Dear Readers, Ipagpaumanhin ninyo kung napatagal ang aking pag-update dahil naging abala ako sa graduation ng aking anak. You know, mommy duties. Isa pa'y nagkaroon din kami ng family vacation na tumagal ng two weeks kaya nawalan ako ng time para magsulat. Sana ay huwag kayong magsasawa na suportahan ang istorya kong ito dahil wala pa po tayo sa kalahati. Marami pa kayong aabangan sa pagitan ni Calley, Zack, at Zayne. At para naman sa mga bashers ko, maraming salamat dahil nag-effort din kayong magbasa at umabot hanggang sa huling kabanata para punahin ako. Salamat sa coins. ( ◜‿◝ )
“WHAT are you doing, bitch?!”Sabay na napatingin si Calley at Zayne sa pintuan ng silid nang bumungad doon si Monica na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Sa tingin pa nga ni Calley ay gusto pa siya nitong sugurin sa kanyang kinauupuan.Calley breathed a sigh of relief dahil sa wakas ay nagkaroon ng distraction sa pagitan nila ni Zayne. Sa totoo lang ay kanina pa siya naaasiwa sa mga ipinapakita sa kanyang ng binata. Hindi rin siya komportable na kasama ito sa iisamg kwarto subalit wala naman siyang choice dahil boss niya ito at nakiusap ang lalaki sa kanya.Itinigil ni Calley ang pagsusubo ng pagkain kay Zayne at binitiwan ang platong hawak, saka tumayo sa kinauupuan at hinarap ang bagong dating. “I'm sorry Ms. Monica. Tinutulungan ko lang si Sir Zayne na kumain—““Oh, really?” nanunuyang putol ni Monica sa sinasabi niya. “I know you're just flirting with your boss!“ dagdag pa nito na ikinabigla naman ni Calley. Well, noong una pa lang niyang makita ang babae ay al
PUNO man ng takot at pangamba ang dibdib ni Calley, wala na siyang pagpipilian kung hindi tanggapin ang trabahong ibinigay sa kan'ya ni Lynette. Ang ibenta ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera.Labag man sa kanyang kalooban, wala na siyang pagpipilian. Kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang Nanay na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit. May brain tumor ito at kailangan ng agarang operasyon.Ulila na siya sa ama at wala rin siyang kapatid. Kaya't kung mawawala pa ang kanyang ina, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin.Ilang sandali pa, nakarinig siya ng paglagatik ng pinto, senyales na bumukas iyon. Sumunod ay ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan niya.Tumahip ang dibdib ni Calley habang pinakikiramdaman ang paligid. At dahil tanging karimlan lang ang nakikita n'y
“CALLYX, come here. Ready na ang food mo,” pagtawag ni Calley sa kanyang apat na taong gulang na anak na si Callyx. Nasa kusina siya noon at katatapos lang ihanda ang lunch nilang mag-ina.Nang hindi sumagot ang anak, binitiwan niya ang kutsarang hawak saka dali-daling nagtungo sa sala. At doon, naabutan niyang tutok na tutok ang paslit sa panonood ng favorite cartoon nitong Mr. Bean, habang nakasalampak sa sahig na may kulay kremang tiles.Marahang nilapitan ni Calley ang anak pero hindi pa rin siya nito napapansin. Nakatalikod kasi ito sa gawi niya. Kaya naman habang nakatutok ito sa pinanonood ay tumalungko siya sa likuran nito at pasimpleng ninakawan ng halik sa pisngi.“Huli ka!” bungisngis ni Calley sa anak sabay yakap sa baywang nito.“Mama!” bulalas naman ni Callyx na s
“PARADISE Island Hotel and Resort is now hiring ten receptionists,” basa ni Calley sa isang ads na lumitaw sa kanyang Facebook account.Nagaw ang atensyon niya ng ads na ‘yon. Bukod kasi sa mataas ang salary para sa naturang trabaho, free pa ang tirahan, kuryente, at tubig. Iyon nga lang, sa Coron sa Palawan pa madedestino ang matatanggap sa posisyong iyon.Napaisip naman si Calley, saka binalingan ang nahihimbing na anak sa kanyang tabi. Pasado alas-onse na iyon ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog, kaya naman naisipan n’yang bisitahin ang kanyang social media account para mag-post ng kanyang mga homemade cupcakes.
"WELCOME to Paradise Island, Calley!" magkasabay na bati ni Maggy at Tristan sa kaniya.Iyon ang first day niya bilang receptionist sa Paradise Island, at ang dalawang iyon ang makakasama niya sa morning shift. Si Tristan ay isang handsome gay, samantalang si Maggy naman ay maganda na may jolly attitude. Mabilis niyang nakasundo ang dalawa dahil mababait ang mga iyon."Thank you guys," kimi niyang tugon sa dalawa."Ay o? Anak mo 'to, sis? Ang cute-cute!" si Tristan habang nakatingin kay Callyx.Nasa isang sulok ang musmos habang nagkukulay ng drawing book nito sa maliit na mesa. Thankful din siyang napaka-behave ng kanyang anak kaya hindi niya ito kailangang intindihin habang nagtatrabaho. Nagbaon na lang siya ng toys at food nito in case
UMAGA pa lang ngunit napakarami ng guests ng Paradise Island ang nagtse-check in. Ang karamihan ay mga dayuhan na nais makita ang natatanging ganda ng Pilipinas, partikular sa Coron, Palawan.Halos hindi na nga magkanda-ugaga si Calley, Maggy, at Tristan sa pageestima sa mga hotel guest. At kahit iyon pa lang ang pangatlong araw ni Calley bilang receptionist, gamay na niya ang trabaho. Kayang-kaya na niyang sumabay sa dalawang kasamahan.“Good morning, Ma’am, Sir! Welcome to Paradise Island Hotel and Resort,” masiglang bati ni Calley sa dalawang foreigner na sa hula niya ay mag-asawa.Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya pagkatapos ay sinabing nais nitong mag-check in ng one week. Wedding anniversary kasi ng mag-asawa at doon nito gustong i-celebrate ang nasabing okasyon.Matapos i-assist ni Cal
ISANG linggo na si Calley sa Paradise Island Hotel and Resort at nagawa na niyang makapag-adjust sa kanyang trabaho pati na rin sa working place. Natutuwa rin siyang makita kay Callyx na nag-e-enjoy ito sa lugar. Paano’y bukod sa napakaganda ng nasabing resort, talaga namang sariwa ang hangin na nalalanghap. Hindi ‘gaya sa Metro Manila na polluted na ang hangin.Bukod doon, masaya rin siya sa pagtatrabaho dahil kina Maggy at Tristan na itinuring na rin niyang mga kaibigan. Isa pa'y mabait din ang iba pa niyang colleagues, maging ang kanilang hotel manager na si Ms. Debby.Iyon nga lang, hindi rin maiwasang mainis ni Calley sa t‘wing naiisip niyang mayroon na siyang memo dahil lang sa hindi niya sinasadyang maistorbo ang ‘pamamahinga’ ng kanilang big boss. As if naman alam niyang restricted area pala ‘yon. Wala naman kasing nakapags
SIMULA noong makatanggap si Calley ng sulat at bulaklak sa hindi nakikilalang lalaki, naging regular na ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kaniya. Nagsimula na tuloy siyang ma-curious sa kanyang secret admirer.Naging malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang lalaking nasa likod niyon. Bukod pa roon, hindi rin niya maiwasang mag-asam na baka galing iyon sa ama ni Callyx. Sapagkat ang inisyal na “Z” na nakalagay sa mga sulat ay kapareho ng pangalan na ipinakilala ng ama ni Callyx nang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito.Ngunit posible nga kaya? Iyon nga kaya ang ama ni Callyx? Pero bakit kailangan pa nitong idaan sa ganoon ang lahat? Bakit hindi na lang ito magpakita sa kaniya at magpakilala? Alam kaya nito na nagkaroon sila ng anak?Nahulog sa malalim na pag-iisip si Calley