Share

Forty Six

Jaspher

Isang ring ng cellphone ko ang gumising sa aking isang mahimbing na tulog ng tanghaling iyon.

Pagkauwi ko galing ng school ay para akong dinuyan ng antok na nakatulog sa kama. Pagdating na pagdating ko sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko dahil bumibigat at humahapdi ang mga mata ko kanina.

Sinipat ko ang nakakabulabog na tunog ng chat alert tone ng phone ko. Binasa ko ang mensahe.

>> Saan ka parr? Kasama mo ba si Jarred ngayon?

Kahit kakamulat ko pa lang ay obligado akong sagutin ang chat ng kaibigan. Baka kasi importante iyon dahil bihirang magchat sa akin si Lance.

>> Nasa bahay parr, sa kwarto ko. Hindi ko kasama si Jarred. Pagkakaalam ko ay may lakad sila ng jowa niya.

Message sent.

Matiyaga kong hinintay ang reply niya.

>>Sana all. (Cute emoji). Ahmm, hindi siguro matutuloy ang birthday gala ko bukas dahil maysakit ang mama ko. Trangkaso ata parr, kaya cancel muna plano natin. Siguro next time na lang tayo gumala.

Nalungkot naman ako pero wala na din akong magawa. Alam ko kung gaano nito kamahal ang ina kaya mas uunahin nito ang kapakanan niyon kesa sa ano pa man.

>>Walang problema parr, naiintindihan kita. Sasabihan ko na lang si Jarred tungkol dito.

>>Naichat ko na sa kaniya ang tungkol dito. Okay na. Sige parr, sorry sa istorbo.

>>It is okay, basta ikaw parr, walang problema. Advance happy birthday na lang.

>> Salamat. The best ka talaga.

>> Haha. Sige parr, tulog na muna ako ulit. Nakakaantok e.

>>Sige. Sleep well.

Iyon lang at naglog out na ako. Kagigising ko lang pero sobra na namang antok ang nararamdaman ko.

Muli akong nahiga at pumíkit.

★★★

MJ

Katulad ng napag-usapan ay sinundo na nga ako ni Lance sa boarding house bago pa man pumatak ang alas singko ng hapon. Bago pa man pumarada ang kotse niya sa tapat ng gate ng malawak na lugar na iyon na puro boarding house na nakahilera ay kanina pa ako nakapagayos.

Masasabi kong ready to go na ako ng mga sandaling iyon. Nakasout lamang ako ng isang sky-blue na sundress at nakasout ng dull shoes na kulay red na bumagay naman sa akin ang kulay at moods.

Bumagay ang sout kong iyon sa hindi naman kaputiang kulay ng kutis ko. Nakaharap ako noon sa isang matangkad na nakatayong salamin sa tabi ng maliit na sala ng boarding house ko nang marinig ko ang sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas.

Wala naman akong dapat asahan na ibang bisita kaya kilala ko na agad kung sino iyon.

Kumaway muna ako nang makita kong dumungaw siya mula sa loob ng kotse niya. Isang matamis na ngiti naman ang iginanti niya sa akin na lalong nagpapakabog ng dibdib ko sa paghanga.

Kitang-kita ko ang mapuputi, pantay-pantay at pinong ngipin niya na lalong mas dumagdag sa kagwapuhan ng binata. Hindi ko tuloy mapigilang mapapitlag sa tuwa.

Gayunman, sa kabila ng kakaibang saya na iyon ay pinilit ko pa ding pigilin na huwag umapaw sa dibdib ko ang lahat ng nararamdam kong iyon.

Sinikap ko pa ding maging natural ang kilos habang kaharap siya. Sandaling lumabas ang binata sa kotse niya at umibis upang ipagbukas ako ng pintuan ng kotse sa kabila.

Pakiramdam ko ay isa ako sa mga sikat ng bida ng Disney Princess like Cinderella, Snow White o ni Barbie kung utrati nito.

Kunsabagay ay hindi naman iyon nakapagtataka. Nobya siya nito at nobyo niya ito. What any special treatment she received from him is all natural and she deserved it from her lover.

Kung paano siya sweet sa akin noon nang siya ay nanliligaw pa lang sa akin ay mas dumuble ito ngayon. It happened that I have been greatly more in love with him each day.

Palagay ko nga ay unti- unti ko nang nakakalimutan si Jarred. Halos wala na ang dating nararamdaman kong pananabik sa kaniya. Everything about him, memories with him are all deleted.

Hindi ko namalayan na napahinto pala ako sa paghakbang na hindi naiwasang mapansin ni Lance.

"Why? Is there something you forgot?" Nagtatakang usisa niya sa akin na siyang nagpabalik sa parang nawala kong diwa.

"N-no! I mean wala naman. May bigla lang akong naalala." Pagdadahilan ko na lamang at nginitian ko siya para pawiin ang lahat ng kaniyang pagtataka.

"I bother to know what it is."

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, mas lalo na ang paghawak niya sa braso ko nang akma akong papasok na sana sa loob ng kotse. Instinct na natigilan ako dahil sa pagkabigla sa naging reaksiyon.

Napasulyap ako sa kamay niyang mabigat na nakahawak sa kamay ko. Ramdam ko ang bagsik ng pagkakahawak niyang iyon, bihira kasing maging ganoon si Lance sa akin.

Madalas, kapag hinahawakan niya ako o hinahaplos sa kahit saang parte man ng katawan ko ay ramdam ko na puno ng pagmamahal iyon. Bawat sandaling lumalapat ang mga kamay niya sa aking balat ay naroon ang respeto, pag-iingat at naiibang pagtangi sa isang babaeng kagaya niya na bihirang-bihira lamang sa mga lalaki.

But he looks different now. The way she held me and grabbed my hands is rarely different from the way he treated me in the past and early days.

I even see negative emotions in his eyes! A kind of emotion I have never encountered before and I have never been expected to come from him alone!

Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng takot laban sa kaniya. Isang takot na ngayon ko lang naranasan in my entire life.

Parang napaso naman si Lance ng tingin ko at parang nahimasmasan kaya agad din akong binitiwan.

"Oh... I'm sorry for what I have done... I guess na nabigla lang ako..." Hindi magkadantutong paliwanag niya at hingi ng dispensa. Nabasa niya siguro ang mga takot sa mga mata ko kaya dagling nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya.

"Kindly get inside. We have a lot of time just to waste this misunderstanding." Mando niya sa akin na punong-puno ng awtoridad.

Napasunod naman ako kahit shocked pa din sa naging reaksiyon niya. Tahimik akong umupo sa front na katabi ng driver seat kung saan siya nakaupo.

Tahimik niyang ini-start ang makina ng kotse niya.

Tahimik din ako sa isang tabi na walang kakibo-kibo. Ni hindi ko din siya kinakausap o sinusulyapan. Pabalik- balik sa isipan ko ang mga naging reaksiyon niya kanina.

★★★

Lance

Kahit man ako ay nagulat sa aking naging reaksiyon kanina. Hindi ko inakalang iyon ang maisalita ko kay Mj at maging ang ginawa ko ay kagulat- gulat din.

Hindi ko alam kung nadala lang ako ng emosyon dahil sa klase ng sagot niya. Pwede din naman kasing nagselos lang ako dahil noong minsang gumala kami ay palagi niya pa ring bukambibig si Jarred. Kahit ako ang kasama niya ay madalas niya paring nababanggit ang pangalan nito.

Hindi ko pa naman alam na si Jarred nga ang palagi niyang iniisip pero Hindi ko maiaalis sa sarili ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang isipin na baka nga mahal pa din niya ang lalaking iyon.

Minsan na din niyang ikinuwento na matagal silang maging magkasintahan noon. Halos apat na taon daw ang itinagal ng pagsasama nilang dalawa bilang magkasintahan. Hindi ko nga inaakalang matagal nang may koneksiyon ang dalawa.

Kunsabagay ay sapat ang nakita ko sa hospital noon. Doon pa lang ay aminado na akong may matagal nang relasyon ang dalawa at hindi nga nagkamali.

Marahas kong inalis sa isipan ko ang ang mga iniisip na iyon at nagpokus sa aking pagdadrive.

Paminsan-minsan ay ninanakawan ko ng sulyap si Mj na katabi ko lamang at tahimik na nakaupo habang ako naman ay tahimik na nagmamaneho.

Mabagal lamang ang aking pagpapatakbo sapagkat Hindi ko naman kaylangang magmadali. Hindi naman kalayuan ang Parañaque kaya hindi ko kaylangang madaliin ang aking pagmamaneho.

Nitong nagdaang araw lang ay dinala ko siya sa bahay ng mga tumayong mga magulang ko. Magiliw naman siyang tinanggap ng mga ito at malugod kong ipinakilala sa kanila.

Tuwang-tuwa sina Uncle Rodrigo Auntie Estrella sa nobya ko. Nakita ko kung paano nila siya magiliw na pinakisamahan at kahit bago pa lang nila nakita at nakasama si Mj ay parang close na sila sa isa't isa.

I feel they are too comfortable for each other. Inilibot nila ang nobya sa kabuuhan ng tila mansiyon naming bahay kung saan ako nakatira.

Nagkatuwaan pa sina Mommy, I mean Auntie Estrella na doon na mananghalian. Palibhasa ay ngayon lang nagawi doon, hindi na nakatanggi pa ang dalaga. Parang nagbonding ang dalawa sa mga oras na iyon dahil silang dalawa mimso ang naghanda ng tanghalian namin.

"Are you okay?" Kahit malayo man ang tinatakbo ng isip ko ay nagawa ko pa ding tanungin ito dahil mga 15 minutes na kaming hindi nagkikibuan.

I hate this kind of moment when I have company but it feels like I am alone and she's out of existence!

Hindi sumagot si Mj at nanatiling nakadungaw sa bintana. Daig pa niya ang connection na hindi ko maabot. Para kaming walang attachment sa isa't isa ng mga sandaling iyon.

Pakiramdam ko nga ay mapapanis ang mga laway naming dalawa hanggang sa makarating kami ng Parañaque kaya ako na ang nag first move.

Para namang kinurot ang puso ko nang parang tila lumamig ang pakikitungo nya sa akin ng mga oras na iyon. Hindi ako sanay sa cold treatment o sa pangii-snob kaya para na naman akong nagdidileryo sa init ng ulo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status