RUTH'S POV"K-KYRIE..." ani ko sa mahinang himig. Lumapit pa kasi siya sa akin kaya hindi ko tuloy alam ang sasabihin."I-Ikaw nga, Ruth. K-Kumusta ka na? Anong ginagawa mo dito?" Sabay hagod sa kabuohan ko.Imbes na sagutin si Kyrie, nilagpasan ko siya. Nakita ko kasing biglang tumayo si Mr. Liu. Hindi ako nagkamali nang iniisip. Lumapit din sa akin si Mr. Liu para salubungin ako. Hindi na ako lumingon kay Kyrie. Bahala na siya mag-isip sa kung ano na ang ginagawa ko ngayon dito. Ang mahalaga sa akin, magampanan ko ang trabaho ko ngayon. Dito nakasalalay ang pagkikita naming mag-ina kaya hindi dapat ako mag paapekto sa ibang tao.Saglit kaming nag-usap ni Mr. Liu. Wala pang kalahating oras. Sumaglit lang pala siya dito para kumuha ng babaeng makakasama sa party. Napag-usapan naman na namin ang mga dapat at hindi paglabas. Sa harap mismo ni Madam kami nag-usap.Pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Liu ay nagpaalam ako kay Madam. Pumayag naman siya kaagad. Alam niyang may pasok ako kinabukas
RUTH'S POV WALA kaming imikan ni Ben habang papunta kami ng foundation. Nang dumating kami, sakto lang ang in ko. Pero para sa akin, late na. Kaya naman nagmadali ako. Iniwan ko si Benrick sa entrance at nawala sa isip ko na magkasama kaming pumasok. Kaya naman pagdating ng breaktime namin, sa akin nakatingin ang halos sa mga kasamahan ko. "Matagal na ba kayo magkakilala ni Sir Benrick?" "Bakit kayo magkasamang dumating kanina?" Natigilan ako sa mga tanong na naibulas ng mga kasamahan ko. Parang gusto kong bumalik sa puwesto ko. Hindi ko alam ang mga isasagot sa kanila. Hindi ko pwedeng i-deny na hindi bumaba ako sa sasakyan ni Benrick. “Um, kaibigan ko kasi ang kakambal ni Sir Benrick,” ani ko na lang. “Nang malaman kong pupunta siya dito ngayon, sumabay na lang ako. Kaya ‘yon ang mga nakita niyo kanina.” May mga naniwala sa mga sinabi ko at meron din naman parang hindi dahil sa paraan nang pagtingin ng mga ito sa akin. “Kaya pala. Sabagay, mababait ang mga Santillan at dow
RUTH'S POV"Ruthy?!" hindi makapaniwalang sabi ni Benrick nang makilala ako. "Stunning, my dear!" ani naman ni Vance sabay ngiti niya na ikinagigil ni Benrick. Mas lalo niyang hinigpitan ang kuwelyo ni Vance."Benrick!" saway ko na lang. Nakita na niya ako kaya ano pang itatago ko."So, ito ang personal mong lakad? Ang hanapin ang lalaking ito? Bakit mo pa sa akin pinahanap kung alam mo naman pala kung nasaan siya?" galit na lingon sa akin ni Benrick.Akmang magsasalita ako nang marinig ang boses ng ilang pulis."Pulis ito, itaas ang kamay!" dinig niyang sabi ng isang pulis sa aking likuran.Paglingon ko, nakatutok ang baril ng pulis kay Mr. Liu. Kasabay din niyon ang pagdating nila Sergeant kaya nakahinga ako nang maluwag.Pabagsak pa na binitawan ni Benrick si Vance na ikinabagsak niya sa sahig. May mga pulis na ring nakapalibot dito kasama na si Sergeant.Hindi ko alam ang sasabihin nang tumingin sa akin si Benrick. Palapit din siya sa akin.Akmang hahawakan niya ang kamay ko nang
TANGHALI na nang magising ako pagkatapos ng nakakapagod na araw na iyon kahapon. Tulog na tulog pa rin si Benrick sa aking tabi. Hindi ko na namang maiwasang titigan siya. Narito na naman ang pamilyar na pakiramdam.Pero bago pa man lumambot ang sarili sa binata ay pinigil ko ang sarili ko. Dahan-dahan ko ring tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa aking hubad na katawan. Nilingon ko pa siya, walang movements kaya humarap ako sa gilid ko para bumaba ng kama.Akmang bababa ako ng kama nang pigilan ako ni Benrick."Where are you going?" "My God, Ben! Iihi lang ako!" asik ko sa kanya.Binitawan naman niya ako sabay angat ng kilay. Seryoso nga siya sa sinabi na hindi niya hahayaang mawala sa harap niya. Mabilis na naligo ako at binalot ang katawan ko ng extra towel mula sa cabinet ng banyo na iyon. Paglabas ko ay nakaupo si Benrick sa kama. Mukhang inaabangan niya ang aking paglabas dahil sa gawi ng banyo siya nakatingin."Pupunta ako ng presinto ngayon, babalik din kaagad ako," ani
RUTH'S POV'SHARMAINE,' ani ko sa isipan ko.Anong ginagawa niya dito? Saglit niya akong tinapunan nang tingin bago niya dinaluhan si Benrick na noon nagpupumilit na bumangon. Kita ko kung paano niya dinaluhan kaya hindi na 'ko tumuloy. Saka masikip kung tutulong din ako.Hinayaan ko na lang si Sharmaine na tulungan niya si Benrick hanggang sa makaupo ang binata sa upuan.Akmang tatalikod ako nang tawagin ako ni Benrick."Ruth,""M-may kukunin lang ako sa silid," palusot ko.Ngumiti ako sa kanilang dalawa na noo'y nakatingin na sa akin.Hindi ko alam kung nakita nilang pilit ang ngiti ko. Wala akong pakialam.Dahan-dahan akong tumalikod at bumalik na lang muna sa silid. Hindi ko alam ang gagawin ko doon sa totoo lang. Nakaramdam ako nang kirot nang makita siya. Hindi ko pwedeng ikaila iyon sa aking sarili.Hindi ko rin alam ang sasabihin kaya nag-stay pa ako nang ilang sandali sa silid.Mukhang laging pumapasok si Sharmaine dahil hindi ko man lang narinig ang pag-doorbell nito. Labas
RUTH’S POV SAGLIT kong tinapunan ang telepono ko na tumutunog. Si Benrick iyon. Wala ako sa bahay niya kaya magtatanong talaga siya kung nasaan ako. Dalawang araw na akong sa bahay ko umuuwi. Pumasok rin ako ngayon sa foundation para libangin ang sarili ko habang hinihintay ang tawag ni Sarhento. Sabi niya kasi, tatawagan na lang niya ako kapag may balita na tungkol kay Cara. Kaya tama lang na sa foundation ko abalahin ang sarili ko. Saka dito, maraming mga bata. Para maibsan ang pagka-miss ko kay Cara, sa mga bata ko binabaling ang atensyon ko. Nagpalipat ako ng trabaho sa superior ko. Sabi ko, mas gusto kong bantayan ang mga bata. Buti na lang pumayag sila. “Hello, Miss Ruth!” Kumaway si Bidek sa akin nang makita ako. Bagong pasok siya sa silid at pawis na pawis. Galing yata sa playground. “Halika nga rito. Bibihisan kita. Dami mo nang pawis, o.” Nakangiting lumapit naman ang bata at naupo sa kandungan ko. “W-wala po si Sir Benrick?” tanong niya sa akin na ikinatigil ko. Pin
RUTH’S POV SAGLIT akong nakipag-usap sa anak ni Kyrie at nagpaalam na din sa kanila. Hangga’t maaari, ayokong lumapit sila sa akin lalo na ang mga anak ni Kyrie. Ilang beses na akong nakita ng dating boss ko sa ganoong lugar at sa alanganing sitwasyon. Maraming katanungan sa isipan niya marahil na hindi ko magawang sagutin at ayokong harapin iyon ngayon. Hindi ko na sinabi kung anong ginagawa ko dito nang tanungin ako ni Kyrie. Pinigilan kong humaba ang usapan namin, baka kasi maabutan pa ako ni Benrick. ‘Yon ay kung sinundan niya ako. Kaagad akong pumara ng taxi nang makarating sa labas ng ospital. Narinig ko ang sunod-sunod na ring ng telepono ko pero hindi ko pinansin dahil sa nagbabadyang luha ko. Nang makalayo ang taxi, saka ko lang nailabas ang mabigat na dinadala. Hindi ko na napigilang umiyak habang inaalala ang mga sinabi ni Sharmaine sa akin. Doon ko rin napagtantong hindi kami bagay ni Benrick at hindi ko hahayaang masira ang image niya at ng pamilya niya dahil sa akin.
RUTH’S POVHINDI ko maiwasang malungkot nang mawala sa aking paningin ang aking anak. Inilipat na si Cara sa isang silid na naman. Hindi ko na naman alam ang drama ni Sharmaine. Talagang pinakain niya muna ako bago nagdesisyon.Sabi niya nang tanungin ko, madumi na daw sa silid na inuukupa ni Cara. Wala akong lakas kanina dahil sa ginawang blood transfusion kaya hinayaan ko muna. Pero ngayong bumabalik na ang lakas ko nanginginig ako sa galit.“Pwede ko bang makita si Ca– I mean si Maisie, Benrick?” ani ko sa kanya nang makasalubong ko sa hallway.“I’m sorry, baby. Kakatulog lang niya ulit. Mamaya na lang siguro paggising.” Tumango ako sa kanya. “Ano kaya kung ihatid na lang muna kita sa bahay para makapagpahinga ka?”“A-ayoko, Benrick.” Baka kasi biglang mawala sa paningin ko si Cara. Hindi ako pwedeng umalis dito. Paano kung ilayo siya sa akin ni Sharmaine, huh? Kaya hindi pwede!“Pero kagagaling mo lang sa blood–”“Ayoko nga sabi!” Tinapik ko pa ang kamay niya. Hindi ko na rin main