Share

Forty Three

Mj

Kanina ko pa tinatanong si Liza kung ano ang sasabihin nito pero parang wala naman itong balak sabihin iyon sa akin. Medyo nakakaramdam na din ako ng pagkaasar sa kaibigan ko dahil kanina pa ay hindi pa niya ako magawang deretsuhin.

Ano ba talaga ang gustong sabihin nito? Kakaiba ang takot na nakalarawan sa mukha nito sa tuwing tatangkain nitong sabihin ang nasa loob nito. Narinig ko kanina na nabanggit nito ang pangalan ni Jarred.

Maraming bagay ang naglalaro sa isipan ko kanina habang pautal-utal siyang nagsasalita. Hindi kaya ay may relasyon na ang dalawa at matagal na pero hindi ko lang alam? O pwedeng ding buntis ito at si Jarred ang ama? Ano ba kasi iyon, Lizzzaaaaa?

"Ano nga ba kasi iyon at parang hindi ka mapalagay na masabi?" Untag kong muli na napasulyap sa cellphone upang i-check ang time. "Ano ba ang tungkol kay Jarred na dapat kong malaman?

"Eh kasi nga, matagal na kaming magkakila—" naputol bigla ang sasabihin ng babae nang bigla ay may tumawag sa phone ko.

Awtomat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status