Share

Chapter 35

Mag- aalas sais na ng gabi nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kanina pa siya palakad- lakad sa loob ng kaniyang silid at inaabangan kung may sasakyang paparada sa harap ng bahay ni Vince.

Alas sais kase ang usapan nila ni Aya at ibinilin niya naman rito na kailangan umuwi ng anak niya ng alas- sais. Maging si Vin ay binilinan niya rin na umuwi ito ng alas saisi empunto ngunit ilang minuto na lang ay wala pa rin ito at hindi pa rin ito dumadating.

Dali- dali niya iyong inabot na nakapatong sa kaniyang kama.

Paglapat pa lamang ng kaniyang cellphone sa kaniyang tenga ay narinig na niya kaagad ang pagtawag sa kaniya ni Vin sa kabilang linya.

"Ma..." Mahina at tila puno ng pag- aalala ang boses nito ng mga oras na iyon.

"Vin anong sabi ko sayo kanina ha? Hindi ba sinabi ko sayong umuwi ka ng alas sais? Anong oras na? Nasaan ka na?" Tuloy- tuloy na tanong niya rito at hindi na nakapag- preno pa ang bunganga niya.

Bigla naman siyang napaupo sa ibabaw ng kama pagkatapos ay napahilot sa ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status