ShanraPakiramdam ko biglang nanghina ang aking mga tuhod at nanlamig ang aking buong katawan nang marinig ko na tungkol kay Craig ang pag-uusapan namin. Kung paano siya mapapatay para maalis ang tinik sa lalamunan ng BAS. Hindi ako nagpahalata na bigla akong nanlambot dahil siguradong magtataka sila kung bakit ganito ang reaksiyon ko."You can sitdown here, Shanra," biglang inilapit ni Tom ang isang upuan kung saan ako nakatayo at kusa niya akong iniupo. Alam kong nahalata niya ang naging reaksiyon ko dahil alam niyang kilala ko si Craig at malamang ay nahuhulaan na nito na hindi lamang kami simpleng magkakilala kundi may namamagitang espesyal na relasyon sa pagitan naming dalawa ni Craig. Thankful ako dahil kahit may alam si Tom ay nanahimik ito at hindi ako ibinuko. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng pakiramdam na may isa akong kaibigan. Isang tunay na kaibigan sa katauhan ni Tom."Thanks," mahina ang boses na sabi ko kay Tom. Tango lamang ang isinagot niya sa akin at bahagya
Shanra"Let's break up, Craig. Tapusin na natin ang ano mang namamagitan sa ating dalawa," malamig ang boses at blangko ang ekspresiyon na sabi ko kay Craig habang nasa loob kami ng isang French restaurant at nagdi-dinner. Pang-two monthsary sana namin ngayong araw ngunit naging araw kung kailan nagtapos ang relasyon naming dalawa. Now I know kung bakit ang mga magkakasintahan ay nagsi-celebrate ng kanilang monthsary. Ito ay dahil hindi alam ng mga magkakasintahan kung anong araw, buwan o taon sila maghihiwalay. Mabuti na iyong nakakapag-celebrate ng monthsary dahil baka sa susunod na buwan ay hiwalay na magkasintahan. Baka hindi sa pangalawang buwan bilang magkasintahan ay bigla na lamang maghiwalay ang magkasintahan katulad sa amin ni Craig."Anong sinabi mo, Shanra?" tila nabinging tanong ni Craig sa akin. May bahagyang ngiti sa mga labi ngunit hindi iyong ngiti na natutuwa kundi iyong ngiti na hindi makapaniwala."Ang sabi ko ay maghiwalay na tayo ngayon. Tapusin na natin ang anum
Craig's POV"I-play mo nga ulit ang video," utos ko sa lalaking nasa tapat ng computer at siyang nagpi-play sa kuha ng video na katatapos lang namin panuorin.Nasa loob ako ngayon sa control room ng bar kung saan ako nalasing kagabi at kasama ko si Sarhento Fabian Castro na isa sa aking matapat na underlings. Pinapunta ko siya para samahan niya akong i-check ang CCTV nang gabing nalasing ako sa bar na ito. Tumawag kasi sa akin ang isa kong tauhan at sinabi niya sa akin na nakita raw niya ako kagabi sa loob ng bar na sobrang lasing na lasing. May apat daw na lalaki na nagtangkang gawan ako ng masama dahil sa isang babae ngunit isang lalaki raw ang nagtanggol sa akin. Wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Nilunod ko kasi ang sarili ko sa alcohol dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan at nakipaghiwalay sa akin si Shanra. At hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niyang dahilan kung ba
Shanra's POVHabang naghahanda kami sa gagawin naming pag-assassinate kay Sentor Evan De Silva ay lumilipad ang aking isip. Siguro namsn na-gets ni Craig ang ibig sabihin ng babalang ibinato ko sa kanya noong isang araw. Obvious naman kung ano ang ibig sabihin ng babalang isinulat ko sa kapirasong papel na iyon kaya tiyak na naghahanda at nakapagplano na ngayon si Craig sa gagawing depensa para maprotektahan nito ang senator nitong pinsan. Ito lamang ang kaya kong gawin. Ang palihim siyang bigyan ng babala para mailigtas niya ang pinsan niya. "Alam kong nahihirapan ka ngayon, Shanra. Kahit ano man ang maging desisyon mo ay susupurtahan kita," kausap sa akin ni Tom nang lumapit siya sa akin. Mahina lamang ang boses niya dahil baks marinig ng ibang mga kasamahan namin ang aming pag-uusapan.Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko siya sinagot. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Tom. Ayokong mag-participate sa assassination na gagawin natin laban kay Evan De Silva da
ShanraNakapasok na sa loob ng mansion ni Evan De Silva ang mga kasamahan kong assassin at nagkalat na sa loob ngunit nananatiling nasa loob pa rin ako ng aking kotse na naka-park sa may di-kalayuan. Maraming CCTV sa loob ng subdivision na tinitirahan ng batang senador ngunit wala iyong silbi dahil nagawang ma-hack ni Denver sng system ng subdivision at sinigurado niya na aabutin ng limang oras bago maibalik ang maayos na operation ng mga CCTV kaya palagay ang loob kong mag-park sa lugar na iyon gamit ang aking kotseng pula. Iba-ibang disguise lamang ang ginawa ng mga kasamahan ko para makapasok sa loob ng mansion ni De Silva. May nagpanggap na kasama na waiter at sumama sa catering services, may nagpanggap naman na crew sa live band na inimbitahan ng senador para mag-perform sa birthday nito samantalang ang iba naman ay nagpanggap na mga guest. Hindi lang naman ako nagtagal sa loob ng aking kotse dahil kailangan ko na ring makapasok. Baka kasi biglang um-aksyion agad ang aking grup
"Are you okay, Shanra?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tom pagkatapos niyang gamutin ang tama ng bala sa aking balikat.Mula naman sa pagkakapikit ng aking mga mata habang nakasandig sa mahabang sofa ay iminulat ko ang aking mga mata at binigyan ng matipid na ngiti si Tom. "Okay lang ako, Tom. Salamat sa paggamot mo sa akin," umalis ako sa pagkakasandal sa sofa at sinuri ang sking sugat. Mabuti na lang at hindi bumaon ng malalim ang bala sa balikat ko kaya hindi ko na kailangan pang magtungo sa ospital para magpagamot. Kaya nang gamutin ni Tom ang sugat ko kaya sa clinic na lamang niya ako dinala."Iniligtas mo ako kanina kaya nararapat lamang na ito ang gawin ko," mabilis na sagot ni Tom. Tumayo ito at iniligpit ang mga ginamit nitong first aid kit."Ginawa mo ang lahat para mailigtas ang pinsan niya pero ano ang ginawa niya? Binaril ka niya. At paano kung hindi lamang sa balikat ang tama? Worth it ba ang ginawa mong pagliligtas sa buhay nilang magpinsan?" nakasimangot na tanong sa
Shanra's POV"No," mahinang sambit ko sa aking sarili habang tila kandilang nauupos na dahan-dahan akong napaupo sa couch. Ni hindi ko magawang tingnan ang whole body picture na kasama ng folder na nalaglag. Gulung-gulo ang isip ko. Nalilito ako. Buong sistema ko ay tumututol na gawin ko ang aking huling misyon. Ngunit kapag hindi ko naman ito gawin ay hindi ko alam kung bibigyan pa ako ng chance na Ninong para mang-assassinate ng ibang tao. Bakit ba sa akin napunta ang misyon na ito? Bakit hindi na lang ito napunta kay Henry o di kaya kay Allan? Sinusubukan ba ako ni Ninong Eddie?Ano ang gagawin ko? Kaya ba kitang patayin? hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Bakit kailangang dumating ako sa punto na kailangan kong mamili sa dalawang bagay na sobrang mahalaga sa akin?Hindi ko mapag-desisyunan kung ano ang mas matimbang sa akin. Ang pagmamahal ba o ang pagkamuhi? Mabigat ang dibdib na napasandal ako sa sofa habang umiiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na p
Craig's POVMedyo masakit ang ulo ko nang magising ako kinaumagahan dala ng nainom kong alak. Tinatamad na bumangon ako at naupo sa ibabaw ng aking kama. Bigla akong napamulagat nang makita kong wala akong suot na kasuotan sa ilalim ng kumot.Damn! Anong nangyari? muli akong natigilan nang biglang nag-flashback sa aking isipan ang mainit na pinagsaluhan namin ni Shanra kagabi. May nangyari sa amin kagabi. Naangkin ko siya. I thought it was just a dream. Anong saya ang naramdaman ko nang makita ko ang blood stain sa bedsheet ng aking kama. Patunay na nangyari ang lahat ng inaakala kong panaginip. At ang blood stain na ito sa kama ko ang patunay. I am the first man in her life at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Nakasisiguro ako na mahal talaga ako ni Shanra at may malaking problema lamang siya na kinakaharap kung kaya't nakipaghiwalay siya sa akin. Ngunit pipilitin ko siyang sabihin sa akin kung ano ang problemang itinatago niya sa akin. Anuman ang problema niya ay mag