sila lang dito.

Napadaing naman ako dahil sumakit ang ulo ko bigla, dahil siguro don sa pagpalo nito sakin kanina. Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong maliwanag pa sa labas. Iwan ko ba kung ilang oras akong nawalan ng malay sa haba ng panaginip ko, di ko an rin natatandaan lahat ng napanaginipan ko.

"Kailangan mong maligo para mamayang gabi." Biglang saad nito. Napansin niya sigurong gising na ako, nakatingin naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status