Share

Chapter 51

NANG MAKAPAGKWENTUHAN sila patungkol sa insidente at kung papaano na ang settlement, nagpasya na rin si Benjamin na magpaalam. Ngunit tila ayaw niyang umalis dahil naroon pa rin si Silver, kaya nakaisip siya ng paraan upang maisama ito sa pagalis nila sa bahay ni Evie.

"Com'on! Just a few drinks! I know you've been so tired, and so am I!" pilit nitong pagaaya kay Silver.

Tumanggi na si Silver, pero pinipilit pa rin siya ni Benjamin. At gusto sanang umawat ni Evie dahil alam niyang bawal uminom si Silver ng marami, perp hindi na lamang siya umimik. Dahil naisip niya rin na ito lang ang paraan para mapaalis ito ng apartment niya.

Kaya kinuha na ni Evie ang mga damit ni Silver at inabot ito sa binata.

"Go on! Have some drinks, you boys! I need to rest too." payak niyang pagngiti na tila pinalalayas na niya ang mga ito. Masyadong awkward para sa kanya ang magkakasama sila lalo sa bahay niya.

Masama man ang loob, bagsak balikat na lamang kinuha rin ni Silver ang mga damit niya at nagbihis.

Tila nangingiting tagumpay naman si Benjamin ngunit hindi nagpapahalata.

"Have some rest." pagpapaalam na nito kay Evie na nasa bukana na sila ng pintuan.

Palabas na rin si Silver ng bahay pero halatang masama ang timpla nito. Hindi malaman ni Evie kung gusto niyang maawa o matawa rito.

"Thank you ulit. Huwag kayo pakalasing ah." saad pa ni Evie ng makalabas na si Silver.

"Maglalasing ako." pagmamaktol pa nito.

Tila nainis naman si Evie rito. Hindi niya sigurado kung tototohanin ba nito ang sinabi sa kanya. Gusto niyang maging concern at sawayin ito but there's something stopping her.

"Bahala ka. Ikaw naman mahihirapan." tila pagtataray na lang niya.

Humarap naman si Silver sa kanya at tila nagkakasukatan sila ng tingin.

"Talaga!" tila inis ito. "At ikaw!" lumapit pa itong mabuti kay Evie na gahibla na lang ang pagitan nila. "Magpahinga ka na mommy." at mabilis na hinalikan si Evie sa labi na parang kumurap lang.

Hindi na iyon nakita ni Benjamin dahil nauna na itong naglakad palayo.

Natameme na lang si Evie at hindi na umangal. Minamasdan na lamang niya ngayon ang papalayong imahe ni Silver.

Napabuntong hininga na lamang siya bago sinara ang pintuan.

Hindi niya mawari kung bakit nakakaramdam siya ng panghihinayang samantalang yun naman talaga ang gusto niya, ang umalis ang dalawang yun sa apartment niya dahil naiilang siyang magkakasama sila.

Even with Silver, as much as she wants to avoid him, it made her more missing him.

NAG-CONVOY sina Benjamin at Silver patungo sa pinakamalapit na bar na alam ni Benjamin.

"Long time no see, Sir!" baritonong bati ng malaking lalaking bantay sa entrance kina Benjamin ng makalapit sila rito.

"Oo nga eh, bakante ba?"

"Para sa inyo Sir, bakante yun!" tila napansin nito si Silver. "Iba yata -- kasama niyo Sir?"

"Ah! Oo." pagbaling pa nito kay Silver at umakbay rito. "He's one of my best friends too." natutuwa pa nitong pagpapakilala kay Silver.

Tahimik lang naman si Silver na halatang napipilitan sumama kay Benjamin. He rather stay at Evie's house.

Halata namang nadismaya ang reaksyon ng lalaking bantay sa entrance at na-gets naman kaagad ito ni Benjamin.

"Pasensya na, Rick. Hindi nakasama si Evie, next time pagpunta ulit namin, kasama na namin siya." pagsigurado pa ni Benjamin na kinataka ni Silver.

Napayuko at iling na lang si Rick at sumenyas na lang na pumasok na sila sa loob.

Pumasok sila at kaagad na naupo sa bar area. At dahil first time ni Silver rito, napapalibot siya ng tingin sa paligid.

"May crush kasi yun kay Evie, kaya kami nakilala dito sa bar dahil halatang karamihan nagtatrabaho rito, nagkaka-crush sa kanya." nangingiti pang kwento ni Benjamin.

Napa-smirk naman si Silver. "At sinamantala niyo naman."

Napamasid muli si Silver sa kabuuan ng bar, mukhang may live band mamaya na magpe-perform dahil may nag-a assemble sa may stage sa unahan. Malakas rin ng sounds pa at iilang okupado na ang mga mesa. At dahil hindi pa malalim ang gabi, bakante pa ang bar area na palagi ring pwesto nila Evie at Benjamin kapag narito.

"Anong sa inyo, Sir?" saad na ng bartender ng mapansin sila sa bar area.

Lumingon naman si Benjamin kay Silver na tila nagtatanong ito.

"Ahm, isang bote ng green label." saad naman ni Silver.

Napataas na lang ng dalawang kilay si Benjamin.

"Sige po Sir."

Ilang sandali pa ay inabutan na sila ng isang bote ng green label, dalawang rock glasses at maliit na ice bucket. Inabutan rin sila ng menu para sa pulutan.

"Sisig, liempo, grilled pusit at --" bumaling naman ito kay Silver. "Ikaw ba? Anong gusto mo?"

"Kani salad na lang."

"Sige po, Sir."

Binuksan na ni Benjamin ang bote ng alak nila at sinalinan ang bote ni Silver bago ang kanya. Si Silver naman ang naglagay ng yelo nila sa baso.

"Long time no drinking kayo Sir ah? Hindi niyo yata kasama si -- si madam beautiful?" pasimple pa ulit na tanong ng bartender.

Nangingiti naman si Benjamin at nagkatinginan sila ni Silver. Tila na-gets ni Silver ang pagngiti ni Benjamin sa kanya.

"Next time, kasama na namin siya."

"Sayang naman! Pampagana sana ngayon sa duty." umarte pa itong nadidismaya na kinatawa lang ni Benjamin.

Nakikisabay na lang din si Silver sa tawanan kahit deep inside gusto niyang kutusan itong mga nagkakagusto at naghahanap kay Evie. Mukhang dapat na niya itong bantayan sa susunod na pupunta ng bar.

"Buds?" paghaya ni Benjamin kay Silver ng baso niya.

"Cheers!" at pag-toast nila ng mga baso nila sabay inom.

"How you doing?" panimula ulit ni Benjamin pagkalapag ng baso niya.

"Busy as hell. And you?"

"Same hell." natatawa at naiiling pa ito.

"How is she doing at work then?"

Napahinga muna ng malalim si Benjamin bago bumaling ulit kay Silver.

"I remember the old her, the first months working as my secretary. The very dedicated, work-a-holic and serious Evie I've known before."

Sabay muli silang napainom sa mga baso nila. Tila nagkainteresante naman si Silver sa sinabi ni Benjamin.

"She's just so casual."

Tila nagbubunyi naman ang kalooban ni Silver sa narinig. Benjamin has been so honest, ganito niya din talaga nakilala ito. Kahit may kompetisyon sila, alam niyang they're having a fair fight.

"Are you two -- getting back together?" pagaalangan pa ni Benjamin

"Nope! She's really that tough."

"Really tough! I agree. Hindi man lang lagyan ng malisya ang pagiging sweet at caring ko sa kanya." napailing pa si Benjamin.

Hindi naman malaman ni Silver kung maiinis siya o matatawa sa sinabi Benjamin pero hindi niya mapigilang mangiti.

"Ano pa sa akin di ba?" bwelta pa ni Silver at sabay muli silang uminom ng alak.

Nalihis na ang usapan nila mula kay Evie papunta sa negosyo nila. Sa projects at sa mga sasakyang nauna nilang napagkakasunduan.

Naging panatag at magaan naman din ang loob ng dalawa kahit pa pareho silang pagod at stressed.

"Hi Sir, ngayon lang kita nakita rito." paglapit sa gilid ni Silver ng babaeng server doon sabay paghawak sa balikat niya kaya bigla siyang napalingon doon.

Napatingin rin si Benjamin sa babaeng lumapit kay Silver at halatang hindi niya inaasahan iyon.

"Ruby, Sir. Ikaw?" magiliw na paghaya pa nito ng kamay kay Silver pero nanatiling tahimik ito.

"Silver." baritonong sagot nito na hindi man lang inabot ang kamay ng server sabay inom ng alak niya.

Nang maubos ang laman ng basong inilapag, kaagad siyang sinalukan ni Ruby ng alak roon. Wala naman na din siyang nagawa.

"Hi Sir, long time no see." paglapit din ng isa pang server sa tabi naman ni Benjamin.

"Mimi! Kamusta?" magiliw na bati ni Benjamin rito.

"Okay lang Sir, na-miss kita. Nasaan si madam beautiful?"

"Hindi nakasama eh. Next time siguro."

Napatingin naman si Mimi kay Silver na tila sinusuri ito.

"Bagong tropa mo Sir? Pakilala mo naman ako?" pagkalog pa nito sa balikat ni Benjamin.

"Ahm, yes. This is Silver. Silver this is Mimi."

"Hi Sir! Ang gwapo mo rin noh?" paghaya pa nito ng kamay kay Silver pero natatameme pa rin si Silver na tila nagiiwas ng tingin.

"Ay? Kaso suplado?" pagbawi na ng babae sa kamay niya at bumalik ng tuon kay Benjamin.

"Kaya nga eh, ang suplado. Nakikipag-friends lang naman." bwelta pa nung Ruby.

"Pagpasensyahan niyo na girls, hindi lang sanay itong -- kaibigan ko." halatang nagpipigil ng tawa si Benjamin na napapatingin kay Silver.

Para namang hindi mairi si Silver kung papaano makakaiwas sa mga tingin at haplos ng babaeng server sa kanya. Ayaw naman niya kasing mapahiya ito.

"So Sir Silver, taga saan ka? Bakit ngayon ka lang namin nakita rito?" nakangiti pa ring tanong ni Mimi.

"Ahm, taga Pasig ako eh. Ngayon lang din nagawi dito." pormal pa ring sagot ni Silver.

"Ang layo, Pasig? Buti talaga nakaladkad ka ni Sir Benjamin dito noh?" paghaplos muli ni Ruby sa balikat ni Silver.

"Ahm.."

"Buti na lang wala si madam beautiful noh? Kundi baka hindi mo kami kausapin." saad pa ni Mimi kay Benjamin.

"Hindi naman. Kinakausap ko naman kayo noon di ba? Kami ni Evie."

"Oo nga pero kapag kayo na lang nagkukwentuhan, nakaka-OP na." tila may pagtatampo sa tono nito.

"Ahm, do you want anything to drink?" pagaalok na ni Benjamin sa mga ito.

Napapakunot ng noo si Silver at tila umiiling bago uminom sa baso niya. Napatingin naman sa kanya si Benjamin na tila alam ang ibig niyang ipahiwatig pero hindi niya dininggin.

Um-order ng tig isang lady's drink ang mga server at nakipaginuman at kwentuhan pa rin sa kanila.

"So Sir, ano naman pong negosyo niyo? Paniguradong big time rin kagaya nito ni Sir Benjamin eh. Friends kayo di ba?" tila mapangakit na ang tinig ni Ruby rito.

Napaismid pa ni Silver na hindi malaman kung ano ba ang dapat isagot niya rito.

"Hindi naman big time. Sa constructions lang."

"So nagpapagawa ka ng buildings ganun?"

"Parang ganun na nga."

"Wow! Ang bongga mo rin pala. So, engineer ka?"

"Parang -- ganun na nga rin."

Lalo pumayakap si Ruby sa balikat ni Silver na hindi malaman nito kung papaano iiwas.

"Ang cute mo Sir, masyado ka mahiyain." tila lalo nitong nilalapit ang katawan kay Silver.

Napansin na rin ni Benjamin ang pagiging masyadong clingy ni Ruby kay Silver ngunit hindi niya malaman kung dapat ba niya itong tulungan o hayaan.

"Ahm.." maingat na pag-alis na ni Silver sa braso ni Ruby sa balikat at leeg niya. "May asawa na kasi ako, baka -- alam mo na." saad niya pa rito na halatang kinabigla at dismaya ng server.

"Ay talaga? Akala ko -- single ka pa kagaya ni Sir Benjamin."

"Talaga? May asawa ka na? Bakit -- wala kang singsing?" tila mabilis na bwelta ni Mimi nang marinig yata ang sinabi ni Silver.

Napatingin sa kanya si Silver na tila nabuking. Natahimik lang din si Benjamin dahil hindi niya malaman kung ano ba dapat niyang sabihin sa usaping iyon.

"Ahm, hindi pa nga kasal. Pero -- asawa na turingan namin." paliwanag naman din ni Silver sa mga ito.

"Ahh, so live-in lang kayo?"

"Ahm.." napatingin naman si Silver kay Benjamin na halatang sumeryoso ang mukha habang umiinom sa baso niya. "Hi -- hindi pa rin."

"Ang gulo mo Sir!"

"Ang loyal naman pala ni Sir. Huwag kang magalala, atin-atin lang toh."

Napakunot ng noo si Silver at napatingin kay Benjamin na napatingin na rin sa kanya.

"I don't, if you ever asking." saad naman nito na kaagad rin pinaniwalaan ni Silver.

Nagpatuloy sila maginuman at kwentuhan sa dalawang server hanggang sa naubos ang mga drinks nito at inalisan na sila.

"Ganun lang talaga mga yun dito, nasa sayo naman kung papatulan mo." saad pa ni Benjamin.

"Alam ko naman yun. Pero ayoko lang yung ganung kalapit palagi." irita pang saad ni Silver.

"Hahaha! Mukhang type ka nung Ruby eh. For sure, aabangan ka nun sa susunod."

Napailing at buntong hininga na lamang si Silver bago uminom ulit ng alak sa baso niya.

Nag-inuman na muli sila hanggang sa naubos ang isang bote ng green label. Hindi sila maaaring magpakalasing dahil pareho silang magmamaneho.

"Next time, isama na natin si Evie sa pagbalik rito." saad pa ni Benjamin habang nakatayo malapit sa pintuan ng kotse niya.

"Oo nga, pero mukhang dapat bantayan na." tila natigilan at napaisip ai Benjamin sa sinabi na ito ni Silver. Napagtanto niya ang mga lalaki sa bar na nagkakagusto kay Evie.

"Sa ibang bar na lang pala." at bahagyang natawa naman si Silver sa sinabi ni Benjamin.

"I'll see you around."

"Ingat sa pagmaneho, Silv!"

At sabay na nga silang sumakay sa kani-kanilang kotse at umalis.

Pero nagmamabagal si Silver sa pagmamaneho hindi dahil nakainom, kung hindi dahil nagiisip siya. Iniisip niyang bumalik sa apartment ni Evie ngunit nagaalangan siya dahil baka tulog na ito ngayon at maistorbo niya.

Bandang huli, dinala pa rin siya ng isip niya sa pagmamaneho pabalik ng apartment ni Evie.

Napahinto siya sa may labas lang ng compound. Nagaalangan siya dahil baka hindi siya papasukin ng mga guard kaya nakaisip siya ng paraan.

Nag-drive siya sa pinakamalapit na fast food chain at bumili ng pagkain para sa mga guard.

"Nako Sir, nagabala pa po kayo? Kakilala naman na po namin kayo kasi boyfriend kayo ni Ma’am Evie di ba?" saad pa ng gwardyang nasa bungad ng gate.

Napapangiti na lamang din si Silver rito. "Maliit na bagay lang yan sa sipag niyo po. Pasasalamat ko na rin po sa -- pagbantay kay Evie."

"Parehas na parehas kayo ni Ma’am Evie, Sir. Napakabait din nun sa amin. Lagi kaming binibigyan ng kung ano."

"Salamat po ulit dito Sir ah? Pasok na po kayo."

Yun lamang at pinasok na nga ni Silver ang sasakyan, pinarada niya iyon kung saan nakapwesto ang sasakyan dapat ni Evie ngunit ngayon ay bakante na iyon.

Kahit alangan pa rin, pumanik na si Silver hanggang sa makarating sa labas ng pintuan ni Evie. Napapahilamos pa siya ng mukha at kamot ng batok dahil nagaalangan pa rin siya kung papaano kakatok. Nagaalangan din siya na baka palayasin na naman siya ni Evie rin.

Hindi pa man dumidikit ang mga knuckles ni Silver sa pintuan ay bahagya na niyang naririnig ang pagtahol ni Steve mula sa loob ng bahay.

Lalong nagalangan si Silver sa pagkatok at nakaramdam ng takot. Nilalamon din siya ng hiya at pagaalangan kaya tumalikod na lamang siya at akmang maglalakad paalis.

"Isn't it too late?"

Bigla napalundag ang dibdib ni Silver sa kaba ng may magsalita sa likuran niya. Hinarap niya ito at halatadong hindi niya inaasahan ang pagbubukas nito ng pintuan sa kanya.

"Di ba dapat kayo ni Benj magkasama?" tila nakapadungaw pa rin ito sa pintuan.

"Di ba dapat tulog ka na?"

"Di ba dapat wala ka dito?"

"Eh bakit gising ka pa?"

Napabuntong hininga naman si Evie sa katigasan ng ulo ni Silver ngunit palihim namang natutuwa pa si Silver rito.

"Lasing ka ba?"

"At kung oo?"

"Hindi naman ako naniniwala."

Minasdan pa ni Evie ito mula ulo hanggang paa bago napabuntong hininga na naman.

"Magkape ka muna." yun lamang at tumalikod na ito kay Silver papasok sa loob ng bahay niya. Iniwan niyang nakabukas ang pintuan and that's Silver's queue to get inside.

Dumiretso sila sa kusina at naupo si Silver sa dining. Naghanda naman ng mainit na tubig si Evie habang naghahanda rin ng kapeng ititimpla.

Nilapitan naman ng aso ni Silver at hinimas niya ang ulo nito.

"Kamusta naman ang inuman niyo ni boss? Nasaan siya?" tanong pa ni Evie habang nakatalikod pa rin kay Silver.

"Ewan ko. Naghiwalay na kami ng daan pagkaalis sa bar."

"Eh bakit bumalik ka dito? Di ba dapat dumiretsong uwi ka na?" humarap na ito kay Silver at napasandal sa kitchen counter.

"Ahm.. Pagod na ko mag-drive eh. Nahihilo na ko." tila palusot pa ni Silver.

Napairap naman si Evie rito at napapailing. "Lame. Eh di sana hindi ka uminom ng marami."

"Ayoko naman kasing uminom di ba? Pinilit niyo lang ako."

"Still, lame!" pag-irap pa nito kay Silver sabay talikod ulit sa electric kettle na nakasalang.

"Eh ikaw? Why are you still awake? Nakainom ka na ba ng gamot?"

"Tapos na. Patulog na ko eh, narinig ko lang si Steve tumahol kaya na-curious ako." pagsasalin na niya ng mainit na tubig sa coffee cup. Kaagad niya itong inihatid sa mesa kung nasaan si Silver.

"Thanks. -- Sorry kung nakaistorbo pa ko."

"Oo, istorbo ka talaga." pagupo na rin ni Evie sa katabing upuan sa dining.

Hindi naman napigilan ni Silver mangiti ng bahagya bago sumimsim ng kape niya.

"Pagtapos niyan, umuwi ka na ah." saad pa ni Evie kaya napatingin si Silver sa kanya na tila hindi niya malaman ang reaksyon. "Oh bakit?"

"Nandito palang yung naiinom ko oh? Pinapaalis mo kaagad ako?" pagturo pa nito sa lalamunan niya na naudlot sa paginom ng kape.

"Oo na. Ubusin mo na yan ng makauwi ka na."

"I am at home."

"Tumigil ka Silver. Umuwi ka sa condo mo."

"Tss.." tila inis na ito at sumimsim na lang ng kape.

"Aba? Anong tini-tss tss mo dyan?"

Tila nagsusukatan pa silang ng tingin na dalawa. Si Evie ay tila napipikon na, habang si Silver na nayayamot naman.

Habang umiinom pa rin ng kape, napapansin ni Silver ang panay na hikab ni Evie, mapungay na rin ang mga mata nito at halatang hapo na.

"Matulog ka na. I-lock ko na lang yung pinto --"

"Hindi na, ako na."

Pero imbes na bilisan ni Silver ang pag-inom ng kape, mas lalo niyang binagalan. Kumuha pa siya ng makakain sa kusina at hindi naman na siya pinansin ni Evie dahil nakapayuko na ito sa mesa habang nilalabanan ang matinding antok.

Sinadya yun ni Silver na magmatagal para makatulog na si Evie. Nang mapansin niyang hindi na ito gumagalaw habang nakapadapa sa mesa, sinubukan niyang silipin ito.

"Mommy? Gising ka pa, mommy?" saad pa niya habang tinatanaw si Evie habang nasa likuran siya nito.

Nang hindi na ito sumagot, tinapik-tapik niya pa ang balikat nito pero wala na talaga itong imik.

Hindi niya napigilang mangiti dahil nagtagumpay siya sa gusto niya.

Kaagad niya binuhat si Evie at inihiga sa kama nito, nagtanggal na siya ng damit niya ngunit dumiretso siya ng banyo para makapag-shower man lang.

Pagkalabas niya, sinuot niya muli ang boxer at nakitang mahimbing pa rin si Evie na natutulog. Hindi niya mapigilang hindi mangiti habang minamasdan ito. Mas panatag na siya ngayon at kasama niya ang dalaga.

Walang anuman ay tinabihan na niya ito sa kama. Ito ang unang beses na makakahiga siya sa kama ni Evie. Pinaling niya ang higa ni Evie sa kanya at pinaunan ito sa kanyang braso. Kinumutan na rin niya ang mga katawan nila.

Hinaplos niya ang mukha nito at napapangiti dahil sa himbing ng tulog ni Evie, halos nakapanganga pa ito. Hinalikan niya ito sa noo at mas niyakap sa pagkakahiga nito.

This could be the best feeling he had after a long tiring days of being separated from her.

KAHIT mabigat pa sa pakiramdam, unti-unti naimulat na rin ni Evie ang mga mata. Hindi niya malaman kung bakit tila kakaiba sa pakiramdan ngayon ang tulog niya, mas mahimbing at kahit malamig ang paligid, may kung anong init siya nadarama.

Napakurap-kurap pa siya bago tuluyang napapagtanto kung ano ang kakaiba sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata niya ng tila maramdamang nakapayakap siya kung kaninong katawan. Minasdan niya ang hubad sa pang itaas na katawan na niyayapos at nakayapos rin sa kanya. Tiningala niya ang ulo upang makita kung sino ito kahit pa may ideya na rin naman na siya.

"Tss.. Sira ulo talaga toh." she hissed.

Gusto niya sanang gisingin na ito ngunit napansin niya kung gaano pa ito kahimbing na natutulog habang nakapayakap sa kanya. Sinubukan niyang sundutin ang dulo ng ilong nito ngunit wala naging reaksyon. Hindi naman niya mapigilan mangiti dahil roon.

Aminado siyang nami-miss na niya si Silver, kung hindi lang dahil siguro sa paglilihim nito sa kanya ng katotohanan, hindi siguro siya magdedesisyon lumayo muna rito. Kailangan niya rin kasi makapagisip-isip kung sakali mang matatanggap niya ba ito o hindi. Hanggang ngayon ay nahihirapan siyang magdesisyon.

Bahagyang gumalaw na si Silver na mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya. Kinabigla niya ito kaya napasubsob na yakap na lamang ulit siya kay Silver.

"Silv? Gising na." saad niya pa rito pero wala pa ring imik. "Silv? Tanghali na, gutom na ko."

Sa sinabi niyang yun, pilit na dumidilat si Silver kahit pa halatang wala pa sa wisyo. Napapapikit pa rin ito dahil bahagyang nasisilaw.

"Hmm.."

Palihim na nangingiti si Evie kay Silver pero mabilis niyang inaalis bago pa ito mapatingin sa kanya.

"Gising na."

"G'morning mommy." he said in a very sexy husky tone.

"Hoy? Sabi mo uuwi ka kagabi? Talagang inintay mong makatulog ako eh noh?" pagsita kaagad ni Evie rito habang nakapadapa dantay kay Silver.

"Aga-aga, ang sungit." sagot lang nito habang nakapikit pa rin.

"Bumangon ka na nga dyan?"

"Five minutes."

Napabuntong hininga na lamang si Evie at sinubukang kumawala at bumangon mula sa pagkakayakap ni Silver pero hindi siya hinahayaan nitong makaalis.

"Ano ba? Gutom na ko. Magluluto ako almusal."

"Five minutes." pagmamatigas pa rin ni Silver.

Bumuntong hininga na lang si Evie pero sinusubukan pa rin makawala kay Silver.

"Hindi ako makahinga, teka!" pagpupumiglas pa rin niya kaya niluwagan ni Silver ang pagkakayakap sa kanya pero hindi pa rin siya tuluyang pinakawalan. "Kulit naman neto." tila irita niya pang saad.

"Sungit naman talaga neto."

"Tara na kasi. Gutom na ko." pagmamaktol pa rin ni Evie.

Dumilat na si Silver at nakatingin lang sa kanya.

"Gutom din ako pero iba gusto kong kainin." seryosong saad pa nito kay Evie.

"Sira ulo!" pagtataray pa ni Evie rito at biglang bangon na kaya nakawala na siya sa pagkakayapos ni Silver.

Sumunod na rin ng bangon si Silver sa kanya at ngayo'y parehas silang nakaupo na sa kama.

"Ang aga mo naman kasi manggising eh." pagkakamot pa ni Silver ng ulo.

"Aba? Kung gusto mo palang hindi ka ginigising, sana umuwi ka sa condo mo kagabi!" at pagtayo na ni Evie sa kama.

"Nakainom ako eh, saka inaantok na ko para mag-drive."

"Palusot mo! Tumayo ka na dyan!"

At tuluyang lumabas na si Evie ng silid niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status