GABI na nang ganap na maihatid ni Jake si Arianne sa tinutuluyang dormitory. Mula kasi sa kanilang dinner date ay nagpasya si Jake na ipasyal siya sa isang night tourist attraction na sikat ngayon at laging pinupuntahan ng mga turista. Alas diyes na ng gabi ng dumating sila sa kaniyang dormitory. Pumarada ang sasakyan sa mismong tapat ng dormitory niya.Matapos umibis sa sasakyan at pagbuksan si Arianne ay saglit munang nagpaalam si Jake.“Did you enjoy the time?” masayang tanong nito na titig na titig sa kaniya.“Oo naman.” Masiglang tugon niya. “You’d always make things special for me. Gaano man ito kaliit o kalaki, kamahal o mura, you always ended everything wonderful and amazing.”“Thank you for appreciating me.” Malambing na wika nito. “All I want is to show the world how precious you are, how I love you so much. And I don’t want to missed every single second with you.”Ngumiti siya para rito. Knowing that her smile is like a thousand breathe that nourish his man’s heart. Gumanti
ISANG linggo na ang nakalilipas ng umuwi ng Palawan si Arianne. Ilang araw lang ay na discharge na rin sa ospital ang kaniyang ama at nagpapahinga na sa kwarto nito sa kanilang bahay. Hindi na sila pumayag na doon pa sa ospital mamalagi ang kaniyang Itay dahil sa laki ng ospital Bill at mga apparatus fee na kaylangan sa araw-araw na medication finding na kaniyang ama. Baka maubos lahat ng naipon niya at nangangambang mahinto sa pag-aaral ang kaniyang kapatid na si Joshua. Kakaunti lang ang perang naipon niya at nababahala siyang baka mamulubi sila sa laki ng bayarin sa ospital. Hindi na rin pumayag ang kaniyang ama na maoperahan siya. Hindi na nila ito napilit dahil baka lumala lang ang sakit nito sa sama ng loob o pamumublema ng pera kung saan sila kukuha ng ipambabayad sa operasyon.Halos gabi-gabi ay palihim siyang umiiyak dahil sa nangyari sa Itay niya. Ayaw niya lang itong ipahalata sa kaniyang Inay at mga kapatid o kahit sa sinong mga kamag-anak niya.Maging ang tungkol sa sinabi
HINDI na nakarecover pa ang Itay ni Arianne sa sakit nito. Matapos ang dalawang linggo ay tuluyan na itong pumanaw sa edad na trenta’y otso. Hindi na rin sila pumayag na ma-operahan pa ito dahil wala silang ganoon kalaking pera kahit magambag-ambag pa sila para sa operasyon nito.Napakasakit nang nangyari sa pamilya niya, mas lalong higit sa kaniya. Pakiramdam niya ay nawalan na siya ng gana na bumalik pa ng Cebu dahil sa nangyari. Pakiramdam niya ay nabalewala lahat ng mga pagod at pagsisikap niya dahil hindi na niya maipaparanas pa sa ama ang lahat ng mga bagay na pinangarap niya para rito. Halos buong araw siyang nagkulong sa kwarto at hindi kumakain. Parang gumuho ang mundo niya dahil sa pagpanaw ng kaniyang pinakamamahal na ama.Naroong kakatok ang kaniyang kapatid na lalaki upang yayaing kumain na siya, pero nagbingi-bingihan na lamang siya. Wala siyang ganang kumain, kahit pa sabihing kumakalam na ang kaniyang sikmura kanina pa. Hindi pa kasi nakaagahan at noo’y mag-aalas otso n
GANAP na nang isang buwan matapos maihatid sa huling hantungan ang ama ni Arianne. Kahit mahirap, pilit na hinarap ng kaniyang pamilya ang lungkot at pangungulila. Hindi naman sila nahirapan sa pagpapalibing , dahil hindi naman sila pinabayaan ng Hotel uno. Sinagot na ng kaniyang pinagtatrabahuan ang funeral fee ng kaniyang ama. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Arianne dahil sa nangyari. Resulta din siguro iyon ng madalas niyang pagpapapagutom at pagkukulong sa kwarto. Hindi kagaya ng dating masigla at matatag na aura, si Arianne ay larawan ng nalalantang bulaklak at isang punong kahoy na natutuyo ang mga dahon. Lumubog ang mga mata niya, medyo namutla ang kulay ng kaniyang balat at umimpis ang katawan.Gayunman, sinikap ni Aling Leah na maitaguyod ang kaniyang mga anak. Hindi nito hahayaan na matapos lang dahil sa nangyari nag buhay nilang mag-anak. Ang malaking problema pa nito ay ang pantustos sa pag-aaral nina Joshua at Chen-chen. Kahit pa sabihing libreng tuition na ngayon sa k
MATULING lumipas ang mga araw at unti-unti nang nakakarecover kahit papaano ang pamilya Arevalo. Maging si Arianne ay nagpasya na ring bumalik ng Cebu para muling magtrabaho. Inisip niya na mas makabubuti kung malayo siya sa lugar nila para mas mabilis niyang matanggap ang nangyari at the sametime, mabilis maghilom ang sugat. Sigurado siyang mas lalo siyang malulugmok kung nasa bahay lang nila siya dahil mas marami siyang pagkakataon para maalala ang kaniyang yumaong ama.Bagay na hindi naman tinutulan ng kaniyang ina, lalo’t may punta naman siya. Kapag busy na sa trabaho si Arianne, kahit paano ay maililigaw niya ang lungkot at pangungulila. Tatakbo din ang oras nang hindi niya namamalayan. Hindi katulad dito, na habang kinukulong niya ang sarili niya ay mas lalao niyang maiisip ang masasayang sandali na magkasama sila nito. Ang isa inaalala niya ay matagal na siyang wala sa trabaho, kaya’t umaasa siyang may lugar pa siya sa Hotel Uno sa kaniyang pagbabalik.Noon ay kasalukuyang nagl
Sa muling pagtuntong ng mga paa ni Arianne sa kaniyang inuupahang dormitory, ramdam pa rin niya ang nakakaibang ambiance ng pinanggalingan niya. Pakiramdam niya naging anino na niya ang lungkot. Ilang oras lang ang naging biyahe niya pabalik ng Cebu. Maayos naman ang naging flight niya at nakarating nang ligtas.Bago siya umalis sa kanila ay nakausap na niya si Grace patungkol sa pagbabalik trabaho nito. nakausap na rin daw nito Si Blake John maging si Jake Domingo. Wala daw magiging problema sa kaniya dahil nagpaalam naman daw siya ng maayos. Maging ang may-ari ng dormitory na inuupahan niya ay nakausap niya na rin. Sinigurado niyang walang magiging problema sa kaniya pagbabalik. Medyo nagkaayos na rin sila ni Jake nang muli silang nag-usap. Narealized niyang wala naman siyang karapatang mag burst out sa pakikitungo nito sa mga nagdaang araw dahil maging siya ay nagkulang din ng pag update sa lalaki. Naalala niyang hindi niya na nagawa pang makapagtext man lang upang mak
BUONG tiyaga na hinintay ni Arianne ang pagdating ng kaniyang kaibigan. Alam niyang hindi naman ito matatagalan lalo’t may sarili itong kotse na ayon sa nalaman niya ay regalo ng manliligaw nitong foreigner. Kaya naniniwala siya na minuto lang ay nasa tapat na ng kaniyang dormitory ang kotse nito. Sa totoo lang , ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong masdan ang kabuuhan ng dormitory. Lagi kasi ay busy siya at gabi na kung umuwi. Sa umaga naman, ay maghahanda lang siya ng breakfast, maliligo at kakain. Ganoon ang kaniyang daily routine kaya di na niya masyadong napagmamasdan o naisasalarawan ang lugar niya.Malapad ang space sa harapan ng dormitory. Para itong mga nakahilerang room. Nasa 20 rooms ito, ang bawat rooms ay kayang i-oocupied ang limang tao, dahil malalaki ang bedroom ng mga ito. Idagdag pa na two storey ang tulugan. Pero sa napiling room niya ay maliit ang espasyo nito at under improvement. Medyo may kamahalan pero hindi naman naging kabigatan dahil sa maxi
Napag-alaman ni Blake John na bumalik na ulit sa trabaho si Arianne. Bagay na ikinatuwa ng binata. Ang totoo, matagal na siyang may lihim na paghanga sa babae. Noong una pa lang niyang makita ito na papasok ng Hotel Uno, pakiramdam niya ay nakupidong napaibig siya agad dito. Ang kaso, nawalan siya ng pagkakataong manligaw sa babae dahil laging umaaligid-aligid ang mortal niyang kaaway. Lagi din itong nagpapansin sa babae. Hindi tuloy siya makakakuha ng tiyansa na makalapit sa babae. Palagi ding dedma kahit ang mga palipad hangin at panakaw na kindat ay wa epek din sa babae. Hindi naman siya madaya pagdating sa pakikipagkompetensiya sa babae. Dahil nga ay hindi naman siya nabibigyang pagkakataon ng babae, hihintayin na lamang niya ang pagkakataong maka’move’ siya. At titiyakin niyang may hawak siyang alas sa araw na iyon. Nabigo man siya sa ngayon, pero sisiguraduhin niyang siya pa din ang panalo sa huling bahagi ng kuwento. Hindi papayag ang isang Blake John Del Fuego na maging anino a