BRIANNA ZAFFRIE COLTON’s POV “Alam mo, Momshie, kanina pa kita napapansin, ha. Bakit panay ang tingin mo sa bo*bs ko, ha? Inggit ka ba?” tanong ni Thyrie kaya napatingin ako sa bo*bs ko na hindi kalakihan. “Ano namang kaiinggitan ko riyan? Para ka ngang pader na minasilya, e!” natatawang panlalait ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. “Hay nako, tama na nga. Puro walang katuturan naman ‘yan. Ito ang intindihin ninyo, kami ni Cath ang pumili niyan habang may ka-date ka kagabi,” ani Frizza at inabot sa akin ang envelope. Kinuha ko ‘yon at binuksan. Binasa ko muna kung ilan ang reward na makukuha namin pero agad ko ring itinigil ang pagbabasa nang makita kung ano ang misyon na nakalagay roon. Ibinalik ko sa loob ng envelope ang mga papeles at saka ibinato pabalik kay Frizza. “Ibalik mo, hindi tayo mangingialam sa kaso na ‘yan.”
BRIANNA ZAFFRIE COLTON’s POV “Momshie, sayang ang misyon na ‘yon,” pangungulit sa akin ni Cath at pinagpipilitan ang misyon na nabunot nila. “Oo nga naman, Momshie. Mapaparusahan tayo dahil tinanggihan natin ang misyon na nabunot natin,” dagdag ni Thyrie dahilan upang mas mainis ako. Bakit ba ang kukulit nila? “Hayaan na natin. Hindi naman siguro masyadong mahirap ang ipapataw na parusa. Misyon lang ‘yon at hindi niya tayo papatayin kaya ‘wag kayong mag-over react, okay?” parang nanay na ani Frizza roon sa dalawang makulit. Nang humarap sa akin ni Frizza na nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa kanyang bibig. “Momshie natatakot ako.” Binatukan naman siya ng dalawa dahil sa sinabi. Umiling na lang ako dahil sa ginagawa ng tatlong abnormal. Paano ko ba naging members ‘yan, e mga wala sa katinuan? Saka hindi dapat sila sa Underworld pumunta, sa Asylum dapat
DZION WILLIAM MHRIZ’ POV “Biruin mo, ‘yong leader ng mortal na magkaaway na grupo rito sa Underworld, ngayon ay naghahalikan na. No to pornography!” ani Jerome habang tinatakpan ang kanyang mga mata. Pumasok ako sa kwarto ko upang makaiwas sa mga eskandalosong bunganga nila. Iniligpit ko ang mga baril na nakakalat sa sahig nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. May pumasok doon. Abala siya sa paglilibot ng paningin sa kabuohan ng kwarto ko, nang makuntento ay umupo na siya sa couch at matalim akong tiningnan. “Bakit mo hinalikan si Zaff? Hinalikan mo ba siya dahil may feelings ka na para sa kanya o dahil–” “Ewan ko,” pagsisinungaling ko kahit alam kong kilalang-kilala na niya ako dahil bestfriend ko siya. “Magkaibigan na tayo mula pagkabata, Zio. Hindi mo ako maloloko,” aniya at nag-cross arms habang nakatingin sa akin at prenteng nakaupo
“Boss, may tumatawag sa telepono mo,” sabi ng isang lalaki. Ibinigay niya ang cellphone at tinanggap naman ‘yon ng boss nila. “Hello, sino ‘to?” tanong ng boss ngunit nagtaka siya nang tawa lang ang isinagot ng kausap niya. “Hindi ba ako nakikilala at naaalala?” tanong ng isang malalim na boses. “Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang nag-utos sa amin na patayin si Golden Cazburn, ‘di ba?” paniniguro ng lalaki. “Nabalitaan kong hinahanap ng prinsipe ‘yong bote ng lason,” sabi ng misteryosong lalaki at maririnig sa kabilang linya ang pag-tap niya ng daliri sa mesa. “Diretsuhin mo na ako. Ano’ng ipapagawa mo?” tanong niya. Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi pa rin sumasagot ang kausap niya. Nang akmang papatayin na niya ang tawag ay muli itong nagsalita. “Alam kong hanggang ngayon ay nasa inyo pa rin ang bote. Ibigay n’yo ‘yon sa kanya.” Nanlaki an
THIRD PERSON’s POV“Paano natin mahahanap ‘yon? Sampung taon na ang nakalilipas nang makuhaan ng litrato ang bote,” reklamo ng isang lalaki habang pinapalo ng hawak niyang kahoy ang mga dahon na nadaraanan.“‘Wag ka na ngang magreklamo riyan, Georgie. Maghanap ka na lang nang may matanggap kang reward kay Yna,” sabi ng kasamahan niya na ikinatuwa ni Georgie.“Sa tingin mo, Jester, ano ang ibibigay na reward sa atin ni Yna?” nakangising tanong ni Georgie.“Ano pa ba? Malamang, katawan niya. ‘Yon naman ang lagi niyang ibinibigay sa atin tuwing nananalo tayo sa misyon na ginagawa natin,” ani Jester at nag-apir pa sila ni Georgie na parang nanalo sa lotto.Sa kabilang gilid ay may isang lalaki na iiling-iling na lang habang pinapakinggan ang kamanyakan ng kanyang mga kasamahan. Siya lang kasi ang bukod-tanging hindi tumatanggap sa katawan ni Yna dahil iginagalang niya ang mga babae.“Hans, sumama ka sa amin nang madali na nating mahanap ang bote
DZION’s POV “Zio, narito na ang ipinapahanap mong container,” ani Dex kaya agad kong pinaharurot ang aking kotse papunta sa kaniyang office. Halos magkandarapa na ako sa pagtakbo para lamang makarating ng mabilis doon. Pagkapasok ko’y naabutan ko siyang naka-cross arms ang mga braso habang nakataas ang kaniyang kilay at nakatingin sa akin. “Ang tagal mong dumating, kahit kailan talaga’y kilos-pagong ka,” reklamo niya ngunit hindi ko na lang siya pinansin. Agad kong hinablot ang plastic kung nasaan ang malinis na container. Kulay ginto ito at medyo mabigat siya ng kaunti. Agad akong nagsuot ng gloves at inilabas ang container mula sa plastic bag. Habang sinusuri ko i
“Tama bang tinutulungan natin si Zio sa paghahanap ng totoong may-sala? Dapat ay hindi na tayo nanghihimasok pa rito.” Balisa siyang nakaupo sa sofa ng kanilang bahay na tinutuluyan. Tuwing may pagpupulong sila, laging sa bahay na pagmamay-ari nila nagaganap ito. Malayo ito sa Underworld at hindi sila maaaring mahuli o makita ng mga kasamahan nila dahil sila’y mabibisto sa kanilang mga ginagawa. “Tama lang ang ginawa natin. Nais ko ring tulungan si Zio sa paghahanap ng totoong salarin.” Idinukdok ng kaniyang kaibigan na itinuturing nilang Boss ang sigarilyo sa ash tray habang nakangisi sa kawalan. “Maaaring madamay ang mga inosente nang dahil sa ginawa natin," wika muli ng lalaki na animo’y nakokonsensiya na sa k
ZAFFRIE's POV Kasalukuyan akong nakatulala sa kawalan habang ang aking mga kaibigan ay hinahatak ako upang pumasok sa fitting room ng isang botique. Silang tatlo ang pumipili ng mga susuotin ko dahil kapag ako ang pumili, paniguradong para akong pupunta sa lamay. Maaga akong matutulog ngayon dahil ayoko namang magmukha zombie bukas, lalo na't ka-date ko ang Bulldog na Prinsipe na 'yon. And yes, tinanggap ko rin ang kaniyang offer. Pinuntahan niya ako rito sa office kanina upang i-confirm kung pumayag na ako. Ano pang magagawa ko kun'di ang pumayag. Kanina nga'y binubugaw na ako ng mga kaibigan ko kay Zio para lang mapapayag ako. Kaya ayon, wala na akong nagawa kun'di ang sumang-ayon sa mga kadramahan nila sa buhay. "Brianna Zaffrie!" sigaw ni baklitang T