Share

Fifty Five

Mj

Nakamulat ako sa sunod-sunod na ingay ng paninilaok ng aming alagang tandang. Sinundan pa iyon ng mga sagutan ng iba pa na nakakabulabog sa buong kabahayan.

Pagkagising ko ay ibang pakiramdam agad ang sumalubong sa akin. Parang bumabaliktad ang sikmura ko sa mga oras na iyon.

Parang hinahalukay sa loob at parang gusto ipaluwa sa akin. Nang hindi ko na mapigilang ay nagmamadaling pumunta ako ng banyo.

Naduduwal na talaga ako!

Hindi nga ako nagkamali dahil eksaktong pagdating ko sa banyo ay parang umiba ang lasa ng laway ko. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na pagduduwal ang aking ginawa.

Matagal pa bago muling umayos ang aking pakiramdam. Halos maisuka ko na lahat ng kinain ko kagabi. Para ngang kulang pa e, kasi parang gusto ko na din isuka ang aking lamanloob!

Hinang-hina akong umupo sa isang tabi at hinihilot ang aking tiyan. Naalala kong kumuha ng mainit na tubig sa thermos at lagyan ng konting asin. Iyon ang pansamantala kong iiinumin upang kahit papaano ay kumalma at the same t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status