Share

Chapter 53

KUNG KANINA AY halos walang buhay at gana si Evie, ngayon puno siya ng sigla at tuwa dahil sa mga supresang ginawa ni Silver para sa kanya.

Nagkwentuhan lang din sila ng tungkol sa ginawa nila sa trabaho sa mga nagdaang araw. Nakwento at ipinakita rin ni Evie kay Silver ang binigay at ginawang surpresa rin ni Benjamin sa kanya.

"Tss.. Mas maganda yung akin noh!" halata mang na-intimidate ito pero dinadaan na lamang sa biro.

"Woo! Siguro may nakapagchismis lang sayo ng ginawa sa akin ni Benjamin kaya gumaya ka!"

"Oy hindi ah? Nag-half day nga ako sa trabaho para lang mahanda lahat ng toh. Nag-extra pay pa ko kay Matt para lang tulungan ako."

"Buti pumayag? Wala siyang date?"

"Mayroon. Ayaw ba niya ng additional pang date?"

Natatawa na lamang si Evie rito at napapailing. Aminado siyang hindi niya maalis ang mga ngiti.

Mas lalo niyang naa-appreciate ang kagwapuhan ni Silver sa suot nitong suit and tie, brushed up hair at clean trimmed beard. Lalo na kapag ngumingiti ito sa kanya, parang gusto na niyang matunaw.

Muling nag-aya ng toast si Silver ngunit kinukuhanan niya si Evie. Kanina pa niya ito pasimpleng kinukuhanan pero dedma na lang si Evie rito. Nag-selfie rin sila na kita ang kanilang romantic dinner at ang background set up nila.

"Thank you, Silv. This is so amazing." matamis na pagngiti at paghawak sa kamay ni Silver na nasa mesa.

"Don't thank me yet, wala pa tayo sa last part ng surprise ko."

"What do you -- mean?"

Napangiti na lamang si Silver rito at pinagpatuloy ang pagkain nila.

Matapos nilang kumain ay tumayo kaagad si Silver at tumayo sa likuran ni Evie.

"Uy? Ano bang --"

"Syempre ito yung pinaka-surprise ko, so dapat, hindi mo muna kaagad makita." paglalagay na nito ng piring sa mata ni Evie.

"Kinakabahan ako sa pa-surprise mong yan ah?" pagaalangan pa ni Evie habang inaalalayan ni Silver na makatayo.

"Trust me, you'll like it."

"Hoy Silver! Baka kabastusan yan ah?"

"What?! Haha! Excited ka sa part na yun? Mamaya na yun mommy."

"Sira ulo!"

Habang nakapiring pa rin, dahan-dahang naglalakad si Evie habang inaalalayan ni Silver ito palabas ng balkonahe, palabas ng kwarto hanggang sa may salas. Pinagbuksan pa ni Silver ito ng pintuan.

"Saan mo ba ako dadalahin?"

"Saglit na lang. Oh dahan-dahan!"

Alam ni Evie na nakalabas na sila ng apartment niya at ngayo'y maingat silang bumababa ni Silver ng hagdanan. Naka-abrisyete pa rin siya kay Silver na maingat rin siyang inaalalayan.

"We're almost there, mommy." saad pa ni Silver na hindi na umimik si Evie dahil sobrang kinakabahan rin siya at nae-excite. Wala siyang ideya sa ginagawa ni Silver kaya mas lalo siyang nakakaramdam ng takot.

"And -- here! Dito ka lang. Huwag kang gagalaw mommy." saad pa ni Silver at inalis ang pagkakakapit sa kanya ni Evie.

Hindi naman din gumalaw si Evie at nanatili kung saan siya iniwan ni Silver.

Naramdaman ni Evie na tila may nasa harapan na niya.

"Silv? Ano pa bang paandar toh?"

"Take off your blind folds, mommy." saad pa ni Silver kaya gayun din kaagad ang ginawa ni Evie.

Mukha kaagad ni Silver ang bumungad kay Evie at tila natigilan ito sa hawak ni Silver na open box.

"A -- ano yan?"

"For you mommy." nakangiti nitong saad habang pinapakita ang open box na may BMW remote key.

Natutulala si Evie at labis na nagtataka. Pinagsasalitan niya ng tingin si Silver at ang hawak nito.

"What -- is this?"

"Turn around." pagtukoy pa ni Silver at gayun nga ang ginawa ni Evie.

Napasinghap na lamang siya sa gulat at napasapo sa dibdib ng makita ang BMW M8 na nakaparada sa parking spot niya. May malaki pa itong ribbon na pula sa harapan.

"No way.."

"Hope you like it, mommy." pagyakap pa ni Silver kay Evie mula sa likuran niya. Natutuod pa rin si Evie at hindi makapaniwala.

"No way.."

Hindi niya ma-absorb pa kung anong nangyayari, napapatulala lang siya sa expensive car na nasa harap niya ngayon.

"Wi -- wait? What do you mean -- for me?" pilit na paglingon pa ni Evie kay Silver.

"Yeap! All yours." pagtungo pa ni Silver rito.

"But -- why? I mean, I cannot accept that!" pagpumiglas pa nito at harap kay Silver.

"Why not? It's a gift."

Tila naguguluhan pa rin si Evie at hindi makapaniwala.

"Come on? It's just a gift. Saka, wala ka na rin namang kotse na ngayon di ba? Kaya -- yan na lang naisip kong iregalo."

"Sinusuhulan mo ba ako para mapatawad na kita?" pumamewang pa ito.

"Medyo -- pero syempre, labas ang issue rito. And, ayokong gumagamit ka ng kotse ng iba."

"Kotse ng kompanya naman yun."

"Kahit na. Ayan, mayroon ka ng sariling kotse. Hindi mo na kailangan gumamit ng kotse nila."

"But -- this is too much!"

"Balak ko pa nga yung Z1 kaso panigurado, mas hindi mo yun gagamitin o tatanggapin."

"Hindi talaga! But --" napalingon ito muli sa magarang kotse na nagustuhan niya rin ang kulay coffee red. "Parang nakakahiya naman na -- sekretarya lang ako pero yung kotse ko, kasing mahal ng sa boss ko?"

Natawa naman si Silver rito at hinawakan si Evie sa magkabilang balikat. Hinaya niya ito papalapit sa kotseng bigay niya para mas mapagmasdan nila.

"Tapos, wala man lang akong regalo sayo. Kahit kay Benjamin, wala."

"It's not how much you could give. Being appreciated is enough. I would be really happy if you'll accept and use this."

Humarap muli si Evie kay Silver at sinampay ang mga kamay sa balikat nito. Mabuti na lang at naka-five inches heels siya kaya bahagyang abot niya ito.

"Thank you. This is too much."

"I just have one request." pagbabakasali pa ni Silver.

Napataas naman ng dalawang kilay si Evie rito. "And what is it?"

"I want to hear you calling me our endearment."

Bahagyang nangiti na lamang si Evie rito at napapailing.

"Fine." as she smilingly rolled her eyes. "Thank you, daddy."

At mas humigpit ang pagpulupot ng mga kamay ni Silver sa beywang ni Evie para mas mapalapit ito sa kanya.

"I love you, mommy." at sinungaban niya ito ng halik.

Hindi naman pumalag na si Evie, imbes ay tumugon ito sa halik ni Silver. As they both also smiling between their kisses.

"Akyat na tayo?" pagtigil ni Evie sa halikan nila.

"Sa taas na natin ituloy?" as he smile mischievously.

"Hoy ah? Ano ka?" pagtulak pa nito kay Silver. "Porket -- may pa-surprise at ganito ka pa, makakadiskarte ka na? Nako! Tigil-tigilan mo ko!" paghiwalay na niya sa pagkakayapos ni Silver. Natatawa lang naman din si Silver sa kanya dahil inaasar lang siya nito.

Pumanik na sila sa apartment ni Evie habang si Silver ay panay kuha sa kanya ng mga stolen shot.

"Bakit ba panay picture ka sa akin dyan?" pagsita na ni Evie ng nasa salas na sila at nakapaluhod si Evie sa may coffee table niya habang minamasdan ang mga tulips na naroon.

"Because I wanna capture every moment I made you smile and happy." natingin naman si Evie sa kanya na tila hindi malaman ang isasagot kaya napapatingin na lang sa mga tulips sa harapan niya. "'Cause what makes me smile and happy too."

"Sweet yern? Baka lagnatin ka niyan kasi um-effort ka ah?" pasaring pa ni Evie.

Natawa na lang ng bahagya si Silver rito.

"Grabe ka talaga sa akin." pumaupo na rin sa sahig si Silver sa tapat ni Evie.

"Parang gusto kong gisahin mga toh sa dami? I-salad ko rin kaya?" natatawa pang saad ni Evie.

"Sige try mo!"

"Pero ikaw kakain ah? Sayo galing toh eh!"

"Bakit ako? Ikaw nakaisip nun."

At nagtawanan na lamang din sila. Pasimple pang kinuhanan ni Silver si Evie ng picture mula sa phone niya habang natutuwang masdan ang bawat tulips sa paligid niya. Napapangiti na lang din siya rito.

Matapos nilang pagtulungang magligpit ng pinagkainan at iba pang kalat sa bahay ni Evie, magkasunod na lamang din silang naglinis ng mga sarili at bumalik ng pwesto sa balkonahe.

Habang parehong nakapahiga sa mini sofa at magkayapos na nakatingin sa kalangitan na puno ng mga bituin, ninanamnam nila ang bawat sandali na magkasama at pinaguusapan lang din nila ang mga nagdaang araw na lumipas na naging abala sila sa kani-kanilang trabaho.

"Gusto ko na naman nga mag-gross cutting, hindi ko na naman naasikaso eh."

"Bakit naman? Sayang na naman yun."

"Hindi naman, gusto ko rin kasi pagaralan yung pinasang resort sa akin ni Khalil."

"Pinasang resort?" napatingala si Evie rito. "Kinuha mo na yung resort ni Khalil?"

"Oo."

Tila nabigla si Evie sa nalaman. Naalala niya noon ay inaalok pa lang ito ni Khalil sa kanila ni Benjamin.

"Sosyo kayo ni Benjamin?"

"Hindi. Pero siya naman ngayon ang mag-i invest sa akin."

Natahimik naman saglit si Evie at muling siniksik ang ulo sa leeg ni Silver. Napahalik naman din ito sa ulo niya.

Ilang sandali pa ay napatingin na si Silver kay Evie at napansing nahihimbing na pala ito sa pagtulog.

Kaagad na rin niyang binuhat ito pahiga sa kama bago niya tinabihan. Nakapatagilid na higa si Silver habang minamasdan ang nahihimbing na si Evie.

Tipid siyang nangingiti dahil masaya siyang nakasama muli ang dalaga at alam niyang napasaya niya rin ito.

"Konti na lang mommy, magiging maayos na rin ang lahat."

TUWING makalawa, umuuwi si Silver sa apartment ni Evie upang doon matulog. Kahit pa pinipigilan niya ito ay hindi naman ito nagpapaawat. Nagiiwan pa talaga ito ng mga damit niya para hindi siya nawawalan ng pamalit.

"Di ba, hindi pa tayo okay? Bakit ba panay ka pa rin dito sa bahay ko? Feeling close ka?" pagtataray kaagad ni Evie at nag-arm crossed bago umupo ng solo sofa.

Feel at home na talaga si Silver na hawak ang remote at naghahanap pa ng channel habang naka-de kwatrong upo sa long sofa.

"Ano naman? Hindi naman kita pinapakialaman ah? Pinagluluto pa nga kita, sinasabay damit mo sa paglalaba ko, at inaalagaan si Steve kapag wala ka pa."

"I never asked you to do it. Kaya ko yun mag-isa."

"Magiging mag-asawa na tayo, masanay ka na."

"How sure are you?" sarcastic pang sagot ni Evie na kinaseryosong baling ng tingin sa kanya ni Silver.

"You really think it has a chance it won't happen?"

"Aba malay ko?"

"Topak ka na naman Evita ah? May regla ka ba?"

"Eh ano naman sayo kung nireregla ako?"

"Yun na nga eh! Mag-iisang buwan na nung huli ah. Akala mo ba hindi rin nakakainit ng ulo? Lagi ako nagtitimpi!"

Napapailing na lamang din si Evie rito dahil kung umasta ay pareho silang may mood swings.

"Nag-text si Matt sa akin, hindi mo daw sinasagot phone mo, maaga ka raw kasing umalis ng office niyo kanina."

"Malamang, tapos na gawain ko."

"I think it's urgent, tungkol daw sa -- private investigator mo."

Seryoso muling napabaling si Silver kay Evie na naka-resting bitch face.

Mabilis na tumayo si Silver at dumiretso ng kwarto, lumabas rin kaagad ito na hawak na ang phone na tila binubusisi ito. Kaagad nitong itinapat sa tainga niya habang nagpapalakad-lakad sa may dining. Napansin ito ni Evie kaya kinuha niya ang remote at hininaan ang tv.

Kunwari ay nakatuon at nanonood siya sa tv pero ang totoo ay inaabangan niya pagsasalita ni Silver sa kausap.

Naririnig niyang napakaseryoso ng tinig ni Silver sa kausap, pero kahit isa ay wala siyang naintindihan. Hindi naman ito nagmamahina ng boses pero hindi niya mawari kung bakit wala siyang maintindihan.

"Good to know. Pakidalian --."

Ito na siguro ang pinakamalinaw na narinig niya pero medyo putol sa dulo.

Sobra na siyang naku-curious na kaya panay sulyap niya kay Silver ng palihim. Sa tuwing mapapatingin na ito sa kanya, mabilis niyang inaalis rito ang pagkakatingin niya.

"Okay, maraming salamat."

Alam ni Evie na natapos na ang tawag ni Silver pero parang ang tagal yata nitong lumapit sa kanya kaya napalingon na siya roon.

Nakita niyang nakapayuko ito at nakasalubong na kilay habang nagti-text.

Nanatiling nanahimik si Evie at kunwari ay nakatuon ang atensyon sa pinapanood. Hanggang sa dumaan na si Silver sa harapan ng tv at bumalik ng upo sa pwesto nito kanina.

Curiosity rising on Evie kaya napasulyap na siya kay Silver na nagti-text pa rin.

"Oh ano? Urgent noh?" pagbasag na niya ng katahimikan nila.

"Ah, oo. Thanks."

"Yan ba yung -- private investigator na -- kinuha mo?"

"Oo mommy. He found them."

"Really?" as she acting surprisingly feeling great about the news. "Nasaan -- daw sila?"

Natigilan si Silver at napatingin na kay Evie.

"Sa Negros Oriental."

"Negros?! Layo ah? Grabe naman siya magtago? Daig pa may pinagkautangan?"

"Actually, yun nga ang sabi ng investigator. Marami daw siyang friends dito sa metro na inutangan niya bago nawala."

"Ow.." sabay kagat labi pa nito. "At yung -- bata?"

Tila mukha namang binuhusan ng malamig na tubig si Silver at natitigilan.

"Kasama daw niya."

Halatang nagkaka-ilangan na sila sa ganitong usapin pero nais pa rin ni Evie alamin.

"Tuma-timing na lang para -- para makakuha ng specimen." tila iwas pusoy si Silver rito kaya tumingin na ito sa tv.

Nakahalata si Evie na labis itong nagiiwas na sa usapan, pakiramdam niya ay nililihiman na naman siya kaya mas lalong hindi na niya ito inimik. Mas nauna siyang pumasok ng kwarto niya at ni-lock kaagad ito.

Ilang saglit lang ay nagpupumilit na si Silver na buksan ang pintuan ng kwarto.

"Mommy? Mommy? Gising ka pa ba?" pagtawag at katok pa nito sa labas ng kwarto.

Napabangon saglit si Evie pero nagaalangan siyang sumagot rito habang patuloy si Silver sa pagtawag at katok sa pinto.

Napabuntong hininga na lamang siya bago bumangon ng kama at nagtungo ng pinto.

Pagkabukas niya ay akmang nakapatalikod na si Silver ngunit bigla ring humarap sa kanya.

"Sorry, tulog ka na ba?"

"Hindi pa naman. Pero out side the kulambo ka sana muna." diretsong saad nito kay Silver.

"Ba -- bakit?"

Napahinga naman ng malalim si Evie na tila naguumpisa na namang magtaray.

"Wala lang. Naiinis ako sayo eh."

"Minamadali ko na yun, I swear. Huwag ka ng mainis, please?"

Tila gets kaagad ni Silver kung ano ang tinotopak ni Evie. Alam niyang kapag yun ang napaguusapan, sumasama ang mood nito na hindi maiwasan. Immature man kung tutuusin, pero alam niyang hindi magaling si Evie magtago ng nararamdaman, kahit hindi nito sabihin, reaksyon palang ng mukha nito halata na.

Ilang sandali pa tinitingnan ni Evie si Silver na tila napapaisip siya sa sinabi nito. Para namang maamong tupa si Silver na nakikipagtitigan rito.

"Hay! Sabi mo eh." malakas na buntong hininga at bagsak balikat pang tugon nito tanda ng pagsuko niya. Kaagad siyang tumalikod pabalik sa kama at si Silver naman ay nangingiting tagumpay na pumasok kaagad ng kwarto.

Nagmamadali pa si Silver na nilundag pa ang kama kaya siya ang nauna. Walang imik naman ng nahiga na rin si Evie sa kama niya at nagtalukbong ng kumot.

"Wala man lang good night kiss?" pagbabakasakali pa ni Silver habang nakatingin kay Evie na nakatalikod sa kanya.

Gumalaw lang ng kaunti si Evie na mas itinaas ang kumot sa balikat niya. Ni hindi ito sumagot o umimik man lang.

"Hay! Sungit talaga." sabay halik na lang nito sa likod ng ulo ni Evie bago tuluyang nahiga.

"HAY! Ang sweet pala niya." nakabusangot pang saad ni Fe habang nakatutok sa phone nito.

Nasa kitchenette sila ngayon ni Evie habang coffee break.

"Kanina ka pa nagmamaktol dyan?" pagsita na ni Evie. Naupo na ito sa tabing upuan kay Fe habang sumisimsim ng bagong timplang kape.

"Hay!" puppy eyed itong napatingin na kay Evie. "Alam mo, kung hindi mo shinare yung pa-flowers at chocolates ni director sa amin, wala akong matatanggap nung Valentines."

Napatulala naman si Evie kay Fe habang hinihipan pa ang kape. Hindi malaman kung maaawa o matatawa sa reaksyon nito.

"Nakakainggit kasi. Kung kailan ka nagpagupit, saka mas dumami ang naghabol sayo?"

At doon na tuluyang natawa si Evie, inilapag muna niya ang baso ng kape sa mesa.

"Ano ka ba? Wala namang nakakainggit dun!" as she assured.

Nakabusanggot pa rin si Fe na tila nagmamadaling may pinipindot.

"Pero ito talaga mas nagpainggit sa akin!" pagtapat pa nito ng phone kay Evie na tila may pinapakita.

Nanlaki ang mga mata ni Evie sa nakita kaya mas hinawakan niyang mabuti ang mga kamay ni Fe para makitang mabuti ang pinapakita nito sa phone.

Walang sabi ay inagaw na niya ang phone ni Fe at minasdan ang nasa phone niya na hindi siya makapaniwala.

"Oh di ba? Busy si Sir Silver pero may paganyan? And he even posted it ah?!" pag-inom pa nito ng kape niya.

Hindi makapaniwala pa rin si Evie na swipe ang phone ni Fe habang minamasdan ang bawat litrato na naka-post sa I*******m account nito. Deactivated pa rin kasi ang lahat ng social media niya kaya hindi na siya updated sa mga nangyayari.

Pinost ni Silver ang pa-surprise nito sa kanya noong Valentine, mostly stolen shot niyang nasurpresa, nagulat at natutuwa.

"At sinong hindi maiinggit di ba? May pa-kotse! Ang bongga mo na talaga, Miss Evie! Ang swerte mo!" pagtapik pa ni Fe rito.

Hindi naman malaman ni Evie kung anong hiya ang mararamdaman niya. Hindi niya talaga gusto mag-show off, pero mukhang hindi niya rin iyon madi-deny.

Nakakaramdam na rin siya ng kaunting pangungutya sa opisina dahil nahalata na ng mga ito ang intensyon ni Benjamin sa kanya, at the same time ay ang pakikipagrelasyon niya kay Silver.

"Sana all, nakabingwit!" pagbilang parinig ng isang empleyadong dumaan sa kitchenette.

Napatahimik naman sina Evie at Fe pero halata kay Fe ang panggagalaiti. Gusto sana nitong sagutin ang katrabaho nila pero nagmi-make face si Evie na huwag na nitong patulan kaya kumalma na si Fe.

Pagalis uli ng babae ay palihim na inambahan ni Fe ito.

"Kapal! Palibhasa pangit!" sinadya nitong lakasan ito.

"Hayaan mo na. Palibhasa hindi siya makabingwit." natatawang pagkindat pa ni Evie.

"Truth! Inggetera much!"

MATAPOS ang office hours kaagad na nagtungo sa parking si Evie, inalis niya ang alarm ng kotseng regalo sa kanya ni Silver. Kahit pa ilang araw na niya itong ginagamit ay hindi pa rin siya makapaniwalang binigay ito sa kanya ng binata.

Minsan napapahinto muna siya sa harap ng kotse at minamasdan ito bago sumakay at mas maingat ng minamaneho.

Dumiretso muna sa mall si Evie para makapag-grocery, as her stress reliever as always. She really enjoyed doing this alone or with Silver. Pero dahil nasa Palawan ito ngayon para sa project roon at sa pagaasikaso sa resort nito, mag-isa muli siya sa apartment niya ng ilang araw.

Hindi niya sigurado kung matutuwa siya o malulungkot sa bagay na ito, but all she knows, she could be Missing him and at peace.

Na-enjoy din ni Evie ang pag-grocery at shopping ng kaunti pang kakailanganin sa bahay. Nag-take out na lang din siya ng dinner niya bago tuluyang tumungo ng kotse niya.

"Waaah! Mama!"

Malakas na iyak ng bata ang bumalahaw sa hindi kalayuan habang naglalakad siya sa parking patungo sa kotse niya.

Ngunit ang iyak ay mas lalong lumalakas habang siya ay mas papalapit sa kotse.

Nakarating siya ng kotse niya at inalis ang alarm, nagtungo siya sa likuran nun para buksan ang compartment at iligay ang mga napamili.

"Mama! Mama! Mama!"

Malakas na sigaw habang umiiyak ng bata na naman na mas kinagulat niya. Alam niyang malapit ito sa kanya, kaya binilisan niya ang pagkarga ng mga napamili saka nilibot ang paligid kung saan ba ito nanggagaling.

Kaagad niyang nakita sa kanto ng parking area niya ang isang batang lalaki na nakaupo at nagiiyak sa sahig. Minasdan pa ni Evie ang paligid kung may ibang tao pa bang naroon ngunit siya lamang ang nandoon.

Nagaalangan man, lumapit siya ng bahagya sa bata mula sa likuran nito.

"Waaaah! Mama!"

Nakakahabag na ang labis na pag-iyak ng bata kaya nilapitan na niya ito ng tuluyan.

"Hey baby?" paghawak pa niya sa balikat ng bata pero lalo lang itong umiyak kaya inalis niya kaagad ang kamay. "Baka akalain pinaiyak ko pa toh?" luminga-linga muli siya sa paligid ngunit walang ibang naroon pa rin. "Ahm, baby? Where's your mom?"

Patuloy lang ang iyak ng bata na nauubo, sobra na rin itong namumula at natulo ang sipon sa ilong.

Pumaluhod si Evie para magpantay sila ng bata, pinunasan niya ng kamay ang luha nito habang hinihimas ang likod at dibdib ng bata.

"Baby, stop crying na. We'll find your mom, okay?" tila parang siya ang gusto ng maiyak dahil ayaw pa rin tumigil ng bata sa pag-iyak. "Come on, hanapin natin ang mama mo -- ang mama mong pabaya bakit iniwan ka rito noh?" pabulong niya pa habang sinusubukang hawakan ang kamay ng bata.

Masyado pa itong maliit para makapagsalita ng tuwid ngunit mukhang nakakatayo na pero dahil nagta-tantrums pa ito, pilit na lamang ni Evie na kargahin ito.

Umiiyak pa rin ang bata hanggang sa nakarating sila sa customer service center. Pinanawagan niya ang mukhang nawawalang bata sa mall, halatang pagod na ang bata kakaiyak kaya medyo tumatahan na ito pero naiiyak pa rin.

Naawa siya sa bata kahit pa hindi siya mahilig rito. Wala pa sa isip niya ang pagkakaroon ng anak kahit pa gusto na niya noon na magasawa.

Pinunasan niya ang luha, sipon at pawis ng bata gamit ang tissue niya. Habang nagiintay sila kung mayroong darating na mag-claim sa bata, lumabas muna si Evie para humanap ng maaaring ipakain rito.

Nakabalik na siya't lahat ngunit wala pa ring magulang na pumupunta roon.

"Ma’am, magsasara na po ang mall. Dapat po siguro sa police station niyo na dalahin ang bata." pag-suggest na ng admin officer sa kanya.

"Ha? Bakit ako? Natagpuan ko lang siya. Saka -- nako kailangan ko ng maka --"

"Ma’am, hindi po kasi pwedeng mag-hold ng kahit sinong nawawala rito sa mall. Nakatawag na po kami sa police station at na-rely ang sitwasyon niyo. Presence niyo na lang po ang kailangan nila."

Labag man sa kalooban ay napapakamot na lang siya ng ulo kahit walang makati. Naiinis ngunit wala rin naman siyang ibang choice.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status