Share

Chapter 60

Sa labas pa lang ng punerarya ay madami ng mga tao. Ang iba nga roon ay mga pulis na noong makita siya ay kaagad na sumaludo ang mga ito sa kaniya.

Tinanguan niya naman ang mga ito bilang pagbigay galang pagkatapos ay nilapitan siya ng isa sa mga ito.

"Magandang gabi Mayor." Bati nito sa kaniya.

"Nasaan ang pamilya ng biktima?" Tanong niya rito habang naglalakad. Itinuro nito ang daan papasok sa punerarya.

"Nandiyan sila sa loob Mayor." Sagot nito at nauna ng naglakad papasok.

Napatingin siya sa kaniyang dadaanan dahil may mga naka- display pang kabaong. Ano nga ba ang inaasahan niya sa isang punerarya? Alangan namang mga gamot ang makita niyang naka- display doon diba?

Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil sa mga pumapasok sa kaniyang isip.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa malapit sa loob ng morgue ngunit doon pa lamang ay rinig na rinig na niya ang mga pagtangis. Pagtangis na puno ng sakit ang pagdadalamhati na alam niyang siya ang may kasalanan.

Kung hindi sana ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status