Share

Fifty Four

~~

"W-what happened? N-nasaan ako?

Tigagal na wika ni Shella Mae nang makagising ng umagang iyon. Dala siguro ng labis na pagtataka at kuryusidad kaya napabulalas ito matapos imulat ang mga mata.

Gising na ako ng mga oras na iyon. Sa katunayan ay nasa isang tabi lang ako at nakaupo habang nagkakape. Siya na lamang ang hinihintay kong magising para malaman na niya ang naganap kagabi.

Pasado alas onse na nang makaalis kami sa bar na iyon kaya minabuti kong matulog na lang sa isang motel kasama si Shella Mae.

Hindi naman ako hahanapin ni Yaya Marie dahil nakagawa na naman ako ng script para rito at iyon nga, paniwalang-paniwala si Yaya na nasa bahay nga ako ni Jaspher natulog.

Pero ang totoo, ibang Jaspher ang kasama ko at katabi matulog kagabi.

Daig pa ni Shella Mae ang nakakita ng multo nang makita ako roon at tinitingnan siya. Gumapang din ang malaking takot sa mukha niya matapos makitang nakatapis lang ako.

Nakaligo na kasi ako ng mga oras na iyon at nagpasyang magpatuyo ng katawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status