Nakatulala siya subalit ang mga luha niya ay nag-unahan sa pagdaloy pababa ng kaniyang pisngi. She has a blurry eyesight because of the tears stuck in her eyes. Tanging ang blurry na shadow ng lalaki ang nakita niyang lumabas mula sa shop.As she blinked, healthy tears dropped from her eyes."Sana hindi mo ako pinigilan kanina, Greta. Ang bastos ng lalaking iyon. Kung makaasta ay parang diyos! Nakakainis!""Lexi, hayaan mo na siya. Tayo na lang ang umintindi sa kaniya dahil sa sitwasyon niya ngayon. He's not in his stable mind kaya siya nagkaganoon," pagtatanggol niya sa lalaki."Pinagtanggol mo pa talaga. Kahit na ano pa ang kondisyon niya ay hindi ka niya puwedeng bastusin na lang nang ganoon na lang, Greta. Ano ba ang nangyayari sa kaniya?"Huminga siya nang malalim. Kahit hindi pa oras ay hininto niya ang kaniyang pagluha. "May temporary amnesia si Parker, Lexi," tugon niya sa kaibigan. Nanlaki ang mga mata ni Lexi nang marinig nito ang sabi ni Greta. "Totoo ba?""Oo, Lexi. Iya
Hapon na. Inayos ni Greta ang kaniyang sarili. Ang kaniyang medyo tuwid na buhok ay tinali niya na para bang ensaymada sa likod ng kaniyang ulo. Hinubad na rin niya ang kaniyang suot na apron. Kinuha niya ang salamin at agad niyang niretouch ang kaniyang make up. "What's with you, Lexi? Grabe ka naman makatingin sa akin. Are you accusing me of something?""Nakakatawa. Iba ang hatak ni Nate ah! Fluent na fluent ka na talaga magsalita ng ingles dahil sa kaniya. Naimpluwensyahan ka na talaga niya. Sana pati ang puso mo ay maimpluwensyahan niya. Jowain mo na kasi.""Lexi, ito na naman tayo sa usaping ito. Palagi mo na lang pinipilit sa akin si Nate."Bumuntong-hininga ang kaniyang kaibigan. "Bigyan mo ng chance ang tao. Hindi mo ba nakikita ang mga effort niya? Alam mo ba na mas mabuti pa nga siya kaysa naman sa Mr. Amnesia na iyon, ano! Si Nate ay nakikita ang halaga mo, samantalang si Parker naman ay walang pakialam sa iyo. In fact, tinutulak ka na niya palayo, Greta. Ano pa ba ang da
Sumugod sa ospital si Megumi. Nasa isang pribadong silid ang bata dahil sa tulong ni Nate. Hindi mapakali si Greta. Gusto niyang humagulhol pero wala na siyang luha na maipalabas myla sa kaniyang mga mata. Mabuti na lang dahil agad na nadala ang anak niya patungo sa bahay-pagamutan. Nakaupo si Greta ngayon sa tabi ng anak niya habang ang dalawang kamay ay parehong nakatukod sa magkabilang bahagi ng kaniyang noo. She stood up as she felt uneasy. Para bang nalilimutan na niyang huminga nang malalim. Megumi was never put to situation like this kaya naman ay halos mabaliw si Greta. Tinanaw niya ang kaniyang anak. Walang-malay ang bata at maraming aparatus ang nakakabit sa kaniya. Hindi batid ni Greta ang gagawin niya. Ang puso niya ay para bang pinipiga dahil sa kaniyang napagmasdan. Kung walang oxygen na nakasuporta sa paghinga ng anak niya, malamang ay wala na ang anak niyang minamahal."Greta?"Kung hindi pa nagsalita sa tabi niya si Nate ay hindi niya namalayan na nakapasok na ang
Natapos na ang isinagawang tests sa kaniya at ng anak niya. Gising na rin si Megumi matapos ang ilang araw subalit mahina ito. Nakatulig na rin ang bata matapos itong kumain.Kinakabahan si Greta dahil posibleng hindi siya mag-match bilang fonor ng kaniyang anak."Greta, kanina ka pa palakad-lakad at parehong destinasyon lang naman ang pinupuntahan mo. Umupo ka na nga lang at ako na ang sumasakit ang ulo sa ginagawa mong iyan."Tumigil siya sa paglalakad. Tumingin siya sa kaibigan niya. "Paano kung hindi kami mag-match ni Megumi, Lexi? Ano ang puwede kong gawin?" tanong niya sa kaibigan. Umupo si Greta sa tabi ni Lexi. "Huwag ka nang nag-iisip ng negatibo, Greta. Tumigil ka sa pagiging nega mo! Ibalik mo ugali ng Greta na kasama ko sa club noon, palaging nag-iisip ng positibo. Ang gawin natin ay magdasal para sa magandang results ng tests na isinagawa sa inyo ni Megumi."Kahit papaano ay napagaan ng kaniyang kaibigan ang ang loob niya. Ngayon niya lang din napagtanto na ang layo ni
Hindi siya nakapagsalita. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit na mayroon siya sa puso niya. This time, ang kailangan niya ay hindi ilabas ang mga salitang nasa utak niya. Ang dapat na gawin niya ay magpakumbaba at maging manhid laban sa mga masasakit na salitang ibabato ng babae sa kaniya.Lumapit sa kaniya si Lish Anne at agad siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa. "Ano ang sadya mo?" Kasabay ng kaniyang pagtitig sa mga mata ng kausap ay ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Tulungan mo ako, Lish Anne. Kailangan ko ang tulong mo," sabi niya. Lish Anne laughed sarcastically. "Saan na ba iyong tapang mo at bakit desperate kang humingi ng tulong sa akin? Inahas mo ang asawa ko at nagkaanak ka pa sa kaniya. Pilit mo ting isiksik ang mga sarili niyo sa asawa ko. What do you expect me to do? Inaasahan mo na tutulungan kita?""Lish, para sa anak ko. Ina ka rin at alam ko na gagawin mo rin itong ginagawa ko. Gagawin mo ang lahat para sa anak m-mo."Huminga nang malalim si Lish An
Hindi siya mapakali sa labas ng OR. Natatakot siya na baka mapahamak ang isa sa mga bata. Ang tanging nagawa na lamang niya ay pag-isahin ang mga kamay at marahan niyang pinamasahe sa isa't isa ang mga kamay niya. Siya ay napatingin na lang kay Jaye nang pinatong ng lalaki ang kamay nito sa mga kamay niya. Naramdaman niya ang init ng palad ng lalaki. The man squeezed her hands and it made her stare at the man's face. Nakangiti sa kaniya ang lalaki kaya naman ay puwersa siyang ngumiti. "Nate, natatakot ako kasi baka mapahamak ang isa sa kanila.""Hindi iyan, Greta. Parehong matatag ang mga bata. Isa pa ay mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi kasi kaugali noong si Mattina si Keila. Maganda ang puso ni Keila. It was obvious that she has a great love to your daughter."Tama si Nate. Naalala ni Greta ang mga panahong magkasama ang dalawang bata. Kung gaano ka-sama ang ugali ni Mattina ay kabaliktaran iyon ng ugali ni Keila. Mahal niya si Megumi. Dumalaw na naman sa isipan ni Greta a
Nanatili siyang nakatalikod sa lalaki. Hindi niya pa rin alam kung ano ang kaniyang pasya. Malakas ang tibok ng puso niya. Kung kailan ay unti-unti nang humihilom ang puso niya ay roon naman siya sinusubukan muli ng tadhana. "Miss," tawag ulit ng lalaki sa kaniya.May kung anong materyal sa boses ng lalaki na naging dahilan upangbsiya ay lumingon dito. bumalik na naman ang tikas ng lalaki at kaguwapuhan nito. Umiling siya at sinubukang umarte nang nornal. "Yes? Ano ang kailangan mo?" Sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng tinig. Kanina kasi ay literal na nawalan siya ng boses. Kinilatis ng lalaki ang kaniyang mukha. Parang ito ang unang pagkakataon na nakita siya ng lalaki. Tumikhim si Greta. Ang lalaki naman ang para bang nahipnotismo niya. "Sir, nagmamadali ako. Busy akong tao at kung wala kang sasabihin ay aalis na kami ng anak ko," sabi niya sa lalaki. "Bakit hindi mo na kami ginugulo?" biglang tanong ng lalaki.Hindi napigilan ni Greta ang pataphaw na pagtawa niya. Ano ang ibig
Hinayaan niya lang ang magmaneho patungo saan. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar na ito. Bigla siyang natakot na baka ay saktan na naman siya ni Parker. "Parker, ano ang plano mo? Saan mo ba ako dadalhin? Ang layo na natin," sabi niya.Tumitig sa kaniya ang lalaki. "Relax, hindi naman ako katulad ng iniisip mo. Hindi rin ako tulad ng mga lalaki sa bar na iyon kanina na bastos. Alam ko kung saan lang ako hanggang," sabi ng lalaki.Ang ironic. Ito siguro ang epekto ng amnesia ni Parker. Maging ang pagiging manyak at babaero nito ay nalimutan na niya. Gustong matawa ni Greta dahil doon. "What's funny? Hindi ka ba naniniwala sa akin?""Yeah," maikling tugon niya. Binalik ng lalaki ang kaniyang atensyon sa pagmamaneho. Hindi na ito muling nagsalita pa. Ilang metro pa ang binyahe nila bago muling narinig ni Greta ang buntong-hininga nito. "Ano ba talaga ako noon?" bigla nitong tanong. Umirap si Greta. Binato niya ang titig niya sa labas ng kotse. Puros ilaw lamang ng mga sasakyan at i