ShanraSa isang rest house sa Laguna kami dinala ng driver ni Rexor. At paghinto na paghinto ng van na sinasakyan namin ay agad niya akong hinila para bumaba at halos kaladkarin niya ako papasok sa rest house. Muntikan na akong madapa dahil sa pagmamadali niya na makapasok kaya ang ginawa niya ay binuhat na lamang niya ako papasok sa loob ng isa sa mga kuwartong naroon. Pagdating namin sa loob ng kuwarto ay pabiglang itinapon niya ako sa kama kaya hindi ko napigilan ang mapatili ng bahagya sa pagkagulat. "Shanra, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Tom na narinig ang ginawa kong pagtili. Siguradong nasa labas at malapit lamang ito sa rest house ni Rexor at nakaantabay lamang na sabihin ko sa kanya na mission accomplish. Saka lamang siya lalapit masyado sa bahay ni Rexor kapag nagawa ko na ang mission. At saka kami aalis sa lugar na iyon."I'm okay," nakangiti kong sabi kay Rexor ngunit para kay Tom ang sinabi ko ng ito para hindi siya mag-alala."Excited ka na ba?" nakangising tano
Shanra Pagpasok na pagpasok namin ni Tom sa opisina ni Ninong Eddie ay sinalubong ay naka-plaster na agad sa kanyang mga labi ang isang matamis at natutuwang ngiti sa mga labi."Congratulations to both of you for a job well done!" bati niya sa amin ni Tom. "Akala ko ay mahihirapan kayo sa mission dahil may mga bodyguard na laging nakadikit kay Rexor iyon pala ay hindi.""The job was very easy and even Shanra alone could do it," nakangiting sagot ni Tom na bahagya akong sinulyapan. Bagaya lamang akong ngumiti at hindi nagsalita sa kanyang sinabi."As usual, the complete payment is here. I already divided it into two parts," ani Ninong pagkatapos iabot sa amin ang tig-isang sobre na lamang makapal na salapi. "As of now ay magpahinga na muna kayo lalo na ikaw, Shanra. May mission na dumating ngunit sa ibang assassin ko ibibigay to make it fair to them.""It's okay, Sir. Makakapag-focus ako sa clinic ko kung gano'n," sagot ni Tom pagkatapos ay tumayo ito at nagpaalam kay Ninong Eddie. Ba
Shanra It was my brother's birthday today kaya nagpasya akong magpunta sa sementeryo para ipagtirik siya ng kandila at para batiin ng happy birthday. Bago ako dumiretso sa sementeryo ay dumaan muna ako sa isang maliit na stall na nagbebenta ng pancit palabok at bumili para ialay sa kapatid ko at siyempre, ang paborito niyang mango cheese cake. Favorite niya kasi ang pancit palabok at mango cheese cake kaya tuwing birthday niya ay hindi ko siya nakakalimutang padalhan ng kanyang paboritong pagkain. Lahat sila ay dinadalhan ko ng mga paborito nilang pagkain kapag sasapit ang kanilang birthday. Kinantahan ko si Sarge ng maikling happy birthday song bago ko hinipan ang kandila. Hindi ko napigilan ang mapaiyak pagkatapos kong hipan ang kandila. Kung buhay lang sana sila ay masaya sana naming ipagdiriwang ang bawat kaarawan ng isa't isa. Hindi sana para dinudurog ang aking puso sa tuwing sasapit ang mahahalagang okasyon na dapat ay sama-sama kami. Ngunit unfair ang mundo. Kung sino pa ang
ShanraNagising ako na nakahiga sa isa isang higaan na parang hospital bed. Nakakadena ang aking magkahiwalay na mga paa at pati na rin ang aking mga kamay. Hindi na nanghihina ang aking pakiramdam ngunit hindi pa rin ako makagalaw masyado dahil sa mga kadenang nakatali sa aking mga kamay at paa. Inilibot ko ang aking mga paningin sa lugar na kinaroroonan ko para makita ko kung anong klaseng lugar ang kinaroroonan ko.Ang hula ko ay nasa loob ako ng isang laboratory. Damn it! Nasa loob yata ako ng laboratory kung saan parang baboy na kinakatay ng mga tauhan ni Mr. Soriano ang kanyang mga nagiging biktima. Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas at pumasok sa loob ang tatlong tao kasama na si Roberto Soriano na malapad ang ngisi sa mukha habang naglalakad palapit sa akin."Gising ka na pala, Shanra. Sana ay hindi ka na lang nagiding para hindi mo na maramdaman ang sakit ng paghiwa sa laman mo," kausap niya sa akin."Hayop ka, Soriano! Isa kang masamang tao! Pakawalan mo ako
Shanra"Sa wakas may bagong batch na naman tayo ng mga organ na idi-deliver sa ating mga customer," narinig ko ang masayang boses na sabi ni Mr. Soriano sa tatlong doktor na matagumpay na nakuha ang mga mahahalagang organs sa loob ng katawan nang tatlong biktima nila. At ako ang magiging pang-apat nilang biktima sa araw na ito. Hindi ko matanggap na sa ganitong klaseng paraan lamang ako mamamatay. Ngunit paano ko naman sila mapipigilan? "It's your turn, Shanra," kausap niya sa akin nang lumapit siya sa aking tabi."Hayop ka, Soriano! Kahit patay na ako ay paghihigantihan pa rin kita," nagtatagis ang mga ngipin na sabi ko sa kanya. Ngunit tinawanan lamang niya ako."I don't believe in vengeful ghost, Shanra. Dahil kung totoo iyan ay marami na sana ang nakapaghiganti sa akin na mga taong namatay dito sa loob ng aking laboratory. But until now, wala namang naghihiganti sa akin," sagot nito na nagkibit lamang ng mga balikat.'Sir, ready na kami to operate this one," sabi ng babaeng doktor
ShanraNagising ako sa loob ng ospital at binabantayan ni Craig. I didn't die. Hindi nagtagumpay si Soriano na mapatahimik ako. Kaya magtago na sila dahil maniningil ako sa oras na makalabas ako rito sa ospital."Shanra! Thanks God you're already awake," natutuwang reaksiyon ni Craig nang makita niyang gising na ako. Agad niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit."S-Sandali lang, C-Craig. Hindi ako makahinga," reklamo ko habang itinutulak ko siya palayo sa akin. Agad naman niya akong binitawan nang mapansin niya na halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "I'm sorry. Masayang-masaya lamang ako na nagising ka na. Alam mo ba kung hindi kita agad nadala rito sa ospital ay tiyak na hindi ka na magigising?"Tumango ako sa sinabi niya. "Yes. I know. Tinurukan ako ng doktor bago sana ako operahan. Tinurukan niya ako ng pampa-high na gamot at may halong lason. Kaya malaki ang utang-na-loob ko sa'yo, Craig. Thank you for saving my life," sinserong pasasala
ShanraHalos hindi umalis si Craig sa tabi ko habang nasa ospital ako at nagpapagaling. Tatlong araw lang naman ang inilagi ko sa ospital pagkatapos pinauwi na agad ako ng doktor nang makitang wala namang problema na sa akin. Hindi pumayag si Craig na hindi niya ako maihatid hanggang sa bahay ko. Ang sabi niya ay ihahatid lamang niya ako sa bahay ko ngunit hindi naman siya umalis pagkahatid sa akin. Hanggang sa gumabi na at matutulog na ako ay talagang wala siyang balak na umalis sa bahay ko."Bakit hindi ka pa umaalis? Akala ko ba ay ihahatid mo lang ako hanggang dito sa bahay ko?" nanunuksong tanong ko kay Craig nang sumunod siya sa akin papasok sa aking kuwarto."Nag-aalala ako sa'yo kaya nagdesisyon ako na manatili na muna rito sa bahay mo," mabilis na sagot ni Craig. Kahit naman kaya ko na ang sarili ko ay tinulungan pa rin niya ako na makahiga sa aking kama. "Bakit? Ayaw mo ba na nandito ako sa bahay mo?" tila nagtatampo ang boses na sabi niya sa akin."Of course not. Siyempre,
ShanraNakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nakumbinsi ko si Craig na kaya ko nang kumilos na mag-isa sa bahay ko kaya hindi na niya ako kailangan pang samahan sa bahay ko. May trabaho rin siya na dapat niyang asikasuhin ngunit hindi niya maharap dahil sa akin. Kailangan din niyang hanapin at hulihin si Silent Assassin dahil pinag-iinitan umano ito ng superior nito dahil hindi nito mahuli-huli si Silent Assassin, which is me. Naaawa man ako kay Craig ngunit wala akong magawa para tulungan siya. Alangan namang isuko ko ang aking sarili sa kanya para lamang matuwa sa kanya ang kanyang superior. Kapag patuloy siyang i-pressure ng kanyang superior ay talagang ia-assassinate ko rin ng libre ang taong nangpi-pressure sa kanya.Pagkaalis ni Craig sa bahay ko ay agad akong naligo at nagbihis. Balak kong magpunta sa BAS headquarter para makibalita. Ilang araw na kasi akong walang natatanggap na balita dahil ang cellphone ko ay naiwan sa loob ng aking kotse na naka-park sa gilid ng gate sa