Share

Chapter 2

Kathryn

Nang mapansin siguro nito na tapos na akong kumain ay nagsalita na rin siya. "Kathryn anak, huwag ka sanang magagalit kay Daddy ha." Panimula nito na parang nahihirapan pa syang sabihin sa akin kung ano ba iyon. 

Nag tatakang tumingin naman ako sa kanya. "Ano po ba iyon Dad?" Hindi na nakatiis na tanong ko kaagad dito. 

Ako ang hindi kasi mapakali sa ginagawa niyang yan eh. Kilala ko kasi na isang napaka prangka na tao nitong si Dad. 

"Pinag kasundo kasi kita sa anak ng kaibigan ko sa negosyo sa susunod na buwan na ang nakatakda nyong kasal" diretso na sabi nito sa akin. Habang walang ka kurap kurap na nakatingin sa akin. Mukhang nag hihintay lang ng magiging reaction ko. 

Agad namang naningkit ang aking mga mata at parang di makakilos dahil sa aking narinig mula dito. 

Ano daw? Ako pinag kasundo sa anak ng kaibigan nya? Ganun ganun lang na sasabihin niya sa akin na parang wala lang dito yun. Ano ako gamit na walang damdamin? Basta na lang susunod sa lahat ng sasabihin nya? Hindi ako makakapayag. Sana hindi na lang ako nag hada hada na magtanong dito kung ganito din lang naman pala ang malalaman ko. Sana hindi na rin lang ako pumayag o kaya ay umuwi dito sa bahay kahit na sobrang na miss ko si Dad. kung nalaman ko lang sana ang sasabihin nito ay baka hindi na ako magpakita pa dito kahit kailan. 

Yung sobrang tuwa ko kanina na sa wakas ay makakasalo ko muli siyang kumain. Bigla na lang naging ganito na para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi nito. 

"Di ako makakapayag na pangunahan nyo ako sa mga bagay na ganyan Dad! Hindi ako isang bagay basta mo na lang ipagkakasundo kung kanino dahil lang sa naisip mo. Anak mo ako. Hindi ako kung sino lang sa buhay mo!!!. " Galit na sigaw ko dito 

"Hindi mo kasi ako nauunawaan anak. Kailangan mo ikasal sa kanya sa lalong madaling panahon. Dahil iyon ang napagkasunduan namin upang mag merge ang company natin sa company nila. Bakit hindi mo maunawaan yan ha? Para din naman sa iyo ang lahat ng ginagawa kong ito eh. Para sa kinabukasan mo." Pagpapaliwanag ni Dad sa akin. 

Ako pa talaga ang hindi makaintindi? Ako pa talaga ang parang may mali sa aming dalawa? Hindi ko kailangan ang pera nito. Kaya kung mabuhay kahit wala ang ipinag mamalaki nitong pera. 

Pero di ako makakapayag sa gusto nya. May sarili akong desisyon at iyon ang masusunod. Hindi na ako bata para lang maging sunod sunuran sa kanya. 

Paminsan minsan na nga lang kami magkita ni Dad tapos ito pa ang ibubungad nito sa akin. 

"Hindi nyo ako pwedeng diktahan sa kung sino ang gusto kong mapangasawa Dad. Napakabata ko pa para ipagkasundo nyo ako sa ganyan. Anong klaseng ama ka!!" Galit kong sigaw dito. 

Wala na akong pakialam kung magalit man ito sa akin o hindi. Basta di niya pwedeng pangunahan ang ganitong bagay sa buhay ko. Kaligayahan ko ang nakasalalay dito. At hindi ang kaligayahan nya. 

Makasarili siya. Sarili niya lang ang iniisip niya. Hindi niya man lang kinokonsidera ang aking nararamdaman basta ang mas lalong yumaman siya yun ang mahalaga sa kanya. 

"Kahit ano pa ang sabihin mo Kathryn wala ng mababago pa doon. Nakapag decide na ako at iyon ang masusunod. Ikakasal ka sa susunod na buwan sa ayaw at sa gusto mo. Ama mo pa rin ako at ako pa rin ang masusunod. Huwag mong subukan ang pasensya kong bata ka!" Galit na rin na sigaw sa akin ni Dad. 

"Sa anak ng kumpare ko na si Daniel Montenegro ka ikakasal ka edad mo rin lang ito at same din lang kayo ng pinapasukang eskwelahan. Baka nga magkakilala kayong dalawa nito eh. Mas maganda yun para hindi mo na kailangan pang kilalanin ito. Kaya wala ka ng magagawa pa." Patapos na sabi nito sa akin. 

Agad namang nag init lalo ang ulo ko ng malaman ko kung sino ang aking papakasalan. 

Ang nerd na iyon? Ang lagi naming binu bully sa school. Ang taga gawa ko ng assignment ko at mga projects. Yung palagi kong inuutusan ng kung ano ano. Ang ginagawang clown sa school ay syang magiging asawa ko daw? Ano ako tanga na papatol sa nerd na iyon. 

Di pa ako nasisiraan ng ulo na magpakasal dito. Ano na lang ang sasabihin ng aking mga kaibigan pag nalaman nila na asawa ko ito. Di pag tatawanan na rin lang ako nila. Hindi ko kakayanin ang bagay na iyon.

Never akong mag papakasal dito. Kahit anong mangyari. Di pa ako nasisiraan ng ulo para maging asawa lang nito. Saan siya nakakuha ng galing nya. Kahit sobrang yaman pa nila ay hindi ako papatol dito

Tsaka isa pa ay may boyfriend na ako. Si Derick na isang basketball captain sa aming school. Hindi ko ipagpapalit ito sa isang nerd lang na katulad ni Daniel. 

Kaya hindi na ako nakapag pigil pa at galit na galit kong sinabi kay Dad na. 

"Kahit kailan di ko matatanggap na makasal sa nerd na yan! Kung gusto nyo kayo ang magpakasal sa kanya total kayo naman ang may gusto nito." Sigaw ko kay Dad na galit na galit. 

Ano sila sinuswerte. Basta na lang mag sasabi sa akin na dapat kong pakasalan ang nerd na yun. Hello di pa nasisiraan ang aking ulo ko upang gawin yun. 

"Tumahimik ka dyan Kathryn. Sa ayaw at sa gusto mo ay mag papakasal kayo sa lalong madaling panahon. Huwag mong ubusin ang pasensya ko na bata ka ha." Galit na sigaw din sa akin ni Dad

Matapos niyang sabihin iyon ay nagmamadali na akong umalis sa hapag kainan. Di ko na kaya pang tumagal doon dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon. 

Anong karapatan niya na makialam sa aking kaligayahan. Buhay ko ito. Di ako makakapayag na basta na lang mag papakasal sa lalaking iyon. Isa itong malaking kabalbalan at kahihiyan para sa akin. Ako na isang kilalang Queen bee sa school ay mapapangasawa lang ng isang nerd na pinag lalaruan lang namin at ginagawang utusan. 

Ano na lang ang magiging reputation ko sa school pag nalaman nila ito? Panigurado na magiging laughing stock ako dito sa campus. Pag chi chismisan nila ako at ku kutyain na rin. Sa isipin pa lang na ganun ay kinikilabutan na ako at sobrang nagagalit na. 

Agad na akong umakyat sa aking kwarto at nagmamadaling pumasok na sa loob nito. Di ko na kayang matagalan pa na nandito sa pamamahay na ito. 

Nag mamadali ko ng inayos ang aking mga gamit. Aalis na ako sa bahay na ito. Di nila ako madidiktahan sa anumang gusto kong gawin sa buhay ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status